LAYUNIN Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pag-unawa Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto ( tuluyan ) batay sa konteksto ng panahon , lunan , at may akda Nasususuri ang mga elementong panlinggwistika ( bisa ng salita , pahiwatig , idyomatikong pahayag , estilo ) ng tuluyan Nasusuri ang kultural na elemento ( simbolo , wika , norms, pagpapahalaga , at arketipo ) na nakapaloob sa teksto batay sa konteksto ng panahon
Sanaysay at Talumpati Talumpati Isang uri ng pagpapahayag na binibigkas sa harap ng madla . Layunin nitong magbigay kaalaman , manghikayat , magpaliwanag , o magbigay-inspirasyon.Karaniwang ginagamit sa mga programa , pagtitipon , o pormal na okasyon .
Sanaysay Isang uri ng akdang pasulat na naglalaman ng mga kuro-kuro , opinyon , at paliwanag ng manunulat tungkol sa isang paksa . Maaaring pormal ( seryoso at may lohikal na paglalahad ) o di- pormal ( malikhain at personal ang tono ) at layunin nitong magbigay-linaw , magturo , o magbahagi ng saloobin .
“Maling Edukasyon sa Kolehiyo ” ni Jorge Bacobo Batay sa Tekstong Biswal
Ang sanaysay na ito ay tumatalakay sa mga maling sistema at layunin ng edukasyon sa kolehiyo noong panahon ng mga Amerikano . Binatikos ni Jorge Bocobo ang pagiging mapagpanggap at walang kabuluhan ng ilang kurso at asignatura na hindi nakatutulong sa tunay na pangangailangan ng mga estudyante at ng bayan. Ayon sa kanya, nagiging palamuti lamang ang edukasyon at hindi nagagamit sa praktikal na pamumuhay . Naniniwala siyang ang tunay na edukasyon ay dapat nakatuon sa paghubog ng mabuting asal , wastong pag-uugali , at makabuluhang kaalaman na magagamit sa paglilingkod sa lipunan .
Pampublikong Edukasyon Itinatag ang free public school system para sa lahat ng Pilipino.Layunin : turuan ng wikang Ingles, pagbasa , pagsulat , at aritmetika . Pribadong Edukasyon Pinatatakbo ng mga misyonero at simbahan ( lalo na ng mga Katoliko ). Nagbibigay pa rin ng edukasyon sa relihiyon at mataas na antas ng pag-aaral .
Bilingual o Wikang Ingles ang Midyum – Ginamit ang Ingles bilang pangunahing wika ng pagtuturo . May mga Thomasites ( gurong Amerikano ) na nagturo sa mga paaralan . Babae at Lalaki Parehong May Karapatan – Binuksan ang paaralan para sa parehong kasarian , di gaya noong panahon ng Espanyol na limitado lamang .
Pagpili ng mga kursong walang kabuluhan – Maraming kabataan ang kumukuha ng kursong hindi naman kailangan sa kanilang buhay o sa lipunan . Ang iba’y nag- aaral lang ng mga asignaturang “ paimbabaw ” na hindi nakakatulong sa pang- araw - araw na pamumuhay .
Pagiging mapagpanggap ng mga mag-aaral – Ang iba’y nag- aaral hindi para matuto , kundi para lamang magkaroon ng titulo o diploma at makitang “ edukado ,” kahit wala namang tunay na pag-unawa .
Pagkalimot sa ugali at asal Ayon kay Bocobo , walang silbi ang karunungan kung hindi naaayon sa mabuting asal . Mali ang edukasyong naglalayo sa kabataan sa kabutihang-asal at mabuting pag-uugali .
Pagkawala ng ugnayan sa bayan Ang ilang kurso ay mas nakatuon sa banyagang kaalaman at karangyaan , kaysa sa mga praktikal na bagay na makakatulong sa Pilipinas at sa mamamayan .
