this is second quarterly examination for grade 10 values education
Size: 220.05 KB
Language: none
Added: Mar 27, 2025
Slides: 4 pages
Slide Content
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF BOHOL
CARMEN 3 DISTRICT
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYONG SA PAGPAPAKATAO 10
Pangalan : Petsa ;
Baitang at Seksyon : Pirma ng Magulang/ Guardian :
Panuto: Basahin mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na
sagot at isulat ang titik sa tamang sagot bago ang bilang. ERASURE means WRONG.
____1.) Anong uri ng kilos ng tao na likas sa tao ayon sa kanyang kalikasan?”
a. ang kilos ng tao c. ang makahayop na kilos
b. ang makataong kilos d. ang kilos ng hayop
_____2. )Anong kilos ng tao ang isinagawa nang may kaalaman, malaya at kusa?
a. ang kilos ng tao c. ang makahayop na kilos
b. ang makataong kilos d. ang kilos ng hayop
_____3.) Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga biyolohikal at pisyolohikal na nagaganap sa tao MALIBAN sa
a. paghinga b. pagtibok ng puso c. pagkurap ng mata d. pagpapasya
_____4.) Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli. Marami
siyang mga gawain na nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro
at lagi siyang nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang ginagawa. May pananagutan ba si Ali kung bakit nasa
kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro?
a. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot.
b. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.
c. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
d. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.
_____5.) Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan?
a. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang-aralin ang kanilang
guro.
b. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok.
c. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang guro.
d. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na iyon.
_____6.) Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
a. Panliligaw sa crush. c. Pagsugod sa bahay ng kaalitan.
b. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko. d. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang
nakuha.
_____7.) Alin sa mga ito ang HINDI maituturing na gawi?
a. Paglilinis ng ilong c. Pagsusugal
b. Pagpasok nang maaga d. Maalimpungatan sa gabi
_____8.) Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit walang barya na
maaaring ipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang kanilang
tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito?
a. Takot b. Kamangmangan c. Karahasan d. Masidhing damdamin
_____9.) Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng kaniyang mga
kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing
sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni
Jimmy?
a. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
b. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
c. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
d. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos.
____10.) May babae na nagustuhan at minahal si Alex ngunit ang babaeng ito ay mayroon ng asawa. Ngunit sa kabila
nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang pagmamahal sa babae hanggang sa magkaroon sila ng relasyon.
Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita sa sitwasyon?
a. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.
b. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
d. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
_____11.) Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung ito
ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan? Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng
pagpapasiya si Amir?
a. Tingnan ang kalooban c. Maghanap ng ibang kaalaman
b. Isaisip ang posibilidad d. Umasa at magtiwala sa Diyos
_____12.) Ang mga sumusunod ay ang tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan MALIBAN sa _____
a. Kusang-loob b. Di kusang – loob c. Walang kusang loob d. wala sa mga sagot
_____13.) Sino ang nagsabi na anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon ay nakasalalay sa anumang uri ng kilos na
ganyang gagawin at ginagawa?
a. Karl Marx b. Aristoteles c. Agapay d. Santo Tomas de Aquino
_____14.) Ilang salik ang nakaaapekto sa makataong kilos?
a. 3 b. 4 c. 6 d. 5
_____15.) Anong salik ang tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao?
a. takot b. kamangmangan c. karahasan d. gawi
_____16.) Anong salik ang dikta ng bodily apetites, pagkiling sa isang bagay o kilos o damdamin?
a. takot b. kamangmangan c. karahasan d. masidhing damdamin
_____17.) Ang salik na ito ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa
kaniyang buhay o mga mahal sa bahay ?
a. takot b. gawi c. karahasan d. masidhing damdamin
_____18.) Anong salik na tumutukoy sa mga gawain na paulit-ulit na isinagawa at nagiging bahagi na ng sistema ng buhay
sa araw-araw?
a. takot b. gawi c. karahasan d. masidhing damdamin
_____19.) Ang pag-ibig, pagkamuhi, pagnanais, pagkasuklam, galit at iba pa ay mga halimbawa ng anong salik?
a. takot b. gawi c. karahasan d. masidhing damdamin
_____20.) Ang isang taong tumawid sa kalsada kahit na ipinagbabawal ay apektad o ng anong salik?
a. takot b. kamangmangan c. karahasan d. masidhing damdamin
____21.)Sa sobrang galit, napalo ka ng iyong ama dahil hindi ka pumapasok sa paaralan. Siya ay apektado ng anong
salik?
a. takot b. kamangmangan c. karahasan d. masidhing damdamin
____22.) Sumakit ang iyong tiyan at uminom ka ng gamot na hindi man lang binasa kung para saan ito. Apektado ang
iyong kilos ng anong salik?
a. karahasan b. kamangmangan c. karahasan d. masidhing damdamin
____23.) Kumuha ka ng pagkain sa canteen kahit na labag sa iyong kalooban dahil inutusan ka ng iyong kaklaseng
basagulero. Apektado ang iyong kilos ng anong salik?
