3rd Quarter Grade-5 Pe-Learning-Activity-Sheets-Week-5-6.pdf

RoyCEstenzo 5 views 14 slides Apr 19, 2025
Slide 1
Slide 1 of 14
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14

About This Presentation

LAS


Slide Content

Guided Learning Activity Sheet
Physical Education 5
Quarter 3 – Week No. 5 – 6

Ang Cariňosa
5
Republic of the Philippines
Department of Education
Regional Office III

Bumuo sa Pagsusulat ng LAS
Manunulat: BENGEN Q. RAMIREZ
Mga Editor: SALVADOR P. ISIP, EPS I MAPEH

Tagasuri: SALVADOR P. ISIP, EPS I MAPEH
ALFONSO MIACO JR., EPS I MAPEH
ENCARNITA D. DEVERATURDA, EPS I MAPEH

Mga Tagaguhit:
Tagalapat: BENGEN Q. RAMIREZ
Layout Evaluator: SALVADOR P. ISIP, EPS I MAPEH
Cover Designer: ROSAURO M. PEREZ, EdD EPS I MAPEH
PAUL MARION R. VALLENTOS T -1

Tagapamahala: MAY B. ECLAR, PhD, CESO III, Regional Director
LIBRADA M. RUBIO, PhD, CLMD-Chief
MA. EDITHA R. CAPARAS, EdD, EPS II, LRMDS
ENGELBERT AGUNDAY, EdD, EPS II, MAPEH, ADM
MERLINDA T.TABLAN EdD, CID -Chief
ELLEN C. MACARAEG EdD, EPS I, LRMDS
SALVADOR P. ISIP, EPS I MAPEH








MAPEH (Physical Education) – Ikalimang na Baitang
Learning Activity Sheet
Ikatlong Markahan – Week 5-6
Ang Cariñosa

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -
Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Katuwang na Tagapamanihala ng mga Paaralan:

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III – Pampaaralang
Pansangay ng

Office Address :
Telefax :
E-mail Address :

4


I. Alamin


















Gaya ng iba pang pisikal na aktibidad, ang pagsasayaw ay nakatutulong din sa
iyong kakayahang pangkatawan. Makararanas ka ng mga pangmadalian at
pangmatagalang benepisyo, depende sa hirap ng sayaw at kung gaano mo kadalas
ito gawin.

Subalit marami pang mabubuting dulot ang pagsasayaw maliban sa mga
benepisyong pangkalusugan. Nakatutulong din ang pagsasayaw sa pagkakaroon ng
kumpiyansa sa sarili at pakikisama sa kapwa. Sa mga malaking pagtitipon, maigi na
may alam ka sa mga magandang asal at tamang pakikitungo sa iba. Sa pag-aaral mo
sa ating mga sayaw, maipagmamalaki mo rin ang ating kultura at mga tradisyon.

Sa araling ito, tatalakayin at pag-aaralan ang pambansang sayaw ng bansa.
Kilala ito sa taguring Cariñosa. Ipakikilala ang sayaw na ito at ang mahahalagang
impormasyon at detalye tungkol dito tulad ng pinagmulan nito, ang mga kagamitang
kakailanganin sa pagsasayaw, at ang kasuotan ng mga mananayaw.


1. Assesses regularly participation in physical
activities based on the Philippines physical activity
pyramid
This competency is already
embedded in other LCs.
PE5PF-
IIIb-h-18
2. Observes safety precautions
This competency is already
embedded in other LCs.
PE5RD-
IIIb-h-3
3. Executes the different skills involved in the dance Week 1 to 8
PE5RD-
IIIc-h-4
4. Recognizes the value of participation in physical
activities
This competency is already
embedded in other LCs.
PE5PF-
IIIb-h-19

5


.


II. Balikan

Panuto: Isulat ang KS kung ang sumusunod ay Katutubong Sayaw at HKS naman
kung Hindi Katutubong Sayaw.