Edukasyon bilang palamuti lamang Nagiging tanda lang ng “status” o mataas na kalagayan ang edukasyon , imbes na maging kasangkapan sa pag-unlad ng sarili at ng bansa .
Para kay Bocobo , maling edukasyon ang nakatuon lang sa karangyaan , titulo , at banyagang impluwensya ngunit kulang sa praktikal na gamit , moralidad , at paglilingkod sa bayan.
Ano ang pinakamahalagang natutuhan mo sa akdang “Maling Edukasyon sa Kolehiyo ni Jorge Bacobo ? Papaano mo ito maiuugnay sa kasalukuyan ? Ipaliwanag .
Ang Tunay na Sampung Utos ni Apolinario Mabini: Ang akdang ito ay isinulat ni Mabini noong panahon ng Himagsikan upang magsilbing gabay sa moralidad at makabayaning pamumuhay ng mga Pilipino. Katulad ng Sampung Utos ng Diyos , naglatag siya ng mga aral na dapat sundin upang umunlad ang bayan.Ipinapahayag dito ang mga tungkulin ng bawat isa—ang maging matapat , mapagpakumbaba , marangal , at makatarungan ; umiwas sa kasakiman at katiwalian ; mahalin ang kapwa at higit sa lahat, mahalin at ipagtanggol ang bayan. Para kay Mabini, ang tunay na kalayaan ay hindi lamang nakasalalay sa paglaya mula sa dayuhan kundi sa pagkakaroon ng malinis na asal , pagkakaisa , at pananampalataya sa Diyos .
Pagtatapa-tapat . Ang mga salitang makikita sa Hanay A ay mula sa Ang Tunay na Sampung Utos ni Apolinario Mabini. Piliin sa Hanay B ang pinakamalapit na kasingkahulugan ng mga salita sa Hanay A at isulat sa patlang ang sagot .
________ 1. angkan A. paslangin kaugnay ng pagtatanggol sa sarili ________ 2. habilin B. sariling pagkilala sa tama at mali ________ 3. ikasusulong C. dangal na dapat alagaan at ipagtanggol ________ 4. katuwiran D. kaharian na komokontrol sa kolonya ________ 5. konsyensya E. bayani na dapat tularan ng lahat ________ 6. lipulin F. pinili at magandang lugar para sa Pilipino ________ 7. monarkiya G. pamilya na kumukontrol sa pamahalaan ________ 8. palaluin H. payo para sa sambayanan ________ 9. paraiso I. pag-unlad tungo sa kagalingan ________10. puri J. mananakop na mapang-alipin K. tama at makatarungan L. higit na pagpapahalaga sa kapwa
Mga Tamang Sagot: 1. G 2. H 3. I 4. K 5. B25 6. A 7. D 8. L 9. F 10. C
SINO SI MABINI?
Mga Tanong : Sino si Apolinario Mabini at bakit siya tinaguriang “ Dakilang Lumpo ”? Ano ang pangunahing akdang isinulat ni Mabini na naglalaman ng kanyang mga prinsipyo at paniniwala ? Anong tungkulin ang ginampanan ni Mabini sa pamahalaang rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo? Paano ipinakita ni Mabini ang kanyang pagmamahal sa bayan kahit siya ay may kapansanan ?
Ano ang aral na makukuha mula sa buhay at paninindigan ni Apolinario Mabini? Ano ang kahulugan ng kanyang akdang “El Verdadero Decálogo ” (Ang Tunay na Sampung Utos )? Paano naiiba ang pamumuno at kaisipan ni Mabini sa ibang bayani ng Pilipinas ? Sa anong dahilan hindi siya sumang-ayon sa mga Amerikano noong panahon ng kanilang pananakop ? Ano ang naging epekto ng mga ideya ni Mabini sa kasaysayan ng Pilipinas ? Bakit mahalagang pag-aralan at alalahanin ang mga ginawa ni Apolinario Mabini?