Ano ang isang bagay na kaya mong gawin ngayon bilang simbolo ng Kalayaan mo bilang bata?
Noong Nobyembre 1933, nagtungo si Quezon sa Estados Unidos upang kumuha ng bagong bataspara sa Kalayaan ng Pilipinas . Marso 24, 1934 nang nakuha ni Quezon ang Tydings Mcduffie Law o kilala rin bilang Independence Law na nilagdaan ni Pangulong Franklin Roosevelt. Ang batas na ito ay nabuo sa pangunguna ng mga Amerikanong mambabatas na sina Millard Tydings at John Mcduffie.
Ang batas na ito ay nagtakda ng Kalayaan sa Pilipinas pagdating ng Hulyo 4, 1946, pagkatapos ng 10 taong transisyon mula sa pamahalaang Komonwelt . Ang nasabing batas ay halos kapareho ng Hare-Hawes Cutting Act. Ang sumusunod ay ang kaibahan ng Tydings- Mcduffie Act sa Hare-Hawes- Cutting Act:
Pagbuo ng kumbensiyong konstitusyonal na babalangkas sa Saligang Batas ng Pilipinas . Pagdaraos ng isang plebisito o pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon sa pamamagitan ng pagboto upang mapagtibay ng mga Pilipino ang saligang batas;at Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas matapos ang sampung taong transisyon sa pamamahala .
Mapapansin din sa ibang bahagi ng Tydings-Mcduffie Act na karamihan sa nilalaman nito ay mas pabor sa Estados Unidos. Ilan sa bahaging mas pabor sa Estados Unidos ay patungkol sa paggamit sa likas na yaman ng bansa at mas mainam na mga kondisyon para sa pakikipagkalakalan .
GAWAIN: Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng Tydings McDuffie Act para sa mga Pilipino?
Ang Torrens System Ang Sistema ng Torrens ay ipinangalan kay Sir Robert Richard Torrens, na nagpasimula sa pagdidisenyo at pagpapatupad ng sistemang ito sa pagmamay-ari sa lupa . Isang paraan ng pagtatala at pagrerehistro ng pagmamay-ari ng lupa .
Ang Torrens System Sinimulan ito sa Timog Australia at New Zealand. Sinundan itong gamitin sa Malaysia, Singapore, Iran, Canada, at Madagascar. Ginamit ito sa Estados Unidos sa mga huling taon ng ika-19 siglo .
Ang Torrens System Noong Nobyembre 6, 1902, ipinatupad ng Komisyon ng Pilipinas ang Batas 496, na mas kilala bilang Land Registration Law . Nilikha rin ang Court of Land Registration (CLR) at ang tanggapan ng Registration of Deeds.
Ang Torrens System Sa pamamagitan ng batas na ito , naitaguyod ang Torrens System ang pagpapatala kung saan ang pagmamay-ari ng lupa o real estate ay maaaring legal na makumpirma at maitala sa mga sinupan ng pamahalaan . Ang Sistema ng pagtatala ay nagsimula noong Pebrero 1, 1903.
OsRox Mission at ang Hare-Hawes- Cutting Act Noong Disyembre 1931, nakarating sa Washington D. C., Estados Unidos ang misyon ni Sergio Osmena at Manuel Roxas. Ito ay tinawag na OsRox dahil sa pinagsamang apelyido nila . Ang misyong ito nagresulta sa pagpasa ng Hare-Hawes- Cutting Act.
OsRox Mission at ang Hare-Hawes- Cutting Act Naisabatas noong 1933 sa panulat ng mga Amerikanong mambabatas na sina Butler Hare, Bartow Hawes, at Bronson Cutting. Ito ay batas na naglalayong pagkalooban ang Pilipinas ng sampung taong transisyon tungo sa kasarinlan .
OsRox Mission at ang Hare-Hawes- Cutting Act Nang malaman ni Manuel Quezon ang nilalaman ng Hare-Hawes- Cutting Act , agad siyang nagpadala ng telegrama . Ang telegrama ay naglalaman ng utos na huwag tanggapin nina Osmena at Roxas ang batas ng Kalayaan.
OsRox Mission at ang Hare-Hawes- Cutting Act Nang makabalik sina Osmena at Roxas sa Pilipinas , tinutulan ni Quezon ang batas at hinimok ang iba pang Pilipino na huwag itong tanggapin . Nahati ang mga politico sa Pilipinas sa mga anti at pro Hare-Hawes Cutting Act.
OsRox Mission at ang Hare-Hawes- Cutting Act Ang mga anti ay pinamunuan ni Quezon habang ang mga pro naman ay pinamunuan nina Osmena at Roxas. Natalo ang mga pro Hare-Hawes- Cutting Act sa botohan . Nangako si Quezon na pupunta siya sa Estados Unidos at hihingi ng mas Maganda at maayos na batas ng Kalayaan para sa bansa .