TAMA o MALI Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng Komonwelt . Ang Komonwelt ay nagsimula noong 1946. Layunin ng Komonwelt na ihanda ang Pilipinas para sa Kalayaan. Walang ginawa tungkol sa edukasyon ang Komonwelt . Si Sergio Osmona ang pangalawang pangulo ng Komonwelt .
Ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
Ano ang Pmahalaang Komonwelt Itinatag noong 1935 sa ilalim ng Tydings- McDuffie Act. Pinamunuan nina Manuel L. Quezon at Sergio Osmena. Layunin : Ihanda ang bansa sa pagsasarili
Ang pamumuno ay ibinigay na sa mga Pilipino. Nagsimula nang magplano ang mga Pilipinong pinuno para sa bansa . Ngunit mga Amerikano parin ang may hawak sa mga usaping may kinalaman sa ugnayang panlabas o foreign relations, mga import at export, imigrasyon , at palitan ng salapi ng bansa . Maari ding manghimasok ang Amerika sa mga proseso o gawain ng pamahalaang Komonwelt sa pamamagitan ng proklamasyon galing sa Pangulo ng Estados Unidos.
Lahat ng desisyon ng mga korte sa Pilipinas ay kinakailangang dumaan sa pagsusuri ng Korte Suprema ng Estados Unidos. Pundasyon sa paghahanda para sa kalayaan ng Pilipinas . Naging priyoridad nito ang paggawa ng mahahalagang batas tulad ng pagtatag ng pambansang sandatahan at polisiya para sa tanggulang Pambansa, paglikha ng Court of Appeals, at pag-amyenda sa Saligang Batas ng 1935.
Ayon sa ilang historyador , ang Pilipinas sa panahon ng Komonwelt ay maituturing na tila isang malayang bansa dahil sa halos lahat ng sangay ng pamahalaan ay hinahawakan na ng mga Pilipino. Ang sangay ng tagapagpagananp ( ehekutibo ) ay pinamumunuan ng pangulo at pangalawang pangulo na direktang inihalal ng mga mamamayang Pilipino at maaaring manungkulan sa loon ng anim na taon .
Ang sangay naman ng lehislatibo ay nasa kamay ng isang Asemblea . Ang asemblea ay binubuo ng 98 na kasapi na inihalal din ng mga mamamayan sa bawat Distrito ng kapuluan .
Mga Hamon sa Ekonomiya Una, ay matinding krisis sa ekonomiya ng bansa .
Mahahalagang Programa at Kontribusyon National Defense Act- paghahanda ng sandatahang lakas . Education Act- pagpapalawak ng edukasyon Homestead Program- pamamahagi ng lupa
Mahahalagang Programa at Kontribusyon Pagbuo ng mga Lungsod - Maynila, Quezon City, Davao at iba pa. Mga ahensya ng pamahalaan - tulad ng DOH, DPWH, etc.
Bakit mahalaga ang programang ito ?
Bakit tinatawag na paghahanda sa Kalayaan ang Pamahalaang Komonwelt ?
Bakit tinatawag na paghahanda sa Kalayaan ang Pamahalaang Komonwelt ? “ Ang Komonwelt ang naglatag ng pundasyon para sa pamahalaang Pilipino sa pamamagitan ng mga programa sa edukasyon , depensa , agrikultura , at pamamahala .”
Kung ikaw ay lider pumili ng isa: Ekonomiya , Seguridad , Wikang Pambansa “ Kung ikaw ang lider ng Komonwelt , paano mo haharapin ang hamong ito ?