_____ 1. Tinikling

_____ 2. Cha-cha

_____ 3. Tango

_____ 4. Pandanggo sa ilaw

_____ 5. Cariñosa

_____ 6. Boogie

_____ 7. Waltz

_____ 8. Maglalatik

_____ 9. Sayaw sa bangko

_____ 10. Polka sa Nayon
III. Suriin

Ang Pilipinas ay may mga pambansang sagisag na nagpapakita ng ating kultura,
tradisyon, paniniwala, at ideya. Isa rito ang Cariñosa na tinuturing na ating pambansang
sayaw.
Ang salitang “Cariñosa” ay tumutukoy sa pagiging mapagmahal at malambing. Ang mga
ito ang ilan sa mga katangiang Pilipino. Isang courtship dance ang Cariñosa na nagmula sa
Visayas. Gamit ang pamaypay at panyo, ilan sa mga galaw na makikita sa mananayaw ay ang
kanilang taguan sa isa’t isa at iba pa na nagpapakita ng lambing sa isa’t isa.

Source: Philippine Folk Dances by: Francisca Reyes Aquino



Aralin
4

Ang Cariñosa

6






Kasuotan: Ang mga babae ay nakasuot ng Balintawak/patadyong o Maria Clara costume.
Ang mga lalaki ay nakasuot ng Barong Tagalog at pantalong may kulay.

Props: Pamaypay para sa mga babae
Panyo para sa mga lalaki
Musika: Binubuo ng dalawang parte, A at B

Bilang: Isa, dalawa, tatlo kada isang measure

Formation: Ang magkapareha ay nakatayong magkaharap sa isa’t isa at magkalayo nang
anim na metro. Ang mga babae ay nasa kanan ng mga lalaki.
R- right o kanan
L – left o kaliwa


INTRODUKSIYON
Introduksiyon ng Musika
Magkaharap ang magkapareha.
Gawin ang isang three-step turn papuntang kanan upang yumuko sa isa’t isa. Hawak ng mga
babae ang kanilang palda habang nasa baywang ang mga kamay ng mga lalaki. 2M

I
Tatlong Hakbang at Ituro ang Kabilang Paa
(Three-step with a Point)
Musika A
a. Simula sa (R) paa, humakbang nang tatlong beses sa kanang gilid (cts. 1,2,3). Ituro ang
(L) paa sa harap (cts. 1,2,3). Ang (R) kamay ay nasa reverse T position at ang (L)
kamay ay nasa baywang. I-kumintang ang (R) kamay habang ginagawa ang pagturo ng
kaliwang (L) paa 2M
b. Ulitin ang (a) simula ng (L) paa at papuntang kaliwang gilid. Baligtad ang posisyon ng
kamay 2M
c. Ulitin ang (a) at (b) nang tatlong beses 12M

II
Pagturo
(Pointing)
Musika B
Magkaharap ang magkapareha. Sa figure na ito, hawak ng babae ang kanilang palda habang
nasa baywang ang mga kamay ng mga lalaki.
a. Simula sa iyong (R) paa, humakbang nang tatlong beses papunta sa iyong kapareha sa
gitna (cts. 1,2,3). Ihakbang ang (L) paa malapit sa iyong kanang (R) paa (ct.1). Tumigil
(cts. 2,3) 2M
b. Gawin ang apat na touch steps sa harap, (R) paa at (L) paa (cts. 1,2,3), nang salitan.
Tumingin sa isa’t isa 4M
c. Simula sa iyong (R) paa, humakbang nang apat na beses papunta sa lugar ng iyong
kapareha, kung saan dadaanan ninyo ang isa’t isa sa inyong (R) balikat (cts. 1,2,3,1).
Umikot pakanan upang humarap sa isa’t isa at idikit ang (R) paa sa iyong (L) paa (cts.
2,3) 2M
d. Ulitin lahat (a-c) at magtatapos sa pagbalik sa inyong dating lugar 8M

