3. ANG NOBELA AT ANG TUNGGALIANG MAKIKITA RITO.pptx

AnnafarinahMabaning 0 views 3 slides Sep 23, 2025
Slide 1
Slide 1 of 3
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3

About This Presentation

uri ng tunggalian
tao laban sa tao
tao laban sa kalikasan
tao laban sa kanyang sarili


Slide Content

ANG NOBELA AT ANG TUNGGALIANG MAKIKITA RITO

Ang isang nobela ay nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo . Ito ay may mahabang kawing ng panahon at ginagalawan ng maraming tauhan . Kung hindi pa pagtutuonan ng pansin , di gaya ng maikling kwento ay hindi ito nababasa sa isang upuan lamang . Ang nobela gayundin ang maikling kuwento ay kakakitaan ng tunggaliang pumupukaw sa damdamin ng mambabasa . Ang nobela ay hindi magkakaroon ng buhay kung walang tunggalian . Ito ay isang elementong nakapaloob sa banghay . Ito ay ang labanan sa pagitan ng magkasalungat na puwersa .

Pisikal (Tao laban sa kalikasan ) Ang tunggaliang ito ay tumutukoy sa tao laban sa mga element at puwersa ng kalikasan . Ito ay maaaring ulan , init , lamig , lindool , pagsabog ng bulkan at iba pa. Panlipunan (Tao laban sa kapwa tao ) Dito naman ang tao ay laban sa kapwa tao o ang tao laban sa lipunang kanyang ginagalawan . Ibig sabihin ang kanyang problema o kasawian ay dulot ng iba o ng bagay na may kaugnay sa lipunan . Panloob o Sikolohikal ( tao laban sa sarili ) Ito ay uri ng tunggalian ng tao laban sa kanyang sarili . Masasalamin ditto ang dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng iisang tao .