Ano ang pangunahing layunin ng Pamahalaang Komonwelt ? A. Turismong Pandaigdig B. Ihanda ang bansa sa Kalayaan C. Palakasin ang Kalayaan D. Magtatag ng bagong Wika
2. Sino ang unang pangulo ng Komonwelt ? A. Emilio Aguinaldo B. Sergio Osmena C. Manuel L. Quezon D. Manuel Roxas
3.Aling batas ang nagbigay daan sa pagtatatag ng Komonwelt ? A. Hare-Hawes- Cutting Act B. National Defense Act C. Jones Law D. Tydings- McDuffie Act
4. Ano ang layunin ng Momestead Program? A. Libreng lupa para sa mamamayan B. Libreng Edukasyon C. Pagbuo ng mga lungsod D. Pagdeklara ng kalayaan
5.Sino ang pangalawang Pangulo ng Komonwelt ? A. Osmena B. Quezon C. Laurel D. Roxas
Maikling Kasagutan : Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa? Paano natutulungan ng Komonwelt ang mga magsasaka ?
Sa panahon ng Komonwelt , ang pamumuno ay ibinigay na sa mga Pilipino. Nagsimula nang magplano ang mga Pilipinong pinuno para sa bansa . Ngunit , ang mga Amerikano parin ang may hawak sa mga usaping may kinalaman sa ugnayang panlabas o foreign relations, at palitan ng salapi ng bansa . Maaari ding manghimasok ang Amerika sa mga proseso o gawain ng pamahalaang Komonwelt sa pamamagitan ng proklamasyon galing sa pangulo ng Estados Unidos.
Ang Komonwelt ang siyang naging pundasyon sa paghahanda para sa Kalayaan ng Pilipinas . Kung kaya naman ay naging priyoridad nito ang paggawa ng mahalagang batas tulad ng pagtatag ng pambansang sandatahan at polisiya para sa tanggulang pambansa ., paglikha ng Court of Appeals, at pag-amyenda sa Saligang Batas ng 1935.
Ayon sa ilang historyador , ang Pilipinas sa panahon ng Komonwelt ay maituturing na tila isang malayang bansa dahil sa halos lahat ng sangay ng pamahalaan ay hinahawakan ng mga Pilipino. Ang sangay ng tagapagpaganap ( ehekutibo ) ay pinamumunuan ng pangulo at pangalawang pangulo na direktang inihalal ng mga mamamayang Pilipino at maaring manungkulan sa loob ng anim na taon . Ang sangay naman ng lehislatibo ay nasa kamay ng isang Asamblea . Ang Asamblea ay binubuo ng 98 na kasapi na inihalal din ng mga mamamayan sa bawat Distrito ng kapuluan .
Mga Hamon sa Ekonomiya Maraming hamon o pagsubok ang kinaharap ng pamahalaang Komonwelt . Una rito ay ang matinding krisis sa ekonomiya ng bansa . Halos lahat ng mga industriya at negosyo sa bansa ay hawak ng mga Tsino , Hapones , at ng mga Amerikano . Naging mahirap para sa bansa na patatagin ang ekonomiya dahil sa pagsandal nito sa Estados Unidos . Nagkaroon din ng mga suliraning panlipunan .
Mga Hamon sa Ekonomiya Karamihan dito ay nagmula sa mga isyu sa pagmamay-ari o pamamalakad ng mga lupa sa bansa . Ang usapin sa bansa ay nagdulot ng problema sa iba’t ibang bahagi ng bansa . Nagsimulang mag- alsa ang mga Pilipino. Karamihan sakanila ay galing sa sektor ng pagsasaka . Gumawa ng paraan ang pamahalaang Komonwelt para matugunan ang lahat ng hinaing .
Hamon sa Seguridad Malaking pagsubok at problema sa pamahalaang Komonwelt ang pambansang seguridad ng bansa . Dahil sa malaking posibilidad ng pagsalakay at pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas .
Hamon sa Seguridad Noong panahong iyon ay marami nang nasakop na mga bansa sa Pasipiko ang mga Hapones . Problema ito dahil kulang sa puwersang military ang bansa . Bilang paghahanda sa pagsalakay ng mga Hapones , ipinasa ang ilang batas para sa pambansang depensa . Inilagay sa ilalim ng sandatahan ng Estados Unidos ang sandatahan ng Pilipinas na pinamunuan ni Heneral Douglas McArthur. Ipinag-utos din ni Quezon ang pagpapalakas ng military at paghahanda ng mga armas at sandatahang pandigma .
