2nd QUARTER WEEK 1_FILIPINO IKAWALONG BAITANG

JalaizaMalillin 0 views 21 slides Oct 09, 2025
Slide 1
Slide 1 of 21
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21

About This Presentation

About 2nd quarter Filipino week 1


Slide Content

PAGSULAT
NG
POSISYONG
PAPEL
MAKINIG!
EMILYN MANUEL

POSISYONG PAPEL
DAY 1
•Isa itong sanaysay na naglalahad ng opinyon na
naninindigan hinggil sa isang mahalagang isyu
patungkol sa batas, akademya, politika, at iba pang
mga larangan.
•paraang mapanghimok sa mambabasa upang
maunawaan at sang-ayunan nito ang paninindigan
ng nagsulat hinggil sa isyung pinaksa.

POSISYONG PAPEL
DAY 1
•karaniwang isinusulat mula sa pinakasimpleng
format tulad ng letter to the editor hanggang sa
pinakakomplikadong academic position
paper.
•ginagamit sa pampolitikong kampanya, mga
organisasyon ng gobyerno, sa mundo ng
diplomasya, at mga hakbang na naglalayong
baguhin ang mga pagpapahalaga ng
komunidad at organizational branding o
imahen ng isang samahan o institusyon.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
Pagpili ng Paksa Batay sa Interes

Pumili ng paksa ayon sa iyong interes upang
mapagtibay ang pinaninindigang opinyon o posisyon.
Gumamit ng mga datos, opinyon, estadistika, at iba
pang mga anyo ng mga katibayan upang maging kapani-
paniwala at mapagkakatiwalaan ng mambabasa.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
Magsagawa ng Paunang Pananaliksik
Ang paunang pananaliksik ay kinakailangan upang matukoy kung ang
katibayan ay magagamit upang suportahan ang iyong paninindigan.
Maaaring gumamit ng mga datos mula sa Internet, ngunit tiyaking
magmumula ito sa mga mapagkakatiwalaang web site,
•educational site (.edu)
•site ng gobyerno (.gov),
•pang mahanap ang mga propesyonal na pag-aaral at mga estadistika.
Mahalaga ring magtungo sa silid-aklatan po at gumamit ng mga
nailathala nang mga pag-aaral patungkol sa iyong paksa.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
Hamunin ang Iyong Sariling Paksa
Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw bukod pa sa nalalaman
mo tungkol sa iyong sariling paninindigan upang mapagtibay ang iyong kaalaman at
paninindigan sa iyong isusulat na posisyong papel. Alamin ang lahat ng posibleng mga hamon
na maaari mong makuha bilang suporta sa iyong mga pananaw. Dapat harapin at kilalanin
sa iyong Posisyong papel ang mga kasalungat na posisyon at gumamit ng mga
kontra-argumento (datos, opinyon, estadistika, at iba pa) upang pahinain ang tindig
ng mga ito. Sa kadahilanang ito, dapat mong maisa-isa ang mga argumento para sa mga
kasalungat na posisyon, ilahad ang mga argumentong ito sa isang obhetibong paraan, at
tukuyin kung bakit hindi tumpak ang mga ito. Makatutulong din ang pagguhit ng isang linya
sa gitna ng isang pirasong papel, ilista ang iyong mga punto na sang-ayon sa iyong
posisyon sa isang bahagi at mga kasalungat na punto naman sa kabilang bahagi.
Pagkatapos ay tayain kung anong posisyon ba talaga ang mas mahusay.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
Magpatuloy Upang Mangolekta ng Sumusuportang Katibayan
Matapos matukoy na ang iyong posisyon ay makatitindig na at
ang kasalungat na posisyon (sa iyong opinyon) ay mas mahina
kaysa sa iyong sariling posisyon, ikaw ay handa na sa iyong pananaliksik.
Pumunta sa aklatan at maghanap ng mas maraming mapagkukunan ng
datos. Maaari ding magsama ng opinyon ng isang dalubhasa o
eksperto sa paksa (tulad ng mga doktor, abogado, o propesor).
Gayundin ng mga personal na karanasan mula sa isang kaibigan o
miyembro ng pamilya, personal na salaysay ng ibang tao, at iba pa na
maaaring makaantig sa damdamin ng mambabasa.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
Magpatuloy Upang Mangolekta ng Sumusuportang Katibayan
Matapos matukoy na ang iyong posisyon ay makatitindig na at ang
kasalungat na posisyon (sa iyong opinyon) ay mas mahina kaysa sa iyong
sariling posisyon, ikaw ay handa na sa iyong pananaliksik. Pumunta sa
aklatan at maghanap ng mas maraming mapagkukunan ng datos. Maaari
ding magsama ng opinyon ng isang dalubhasa o eksperto sa paksa (tulad
ng mga doktor, abogado, o propesor). Gayundin ng mga personal na
karanasan mula sa isang kaibigan o miyembro ng pamilya, personal na
salaysay ng ibang tao, at iba pa na maaaring makaantig sa damdamin ng
mambabasa.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
Narito ang isang halimbawa kung paano babalangkasin ang isang posisyong
papel:
1.Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang impormasyon
(background information). Gumawa ng pahayag ng tesis na iginigiit ang iyong posisyon.
2.Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.
3.Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong
posisyon.
4.Pangatwiranang pinakamahusay nakatatayo pa rin ang iyong posisyon sa kabila ng mga
inilahad na mga kontra-argumento (sa b at c).
5.Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon. Sa pagsulat ng posisyong
papel, ipahayag ang iyong opinyon nang may paninindigan at kasinupan sa impormasyon.
Maging matatag sa paninindigan, subalit panatilihin ang pagiging magalang. Iparating ang
iyong mga punto at patunayan ang mga ito gamit ang mga ebidensiya.

