2. MAKABANSA-Pamumuhay sa iba’t- ibang Lugar ayon sa lokasyon.pptx
JosephTaguinod1
8 views
17 slides
Sep 09, 2025
Slide 1 of 17
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
About This Presentation
kjkj
Size: 104.35 KB
Language: none
Added: Sep 09, 2025
Slides: 17 pages
Slide Content
Pamumuhay sa iba’t - ibang Lugar ayon sa lokasyon at klima
Lokasyon-tumutukoy sa kinaroroonan ng isang lugar . Kung malapit sa dagat - maraming tao ang nangingisda . Kung malapit sa bundok - karaniwang nagsasaka o nag- uuling ang mga tao . Kung nasa lungsod - marami ang nagtatrabaho sa opisina , pabrika o tindahan .
Klima- tumutukoy sa karaniwang panahon sa isang lugar . Sa malamig na lugar (Baguio, Tagaytay) – nagtatanim ng gulay at prutas na hindi tumutubo sa mainit na lugar . Sa mainit na lugar ( Ilocos , Palawan)- karaniwang nagtatanim ng palay, tabako , o mangga . Sa mga lugar na laging umuulan - may hanapbuhay na may kinalaman sa tubig gaya ng pagtatanim ng palay o paghahayupan .
Pamumuhay ng Tao Ang kanilang kabuhayan , pagkain , at pananamit ay umaayon sa lokasyon at klima ng kanilang lugar . Halimbawa : Sa tabing-dagat – bahay na gawa sa pawid at kahoy . Sa malamig na lugar - makapal ang suot na damit . Sa lungsod - maraming gusali at iba’t ibang trabaho .
Gawain: Pagparesin ang mga sumusunod gamit ang mga linya . A. Mga Lugar/ Klima B. Pamumuhay 1. Malapit sa dagat a. Pagtatanim ng gulay at strawberries 2.Malamig na lugar b. Pangingisda 3.Mainit at tuyo c. Pag- uuling o pangangahoy 4. Mataas na bundok d. Pagsasaka ng palay o tabako .
Pagtataya : Ano ang pamumuhay ng mga tao kung sila ay nakatira sa : a. tabing-dagat b. malamig na lugar c. lungsod
Aktibidad : Gumuhit ng isang tanawin sa NCR ( halimbawa kalsada na may jeep, mall, opisina , o park) at isulat sa ibaba ng iyong guhit . “ Paano nakakaapekto ang kapaligiran at klima sa pamumuhay ng tao sa NCR?”
1. Pamumuhay sa Tabing- dagat Dahil malapit sa dagat , maraming tao ang mangingisda o nagtitinda ng isda at iba pang lamang dagat . Ang klima dito ay kadalasang mahangin at maalinsangan . Ang mga tao ay nagsusuot ng magagaan at preskong damit .
2. Pamumuhay sa Kabundukan Sa malamig na klima ng kabundukan , maraming tao ang nagtatanim ng gulay at prutas . Ang mga tao rito ay madalas na nakasuot ng makapal na damit para hindi ginawin . Malinis at malamig ang hangin kaya’t maraming halaman at punong tumutubo .
3. Pamumuhay sa Kapatagan Sa mga kapatagan na may mainit na klima , pagsasaka ng palay at gulay ang pangunahing hanapbuhay . Madalas gumagamit ng sombrero o pamaypay ang mga tao para makaiwas sa init.
4. Pamumuhay sa Lungsod Sa lungsod gaya ng NCR, mainit at maraming tao kaya iba’t ibang trabaho ang makikita tulad ng empleyado , guro , manggagawa . Marami ring gusali , kalsada , at sasakyan kaya naiiba ang pamumuhay kumpara sa mga probinsya .
Gawain: Basahin ang bawat pangungusap . Isulat ang / kung ito ay karaniwang makikita o ginagawa sa NCR , x kung hindi . Pagmamaneho sa matataong lugar tulad ng EDSA. Pangingisda sa dagat upang makabuhay ng pamilya . Pagtatrabaho sa opisina o call center. Pag- aani ng palay sa malawak na bukirin . Pamimili sa malaking mall.
Gawain: Basahin ang bawat pangungusap . Isulat ang / kung ito ay karaniwang makikita o ginagawa sa NCR , x kung hindi . 6. Pag- aaral sa mga unibersidad tulad ng UP at PUP. 7. Pagsasaka sa matataas na bundok . 8. Pagtitinda sa palengke o bangketa . 9. Pag- akyat sa bundok tuwing tag- init. 10. Pagmamay-ari ng pabrika o negosyong gumagawa ng produkto .
Sagutin ang mga pangunahing katanungan . Kung malapit sa dagat , karaniwang hanapbuhay ay________________________. Sa malamig na kabundukan , madalas itanim ng mga tao ay___________________. Sa lungsod , ang pangunahing gawain ng tao ay___________________. Kung mainit ang klima , mas mabuting magsuot ng____________________. Ano ang gamit ng tao kapag madalas umulan ?_________________________