3. Wikang Pambansa.pptx pagsusuri at pagbasa

JeneviNPerez 0 views 32 slides Sep 04, 2025
Slide 1
Slide 1 of 32
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32

About This Presentation

pagbasa at pagsusuri


Slide Content

WIKANG PAMBANSA

Mga Layunin sa Pagkatuto : natutukoy ang kahulugan ng Filipino bilang Wikang Pambansa;

Mga Layunin sa Pagkatuto : naiuugnay ang kahalagahan ng esensiya ng Wikang Pambansa sa buhay ng tao ; at

Mga Layunin sa Pagkatuto : nakakapagsulat ng adbokasiya para sa Wikang Pambansa.

Trivia: koryente HINDI kuryente

Magbigay ng wikang pambansang alam mo.

WIKANG PAMBANSA

Kapasiyahan 13-39 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) "Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Filipinas bilang wika ng komunikasyon , sa pagbigkas at sa pasulat na paraan , ng mga pangkating katutubo sa buong kapuluan .

Kapasiyahan 13-39 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Sapagkat isang wikang buhay , mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang uri sa paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko

Kapasiyahan 13-39 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga katutubong wika ng bansa ".

WIKANG PAMBANSA

WIKANG PAMBANSA Ang Filipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga Filipinong gumagamit ng iba’t ibang wika at diyalekto .

WIKANG PAMBANSA Ang kalagayang ito ang naging pangunahing dahilan kung bakit kinakailangan magkaroon ng isang wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga Filipino .

PANGWAKAS NA MITHI NG WIKANG PAMBANSA

“KASANGKAPAN” ng Lipunang FILIPINO

WIKANG PAMBANSA Base sa probisyong ito ng Saligang Batas ng 1935, nagkaroon ng batas na isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte, ang BATAS KOMONWELT BLG. 184– nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa.

WIKANG PAMBANSA 1935: Ang pagsusog ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing :

WIKANG PAMBANSA “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika . Hangga’t hindi itinatakda ng batas , ang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika .”

Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng 1987 “Ang wikang pambansa ng Filipinas ay Filipino .   Samantalang nililinang , ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Filipinas at sa iba pang mga wika .”

BAKIT MAY WIKANG PAMBANSA?

Mabisang bigkis sa pagkakaisa at pagkakaunawaan .

Katuwang ng mga Pambansang Sagisag ng bansa

Simbolo ng Pagkakakilanlan

Hindi tayo alipin ng alinmang bansa at hindi tayo nakikigamit ng wikang dayuhan .

PAMANA ng mga ninuno at nagsisilbing yaman ng ating LAHI.

Bukas ang wikang Filipino sa pagpapayamang matatamo mula sa iba pang mga wika ng rehiyon .

Lalo pang mapapayaman ang leksikon ng Filipino sa pamamagitan ng paglalahok ng mga salitang mula sa iba pang katutubong wika sa Filipinas.

Paano mo maipapalaganap ang Wikang Pambansa lalo na ngayong Buwan ng mga Wika ?

Bilang mamamayan ng bansa , anong sitwasyon sa iyong buhay magagamit ang wikang pambansang kinasanayan ?

Mga Layunin sa Pagkatuto : natutukoy ang kahulugan ng Filipino bilang Wikang Pambansa;

Mga Layunin sa Pagkatuto : naiuugnay ang kahalagahan ng esensiya ng Wikang Pambansa sa buhay ng tao ; at

Mga Layunin sa Pagkatuto : nakakapagsulat ng adbokasiya para sa Wikang Pambansa.
Tags