7








III
Magkatalikod
(Back-to-back)
Musika A
a. Ang magkapareha ay magkikita sa gitna gaya ng figure II (a) (cts. 1,2,3,1). Umikot
pakanan upang maging magkatalikod sa iyong kapareha, na bahagyang nasa kanan ng
iyong kapareha (cts. 2,3). Hawak ng babae ang kaniyang palda at nasa baywang ang
mga kamay ng lalaki 2M
b. Ituro ang (R) paa sa harap at i-wiggle ang kanang hintuturo sa kapareha sa may (R)
balikat, ang (L) kamay ay nasa baywang (cts. 1,2). Ihakbang ang (R) paa sa gilid upang
nasa gilid ka ng iyong kapareha sa may (L) balikat, ilagay ang (R) kamay sa baywang
(ct. 3). Ulitin nang tatlong beses, Ituro ang L, R, L na paa at i-wiggle ang (L), (R), (L) na
hintuturo sa iyong kapareha. Nakatayo ang magkapareha nang magkadikit ang kanilang
(L) balikat habang i-wiwiggle ang (R) hintuturo sa kapareha at sa kanilang (L) balikat
habang i-wiwiggle ang (L) na hintuturo sa kanilang kapareha. Ang libreng kamay ay
nakalagay sa baywang 4M
c. Umikot pakanan at magpalitan ng lugar gaya ng sa figure II (c) 2M
d. Ulitin lahat (a-c) at magtatapos sa pagbalik sa inyong dating lugar 8M


IV
Taguan sa Pamaypay
(Fanning)
Musika B
a. Magkikita ang magkapareha sa gitna gaya ng figure II (a) 2M
b. Bubuksan ng babae ang hawak niyang pamaypay gamit ang (R) kamay. Ituro ang (R)
paa sa harap at takpan ang mukha gamit ang pamaypay, ang (L) kamay ay hawak ang
palda (cts. 1,2). Hahakbang ang babae gamit ang (R) paa padikit sa kaniyang (L) paa
(ct. 3). Uulitin ito nang tatlong beses, habang ginagawa ang pagturong (L), (R), (L) na
paa. Tatakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang pamaypay sa cts. 1,2 sa bawat
measure (3M). Ang lalaki naman ay ituro ang (R) at (L) paa nang salitan sa harap at
titingnan ang babae mula sa ilalim ng pamaypay (cts. 1,2,3). Mananatili ang kaniyang
kamay sa baywang. 4M
c. Magpalitan ng lugar ang magkapareha gaya ng sa figure II (c) 2M
d. Ulitin lahat (a-c), magtatapos sa pagbalik sa dating lugar 8M



V
Pagluhod at Pagpaypay
(Kneeling and Fanning)
Musika A
a. Simula sa iyong (R), humakbang nang tatlong beses papunta sa gitna. Hawak ng babae
ang kaniyang palda at nasa baywang naman ang kamay ng lalaki (cts. 1,2,3). Luluhod
ang lalaki sa kaniyang (R) tuhod habang maglalakad ang babae sa may kanan ng lalaki
at tatayo sa likod niya at nakaharap sa parehas na direksiyon. Nasa baywang ang mga
kamay ng lalaki at palda para sa babae (cts. 1,2,3) 2M

8


b. Babae – Ituro ang (R) at (L) paa nang apat na beses nang salitan habang tinatap (R) at
(L) na balikat ng lalaki gamit ang pamaypay na nakasara. Ang malayang kamay
(freehand) ay nasa palda.
Lalaki – Titingin sa kaniyang kapareha mula sa kaniyang (R) at (L) balikat nang salitan.
Ang parehas na kamay ay nasa baywang 4M
c. Ang babae ay iikot pakanan habang ang lalaki ay tatayo papunta sa lugar ng babae
gaya ng sa figure II (c) 2M
d. Ulitin lahat (a-c) 8M