Balangkas ng Karaniwang
Agenda (Talaan ng Pag-uusapan)
AGENDA
•ay talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na pulong.
•Makapagbigay ng impormasyon ang mga taong kasangkot sa mga temang pag-uusapan at
sa mga usaping pagtugon.
•rekomendasyon - dapat magkaroon ng resolusyon.

Mahalagang kasagkot sa paggawa ng agenda ang kalihim, habang kalimitang nagpapatawag
naman ng pulong ay ang mga opisyal tulad ng pangulo ng pamantasan o mga administrador,
CEO, director, pinuno ng samahan, at iba pang mga may pananagutan sa paggawa ng
agenda. Sa madaling salita, ang kalihim at mga administrador ang siyang mga kasangkot sa
pagsulat ng agenda.

Narito ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng agenda.
1.Simulan kaagad ang paghahanda sa pagsulat ng agenda. Gawin ito sa araw
mismo ng pagkakaroon ng desisyon sa petsa at tema upang matiyak na
maisasagawa nang maayos ang susunod na pagpupulong, at may kaisahang
patutunguhan ang mga pag-uusapan sa pulong.

2. Bigyang-halaga ang lugar na pagdarausan ng pulong at ang oras kung
kailan ito magsisimula at matatapos. Dapat tiyakin ng tagapagpadaloy ng
pulong na nakapokus lamang sa agenda ang pag-uusapan upang masunod ang
itinakdang oras at hindi abutin nang matagal na nagiging sanhi ng walang
kabuluhang pagpupulong.

3. Bigyang-halaga ang layuning inaasahang makamit sa araw ng
pagpupulong. Tiyaking malinaw ang layunin upang mapaghandaan ng mga
kasapi ang mangyayari sa pulong.

