A.Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat sa papel ang tamang sagot
1. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na paglalarawan ng diskriminasyon?
A. Pagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng tao
B. Pagtatangi sa isang tao batay sa kanyang lahi, kasarian, o relihiyon
C. Pagtulong sa mga nangangailangan
D. Pagpapakita ng malasakit sa kapwa
2. Ano ang pangunahing sanhi ng diskriminasyon sa isang lipunan?
A. Kakulangan ng edukasyon at kamalayan tungkol sa pagkakapantay-pantay ng tao
B. Pagbabago sa sistema ng pamahalaan
C. Paglaganap ng teknolohiya sa mga komunidad
D. Pagkakaroon ng maraming etnikong grupo sa lipunan
3. Ano ang itinuturing na direktang anyo ng karahasan?
A. Kakulangan ng serbisyong pangkalusugan B. Diskriminasyon sa lugar ng trabaho
C. Pisikal na pananakit o pananakot D. Kawalan ng oportunidad sa edukasyon
4. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng diskriminasyong batay sa kasarian?
A. Hindi pagtanggap sa trabaho dahil sa kakulangan ng karanasan
B. Hindi pagbibigay ng pantay na sahod sa kababaihan at kalalakihan para sa parehong trabaho
C. Pagtanggal sa trabaho dahil sa maling pagganap ng tungkulin
D. Pagbabawal sa mga kabataan na magtrabaho
5. Anong uri ng karahasan ang tumutukoy sa diskriminasyon at pang-aapi batay sa kasarian?
A. Physical violence
B. Economic violence
C. Gender-based violence
D. Political violence
6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng diskriminasyon batay sa lahi?
A. Hindi pagtanggap ng isang tao sa trabaho dahil sa kanyang kulay ng balat
B. Pagbibigay ng scholarship sa mga mag-aaral na may mababang kita
C. Pagpapatupad ng curfew sa lahat ng kabataan
D. Pagbibigay ng benepisyo sa mga manggagawa
7. Ano ang ibig sabihin ng "systemic discrimination"?
A. Diskriminasyong dulot ng maling akala sa isang tao
B. Diskriminasyong likas sa mga patakaran o istruktura ng isang institusyon
C. Diskriminasyong pansamantalang nagaganap sa pagitan ng mga indibidwal
D. Diskriminasyong nakabatay sa insidente lamang
8. Anong uri ng karahasan ang nagdudulot ng pinsala sa emosyonal na kalagayan ng tao?
A. Pisikal B. Sekswal C. Emosyonal D. Ekonomiko
9. Alin sa mga sumusunod ang anyo ng diskriminasyong may kaugnayan sa pananampalataya?
A. Pagtanggi sa pag-upa ng bahay dahil sa relihiyon
B. Pagbabawal sa paggamit ng social media
C. Pagtuturo ng iba't ibang relihiyon sa paaralan
D. Pagbabawal sa mga kabataan na lumabas ng bahay sa gabi
10. Anong anyo ng karahasan ang tumutukoy sa sapilitang pagkontrol ng isang tao sa mga ari-arian
o kita ng iba?
A. Pisikal B. Sekswal C. Ekonomiko D. Sikolohikal
11. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng diskriminasyon sa kasarian?
A. Kakulangan ng batas na nagbibigay-proteksyon
B. Luma at makalumang pananaw sa gender roles
C. Hindi sapat na edukasyon sa teknolohiya
D. Pagtaas ng populasyon
12. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng diskriminasyon batay sa edad?
A. Pagkakaloob ng promosyon para lang sa mga kababaihan
B. Pagkakaloob ng ayuga sa mga single parent lamang
C. Hindi pagtanggap sa trabaho ng isang aplikante dahil 65 taon na
D. Mas nakakaraming babae ang tinatanggap sa mga trabahong health related services sa Bulgaria at
Cyprus.