Ang plano ni McArthur ay bumuo ng reserve forces mula sa mga sibilyan na sasailalim sa pagsasanay sa loob ng anim na buwan . Ang mga lalaki na may sapat na lakas at kakayahan at nasa edad 21 ay sasailalim sa programang ito . Dahil sa planong ito ni McArthur inasahan na ang bilang ng mga reserve army ay tataas ng 40,000 bawat taon . Ipinatupad rin ang programang Reserve Officers Training Corps (ROTC), na ipinasok bilang bahagi ng kurikulum .
Wikang Pambansa Isa pa sa mga naging suliranin ng bansa ang problema sa wika . Karamihan sa mga Pilipino ay hindi lubos na nakauunawa ng Ingles at ang ilan ay nagsasalita pa ng wikang Kastila . Para kay Manuel Quezon, isa itong malaking hadlang para sa pagbubuklod ng mga Pilipino. Naisip din niya na mas magiging madali ang pakikipag-ugnyan ng mga Pilipino kung sila ay gagamit ng isang wika .
Sa bisa ng Batas Tydings -McDuffie , naitatag ang pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas . Umiral ito sa loob ng 10 taon bago ipinagkaloob ng Amerika ang ganap na kasarinlan ng bansa .
Sina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña Sr. ang nahalal na unang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Komonwelth .
Kabilang sa mga programang ipinatupad ng pamahalaan tungo sa adhikaing pagsasarili ang katarungang panlipunan , patakarang homestead para sa mga magsasaka , pagkakaroon ng pambansang wika , pagkilala sa karapatang bumoto ng kababaihan , at pagpapalago ng kabuhayan .
Ang Simula ng Pamahalaang Komonwelt
Matapos pagtibayin ang Batas Tydings -McDuffie, agad na sinimulan ang pagbubuo ng Kumbensiyong Konstitusyonal na nagbalangkas sa saligang - batas ng Pilipinas . Ang saligang - batas ang pangunahing gabay ng pamahalaang Komonwelt , gayundin ng itatag pang republika pagkalipas ng sampung taon .
PAGBABALANGKAS NG SALIGANG- BATAS NG 1935 Naganap noong Hulyo 10, 1934 ang halalan para sa 202 na delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal . Pagsapit ng Hulyo 30 , naganap sa bulwagan ng Lehislatura ng Pilipinas sa Maynila ang sesyong pampasinaya ng Kumbensiyong Konstitusyonal .
Pinuno Posisyon Claro M. Recto Pangulo Ruperto Montinola Unang Pangalawang Pangulo Teodoro Sandiko Ikalawan g Pangalawang Pangulo Narciso Pimentel Kalihim Narciso Diokno Tagapamayapa Nahalal ang sumusunod na mga delegado bilang pinuno ng kumbensiyon .
Mga probisyon ng Saligang - Batas ng 1935: Pagtatakda ng tatlong sangay ng pamahalaan - tagapagpaganap , tagapagbatas , at tagapaghukom - na may magkakahiwalay ngunit magkakapantay na pananagutan at tungkulin ; Paghalal sa pangulo at pangalawang pangulo na maglilingkod sa loob ng anim na taon at hindi na maaari pang maihalal muli ; Pagkakaroon ng sangay tagapagbatas na may isang kapulungan lamang (unicameral) at ito ay tatawaging Pambansang Asamblea ng Pilipinas ;
4. Pagbibigay ng kapangyarihang panghukuman sa Korte Suprema at sa iba pang hukuman na nilikha ng batas ; at 5. Pagkakaroon ng katipunan ng mga karapatan ng mga mamamayan .
