BARYASYON AT BARAYTI NG WIKA Konsepto at Mga Pagbabago ng Wikang Filipino
Baryasyon – Ang iba’t ibang manipestasyon ng wika . KALAHIAN (Variation) Hal. Ang Filipino at ang ibang wika sa Pilipinas . Barayti – Set ng mga lingguwistik aytem na may kaparehong distribusyon . Maliit na grupo ng pormal o makabuluhang katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal . DAGHAN (Variety) Hal. Wikang ginagamit ng mga estudyante , manggagawa , mga tamaby sa kanto , mga tindera at anumang grupo .
Mga Uri ng Baryasyon Ang wika ay mas malaki kaysa sa diyalekto . Ang wika bilang isang baryasyon , ay may maraming aytem lingguwistik kaysa sa diyalekto . ( Wika at Diyalekto )
Ang pinakamalaking boundary ng Diyalekto ay ang heograpiya ( Rehiyunal na Diyalekto ). Sa loob ng mga rehiyunal na diyalekto ay mayroon pa ring diyalektong natutukoy . Mga Uri ng Baryasyon ( Wika at Diyalekto )
Mga Limitasyon ng Diyalekto 1. Pagbigkas 2. Pagkakaiba ng mga salita Tumutukoy sa Punto o paraan ng pagbigkas . Maaaring malumanay , mabilis at matigas . Iba’t ibang katawagan sa mga salita sa isang rehiyon . Hal. Langka ( Nangka ), Sagwan ( Gaod ), Alam ( Batid ), Damit ( Baro ), Mesa ( Hapag )
3. Paraan ng pagsasalita 4. Paglilipat ng isang tao Paraan kung paano sasabihin ang pahayag . Hal. Natulog ka na ba ? Tumulog ka na ba ? Muadto ko diha . Muanha ko diha . Taga adlaw . Kada adlaw . Tinatawag na “Social Class” o grupong kinabibilangan ng tao . Mga Limitasyon ng Diyalekto
HOMOGENOUS AT HETEROGENOUS HOMOGENOUS – Paniniwalang ipinapahayag na may iisang katangian ang wika tulad ng “language universal.” Ibig sabihin , lahat ng wika ay may bahagi ng pananalitag pangalan at pandiwa . Karaniwang isa lamang ang layunin at ang gumagamit . Isa lamang ang gamit ng wika .
HETEROGENOUS – Paniniwalang iba-iba ang gamit , layunin at gumagamit ng wika . Iba-iba ang wika dahil sa lokasyon , heograpiya , pandarayuhan , sosyo-ekonomiko , politikal , at edukasyunal na katangian ng isang partikular na lugar o komunidad na gumagamit ng naturang wika . HOMOGENOUS AT HETEROGENOUS
VARAYTI NG FILIPINO: TUNGO SA PAGBABAGO Magkaroon ng realisasyon na hindi talaga batay sa iisang wika ang wikang Filipino. Malaman ng mga mag-aaral na ang wikang Filipino ng isang Maranao ay kapantay ng Filipino ng taga Manila o kaya’y ng mga taga Cebu. Walang tama o maling bigkas at gamit ng salita . Ang pagyaman at pagpapalaganap ng Wikang Filipino ay tungkulin ng lahat at hindi iisang grupo lamang . Ang pag-aaral sa barayti ay hindi maghahati bagkus ay mag-iisa sa mga Pilipino.