13. Anong anyo ng karahasan ang kinabibilangan ng pananakot o pambu-bully?
A. Emosyonal B. Pisikal C. Sekswal D. Ekonomiko
14. Anong uri ng karahasan ang pagtanggi sa pagkain at iba pang pangangailangan ng isang tao?
A. Emosyonal B. Pisikal C. Ekonomiya D. Sikolohikal
B.15. Panuto: Isulat ang titik ng mga pangungusap na mali ang isinasaad batay sa mga konsepto na
natalakay.
A.Ang diskriminasyon ay maaari lamang mangyari sa lugar ng trabaho.
B.Ang karahasan ay maaaring dulot ng kawalan ng edukasyon tungkol sa pantay na Karapatan
C.Ang pagkakakilanlan ng kasarian ay hindi maaaring maging dahilan ng diskriminasyon.
D.Ang verbal abuse ay isang uri ng karahasan.
E.Ang pagbalewala sa mga reklamo ng biktima ay isang uri ng sistematikong diskriminasyon
F.Ang mga batas laban sa diskriminasyon ay sapat na upang tuluyang mawala ito.
G.Ang pagkakaiba-iba sa kultura ay maaaring magdulot ng diskriminasyon kung hindi
naiintindihan ng maayos.
H.Ang economic abuse ay maaaring mangyari kahit sa mga mag-asawa.
I.Ang diskriminasyon ay nagaganap lamang kapag may pisikal na pananakit.
J.Ang pagbibigay ng boses sa mga marginalized na grupo ay nakatutulong upang labanan ang
diskriminasyon.
C.Panuto: Tukuyin kung anong salik ng diskriminasyon maiiuugnay ang mga sumusunod na
sitwasyon
16. Pinagkalooban ng promosyon si Kulas kahit mas kwalipikado si Tomasa at mas matagal na sa serbisyo.
17. Si Asmir ay Muslim binansagan siyang "terorista" sa kanilang lugar.
18. Si Feling ay pilay dahil dito nahihirapan siya sa paggamit ng mga transportasyon at pagtanggap sa
trabaho kahit siya ay kwalipikado.
19. Pagbibigay ng paboritismo sa mga estudyanteng nagmula sa mayayamang pamilya sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mas magandang pasilidad o oportunidad kumpara sa mga estudyanteng nagmula sa
mahihirap na pamilya.
20. Hindi pag-imbita sa mga tao na mayroong mukhang hindi kanais-nais sa mga party o hindi
pagpapakita ng kagustuhan na magkaroon ng kaibigan na mayroong pisikal na anyo.
D.Panuto: Tukuyin kung anong anyo ng diskriminasyon at karahasan ang inilalarawan ng mga
sitwasyon
21. Pagbabanta at paninigaw
22. Pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban
23. Sinusubukan na kontrolin ang paggastos sa pera, kung saan ka pupunta at kung ano ang iyong
isusuot
24. Sinisipa, sinasampal, sinasakal ang iyong anak o mga alagang hayop.
25. Nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko
26. Tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo
27. Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o kaibigan
E.Panuto: Sabihin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ng diskriminasyon ay nagpapakita ng
Pre-conceived Biases Stereotyping Prejudices
28. Itinuturing na ang mga babae ay hindi magaling sa agham o matematika bago pa man makita ang
kanilang kakayahan.
29. Pagtingin na "lahat ng lalaking nagbibihis ng makulay ay bakla."
30. Ang hindi pagkagusto sa mga imigrante dahil sa maling paniniwalang sila ang dahilan ng kawalan ng
trabaho.
F.Panuto: Punuin ang talahanayan ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa karhasan at
diskriminasyon sa iba’t ibang lipunan
31. Shame Killing
32. Female Genital Mutilation
33. Breast Ironing
34. Female Infanticide
Paglalarawan ng
karahasan/Diskrimina
syon
Salik ng
karahasan/Diskrimina
syon
Anyo ng
Karahasan/Diskrimina
syon
Epekto ng
Karahasan/Diskrimina
syon