Narito ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng agenda.
4. Bigyang-pansin ang mga isyu o usaping tatalakayin sa pulong. Dapat na
maikli lamang ang bahaging ito. Siguraduhing lahat ng pag-uusapan ay mailalagay
sa agenda. Narito ang mga halimbawang balangkas ng karaniwang agenda:
Panalangin
Muling pagbasa ng nakaraang katitikan ng pulong pagrerebisa
Pagwawasto sa ilang kamalian kung mayroon at pagbibigay-linaw sa isyu kung
mayroon pa
Pagsang-ayon sa nakaraang katitikan ng pulong
Regular na report
Mga pangunahing puntong pag-uusapan
Iba pang bagay na nais pag-usapan
Muling pagtatakda sa araw ng pagpupulong (petsa)
5. Tiyakin na ang mga taong kasangkot lamang na nasa listahan ang dapat
dumalo sa pulong.

HALIMBAWA:
Memo Bilang
PETSA : Abril 23, 2026
PARA SA: MGA TAGAPANGULO NG KOLEHIYO NG EDUKASYON AT MALALAYANG SINING
RE: BUWANANG PULONG
MULA KAY: DR. SERVILLANO T. MARQUEZ, JR.
Dekano

Ipinaaalam sa lahat ng mga tagapangulo ng bawat departamento ng Kolehiyo ng Edukasyon at Malalayang Sining na ang
buwanang pagpupulong ay gaganapin sa ika-30 ng Abril, 2016 sa ganap na 3:00 hapon hanggang 5:00 ng hapon sa Media
Center.

AGENDA
1.Pagsisimula
2.Pagrerebyu at Pagrerebisa sa Nakaraang Katitikan ng Pulong
3.Pagsang-ayon sa Nakaraang Katitikan ng Pulong
4.Pagbibigay-pansin sa mga Isyu sa Nakaraang Katitikan ng Pulong
Pagtalakay sa Bagong Gawain o Proyekto
Aplikasyon ng Level 4 Akreditasyon sa PACUCOA
Pagtatalaga ng mga komiti
Petsa ng Pagsusumite ng Aplikasyon
Pagsasaayos ng MOA para sa International OJT ng mga Mag-aaral
Presentasyon at Publikasyon ng Research Papers
Iba Pang Bagay/Paksa na Pag-uusapan
5.Petsa ng susunod na buwanang pulong: ika-15 ng Mayo, 2016

GAWAIN:
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang inilalahad ng
sumusunod na mga pangungusap, kung mali naman, isulat
ang angkop na salita. Gawin ito sa sagutang papel.
1.Makikita sa Agenda ang pagkakasunod-sunod ng mga paksa.
2.Bibigyan ng sipi ng Agenda ang mga opisyal ng isang samahan o
kompanya.
3.Ang Agenda ang tumutulong upang maging pokus sa mga inilatag
na paksa ang isang pagpupulong.
4.Ang Katitikan ng Pulong ang magsisilbing ebidensiya sa mga
napag-usapan at sanggunian para sa mga susunod na
pagpaplano at pagkilos
5.Ang lahat ng napag-usapan sa pulong ay mababalewala kung
hindi ito itatala.

GAWAIN:
6.Nagsisilbing opisyal at legal na dokumento ang
Katitikan ng Pulong.
7.Malaking tulong ang paggamit ng recorder sa pagbuo
ng Katitikan ng Pulong.
8.Maaaring magbigay ng puna at sariling opinyon ang
gumagawa ng Katitikan ng Pulong.
9.Ang Katitikan ng Pulong ang nagsisilbing talaan ng
mga napag-usapan sa paparating NATAPOS na
pulong.
10.Makikita sa bahagi ng heading ang petsa, oras at
lugar ng susunod na pagpupulong.

Bahagi at Hakbang sa Pagsulat ng
Katitikan ng Pulong
MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG

1.HEADING – Naglalaman ito ng pangalan ng samahan, organisasyon o
kompanya. Makikita rin dito ang petsa, lugar ng pinagdausan at mga oras ng
pagsisimula at pagtatapos ng pulong.
2.MGA KALAHOK O DUMALO – Nakalagay dito kung sino ang tagapagdaloy
ng pulong at ang mga pangalan ng lahat ng dumalo. Makikita rin dito ang
mga panauhin at ang mga liban sa pagpupulong.
3.PAGBASA AT PAGPAPATIBAY NG NAGDAANG KATITIKAN NG PULONG
– Makikita rito kung sa nakalipas na Katitikan ng Pulong ay may napagtibay o
nabago.