a. karahasan b. kamangmangan c. takot d. masidhing damdamin
____24.) Nakasanayan ni Noel ang mag-inat at humikab. Isang araw, habang nagtuturo ang kanilang guro ay
napalakas ang paghikab niya, kaya nagalit ang kanilang guro. Anong salik ang ipinapakita nito?
a. takot b. kamangmangan c. karahasan d. gawi
____25.) Ilang yugto mayroon ang pagsasagawa ng makataong kilos ayon kay Santo Tomas de Aquino?
a. 10 b. 11 c. 12 d. 13
I. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang MP kung ang sitwasyon ay nagpapahayag ng may
pananagutan, WP kung walang pananagutan, at NAP kung nabawasan ang pananagutan. Isulat ang iyong sagot
puwang bago ang bilang
__________1. Palaging huli sa pasok sa eskuwelahan si Jules dahil palagi siyang matagal gumising sa umaga.
__________2. Binugbog ni Hugo ang isang kaeskwela dahil inutusan siya ng isang leader ng gang at binantaan siya na
bubugbugin kung hindi niya susundin.
__________3. Napasigaw si Cristy ng malakas habang nagtuturo ang guro dahil may nahulog na butiki sa kanyang
mukha
__________4. Itinago mo at hindi na isinauli ang pitakang naiwan ng iyong kaklase sa inyong silid aralan.
__________5. Habang naglalakad sa makipot na eskinita inabangan si Mar ng holdaper at sapilitang kinukuha ang
kanyang pitaka at cellphone. Tumakbo ngunit inabutan siya kaya’t napilitan siyang lumaban lalo na ng
nakita niya na bumunot ito ng kutsilyo. Nahawakan niya ang malaking kahoy at buong lakas na inihampas
sa holdaper na naging sanhi ng pagkalugmok nito at pagkabagok ng ulo sa pader na semento.
_________6. Binasag ng taong wala sa matinong pag-iisip ang mamahaling banga sa may bukana ng hotel.
_________7. Hindi mo naipasa sa takdang oras ang iyong proyekto dahil walang nakapagsabi sa iyo at wala kang alam sa
napagkasunduan ng iyong guro at mga kaklase.
_________8. Sa sobrang saya dahil sa pagkapasa sa Board Exam ay napakayap si Eman sa kanyang katabing babae.
_________9. Napasipol ng malakas si Abner nang may napadaan na magandang dalaga.
_________10. Pagmumura ng manlalaro sa tuwing sumimplang siya sa pagpalo ng bola.
II. Panuto: Ihanay ang A mula pagpipilian sa B. Isulat sa iyong sagot sa puwang bago ang bilang
A B
_____1. Magkalap ng patunay A.Hakbang sa Moral na Pagpapasya
_____2. Isaisip ang posibilidad B.Pagnilay at pagsasagawa ng pagpipili o
pagpasya
_____3. Maghanap ng ibang kaalaman C.Makikita ang mabuti o masama kalalabasan
_____4. Tingnan ang kalooban D.Paghingi ng tulong sa pamamagitan ng
panalangin
_____5. Umasa at magtiwala sa tulong ng
Diyos
E. Unang hakbang sa moral na pagpapasya
____6. Magsagawa ng pasya F. Yugto ng makataong kilos
____7. 6 (anim) G.Personal na nararamdaman ukol sa sitwasyon
____8. 12 (labing dalawa) H.naglalayong makakita ng inspirasyong makagawa
ng tamang pagpapasya
“ Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip,ilapit sa Diyos ang lahat ng pangangailangan n’yo sa
pamamagitan ng panalangin na may pasalamat” Filipos 4:6
JEANNY E. CASICAS
Para sa bilang 41-44.
Panuto:Alamin kung ano anong yugto ng konsensiya ang tinutukoy ng bawat bilang.
a. Unang Yugto: Alamin at naisin ang mabuti
b. Ikalawang Yugto: Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon.
c. Ikatlong Yugto: Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos
d. Ikaapat na Yugto: Pagsusuri ng Sarili / Pagninilay
41.)Dito kinukumpirma natin ang ating pagiging sensitibo sa mabuti at masama at higit na pinagtitibay ang ating
moralidad.
42.) Sa yugtong ito nailalapat natin ang ating nalalaman sa mga prinsipyo ng moralidad upang kilatisin ang mabuti sa
isang partikular na sitwasyon.
43.) Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo. Ito ang pinakamainam na paliwanag sa
katotohanang tayo ay ilikha upang mahalin ang Diyos at ang kabutihan.
44.)Dito nahuhusgahan ang kabutihan o kasamaan ng isang kilos
Para sa bilang 45-50.
Panuto:Punan ang tsart sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Ang Kabuuang Kalikasan ng Tao
Kalikasan ng Tao Pangkaalamang Pakultad Pagkagustong Pakultad
Materyal
(Katawan)
45
46.
47.
Ispiritwal
(Kaluluwa)
(Rasyonal)
48. 49.
a. isip b. emosyon c. kilos-loob d.panabas na pandama e. panloob na pandama
50. Kumpletuhin ang kasabihan:
“Madaling maging tao, mahirap __________”
GOD BLESS!