PAGTATATAG NG PAMAHALAANG KOMONWELT Naganap ang unang pambansang halalan sa bisa ng Saligang - Batas ng 1935. Ang uri ng pamahalaang itatag ay pampanguluhan . Mayroon itong isang kapulungang tagapagbatas na tatawaging Pambansang Asamblea .
Setyembre 16, 1935- kauna - unahang pagkakataon , naghalal ang mga Pilipino ng kanilang dalawang pinakamataas na pinuno - ang pangulo at pangalawang pangulo .
Posisyon Partido Politikal at mga Kandidato Coalicion Nacionalista Partido Republicano Partido Socialista Pangulo Manuel Quezon Gregorio Aglipay Emilio Aguinaldo Pangalawang Pangulo Sergio Osmeña Sr. Norberto Nabong Raymundo Melliza
Ang Balangkas ng Pamahalaan
* Ang Komonwelt ng Pilipinas ay may sariling saligang - batas na nagtatakda sa uri ng pamahalaan , sa mga patakarang ipatutupad , at sa tungkulin at kapangyarihan ng mga pinuno ng bansa .
Ang pamahalaang Komonwelt ay pinamumunuan isang halal na pangulo . Siya ay manunungkulan sa loob ng anim na taon at hindi na maaaring muling ihalal .
Ang Komonwelt ay mayroon ding Pambansang Asamblea na binubuo ng mga halal na mambabatas na nagpanukala ng mga batas na ipatutupad sa bansa . Mayroon ding Korte Suprema at halal na Resident Commissioner ang Pilipinas sa House of Representatives ng Estados Unidos na kumakatawan sa bansa .
Pangulo Manuel Quezon Pangalawang Pangulo Sergio Osmeña Ispiker ng Pambansang Asamblea Gil Montilla Punong Mahistrado ng Korte Suprema Ramon Avanceña Narito ang ilan sa mga pinuno ng pamahalaang Komonwelt :
American High Commissioner Frank Murphy American Military Advisor Hen. Douglas MacArthur Field Marshal Hen. Douglas MacArthur Mga opisyal mula sa Estados Unidos :
TAMA o MALI Ang Surian ng Wikang Pambansa ay nilikha noong panahon ng Komonwelt . Ang Education Act of 1940 ay tungkol sa kalusugan .
TAMA o MALI 2. Ang Education Act of 1940 ay tungkol sa kalusugan .
TAMA o MALI 3. Ang eight- hour labor law ay para sa manggagawa .
TAMA o MALI 4. Ang Homestead Program ay tungkol sa pagtatanggol ng bansa .
“ Balik-Sagot” Ano ang layunin ng Homestead Act?
“ Balik-Sagot” Ano ang wika na pinili bilang batayan ng wikang Pambansa?
“ Balik-Sagot” Ilang oras ang itinakda sa Eight-Hour Labor Law?
“ Balik-Sagot” Ano ang tungkulin ng DOH?
TAMA o Mali Ang Surian ng Wikang Pambansa ay itinatag upang pumili ng pambansang wika . Ang Education Act of 1940 ay tungkol sa pagtatatag ng mga lungsod . Ang National Defense Act ay ginawa bilang paghahanda sa banta ng digmaan . Ang Eight- Hour Law ay nagtakda ng walong oras na trabaho sa mga manggagawa . Ang Commonwelt Act no. 211 ay para sa pamamahala at pagpapatupad ng mga patakarang Pambansa.
TAMA o Mali 6. Ang Homestead Program ay tungkol sa pamamahagi ng lupa sa mga mamamayan . 7. Ang Tagalog ang napiling batayan ng wikang Pambansa noong 1937. 8. Ang DOH (Department of Health) ay naitatag upang ayusin ang trapiko ng bansa . 9. Ang Quezon City ay isa sa mga lungsod na binuo noong panahon ng Komonwelt . 10. Walang mga batas para sa kapakanan ng manggagawa noong panahon ng Komonwelt .