Bahagi at Hakbang sa Pagsulat ng
Katitikan ng Pulong
4.USAPING NAPAGKASUNDUAN – Nakalagay rito ang
mahahalagang napag-usapan, kung sino ang nanguna sa
pagtalakay at ang desisyon ukol dito.
5.PABALITA O PATALASTAS – Hindi ito karaniwan sa Katitikan ng
Pulong ngunit ang nakasaad dito ay mula sa mga suhestiyong
Agenda ng mga dumalo para sa susunod na pulong.
6.TALATAKDAAN (schedule) NG SUSUNOD NA PULONG – Makikita
rito ng petsa, oras at lugar ng susunod na pagpupulong.
7.LAGDA – Sa bahaging ito makikita ang pangalan at lagda ng
gumawa ng Katitikan ng Pulong at kung kalian ito naipasa.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG
KATITIKAN NG PULONG
1.Magpasiya kung anong format ang gagamitin sa paggawa ng katitikan
ng pulong. Nakasaad sa dokumento ang mga dumalo, mga paksang
tinalakay, mga napagdesisyunan at mosyon.
2.Magpasya kung anong paraan ang gagamitin para sa pagrecord ng
pulong; kuwaderno, laptop o tape recorder.
3.Bumuo ng listahan ng mga dadalo sa pulong. Maaaring maging gabay
ang Agenda.
4.Gumamit ng template para sa dokumento. Nakalahad dito ang oras,
petsa, lugar, layunin ng pulong, mga dadalo at mangunguna. Maglaan
ng espasyo sa bawat paksang tatalakayin para sa paglalarawan nito
kung paano tinalakay, napagdesisyunan at mosyon.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG
KATITIKAN NG PULONG
5.Isulat ang mga mahahalagang impormasyon habang nagpupulong.
Kung mayroon ng template, mas madali ang pagtatala.
6.Pagkatapos ng pagpupulong, i-beripika ang mga naitala o kaya nama’y
basahin ang mga paksang napagdesisyunan dahil maaaring may ilang
nakaligtaan upang maiwasto ng mga miyembro.
7.Ihanda ang Katitikan ng Pulong para sa pamimigay ng kopya sa mga
dumalo at liban. Maaaring mawalan ng kabuluhan ang pagpupulong
kung hindi agad maipamamahagi ang kopya nito lalo na’t nakatala sa
bawat isyung napag-usapan ang pagkilos na gagawin at kung sino ang
mga sangkot sa gawain.

GAWAIN
Pulong sa paaralan ng mga mag-aaral



Pulong sa barangay



Pulong sa komite


Ano-ano sa iyong palagay ang mga mahahalagang impormasyong dapat
na maisama sa pagtalakay sa isang pagpupulong?

Sitwasyon: Ikaw ay kasalukuyang pangulo sa inyong klase o seksyon sa ikalabindalawang
baitang. Sumulat ka ng isang organisado, malikhain, at kapani-paniwalang agenda para sa
klase sa layuning magkaroon kayo ng pagpupulong upang pag-usapan ang mga patakarang
susundin sa klasrum sa kalagayang pagpapaganda sa klasrum. Isulat ito sa bondpaper.
PAMANTAYAN Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa
pagsulat ng adyenda.
20
Kompleto ang bahagi ng adyenda na nabuo at
nakapagbibigay ng komprehensibong sintesis tungkol
dito.
30
Nakasusulat ng adyenda nang maingat, wasto at angkop
ang paggamit ng wika.
10
Wasto at angkop ang mga nabuong impormasyon sa
adyenda.
10
KABUOAN 70
Tags