VI
Taguan sa Panyo
(Hide-and-Seek with Handkerchief)
Musika B
a. Magkikita ang magkapareha sa gitna gaya ng figure II (a) (cts. 1,2,3). Kukuhanin ng
lalaki ang panyo mula sa kaniyang bulsa. Hahawakan ng magkapareha ang panyo sa
magkabilang dulo nito sa isang perpendikular na posisyon at sa gitna ng kanilang mga
mukha, kung saan ang kamay ng lalaki ay nasa bandang itaas ng kaniyang mukha (cts.
1,2,3) 2M
b. Ituturo ng magkapareha ang (R) at (L) paa nang salitan nang apat na beses gaya ng sa
figure II (b). Babaligtarin ang panyo sa bawat measure, kung saan sa isang measure,
ang kamay ng lalaki ay nasa itaas habang tinuturo ang (R) paa at sa susunod na
measure, ang kamay ng babae ang nasa itaas habang tinuturo ang (L) paa. Kapag ang
kamay ay nasa ibaba, titingnan ang kapareha sa ibaba at kung ang kamay ay nasa
itaas, titingnan ang kapareja sa itaas ng panyo. 4M
c. Bibitawan ng babae ang panyo. Magpapalitan ng lugar ang magkapareha gaya ng sa
figure II (c) 2M
d. Ulitin lahat (a-c) at magtatapos sa pagbalik sa dating puwesto. Sa pagtatapos ng figure
ay kukuhanin ng babae ang panyo 8M

VII
Lambingan Gamit ang Panyo
(Flirting with Handkerchief)
Musika A
Note: Kung isang pares lamang ang sumasayaw, maaari silang pumunta saanmang direksyon
basta matatapos sila sa dating puwesto sa pagtatapos ng figure.
a. Iikot ang magkapareha sa (R) balikat ng isa’t isa. Simula sa (R) paa, gawin ang walong
waltz steps paharap, papunta sa direksiyong clockwise. Babae – hahawakan ang panyo
sa isang dulo at ipapatong ito sa kaniyang (R) at (L) balikat nang salitan sa bawat
measure habang lumilingon sa lalaki. Ang lalaki naman ay susunod sa babae,
kunwaring inaabot ang panyo ng kaniyang (R) at (L) kamay nang salitan 8M
b. Umikot pakanan at ulitin ang (a) sa direksyong counterclockwise at ang babae ang
magsisimula muli. Magtapos sa pagbalik sa dating puwesto 8M

VIII
Lambingan
(Flirting)
Musika A
a. Simula sa (R) paa, gawin ang dalawang waltz steps upang magkita sa gitna. Ang mga
braso ng babae ay nasa lateral position papunta sa magkabilang gilid. Nasa baywang
naman ang mga kamay ng lalaki. 2M
b. Ang magkapareha ay gagawin ang anim na waltz steps paharap, na ang babae ang
nasa unahan, papunta sa direksiyong clockwise. Parehas ang posisyon ng kamay gaya
ng sa (a), ngunit ang mga daliri ng mga babae ay isa-isang igagalaw nang mabilis nang

9


sunud-sunod (fluttering) habang nililingon niya ang lalaki sa kaniyang (R) at (L) balikat
nang salitan. Sinusundan naman ng lalaki ang babae 6M
c. Umikot pakanan. Ulitin ang (b) sa direksiyong counterclockwise. Nasa unahan naman
ngayon ang lalaki. Hawak ng babae ang kaniyang palda at mga braso naman ng lalaki
ay nasa lateral position, igagalaw muli nang mabilis ang mga daliri nang sunud-sunod
(fluttering), at paminsan-minsang kinikindatan ang babae. Sa pagtatapos, magkatabi
ang magkapareha, ang babae ay nasa kanan ng lalaki. 6M

Saludo
Gawin ang isang three-step turn pakanan sa iyong puwesto at yumuko sa isa’t isa. Hawak ng
babae ang kaniyang palda habang nasa baywang naman ang mga kamay ng lalaki 3M



IV. Isagawa


Gawain 1
Panuto: Gawin ang mga pangunahing galaw sa bilang ng isa, dalawa, tatlo bawat measure.
Pagkatapos, gawin ito muli sa saliw ng musika. Maaaring i-video ang iyong ginawa.

1. Arms in Lateral
Iunat ang braso sa iyong gilid, kanan o kaliwa. Maaari mong iposisyon ang iyong mga
braso sa may baywang, sa dibdib, o sa may balikat.
https://www.youtube.com/watch?v=9n20nGkJQvM

2. Kumintang
Iikot ang kamay mula sa iyong galanggalangan (wrist) sa direksyong clock-wise o
counterclockwise.
https://www.youtube.com/watch?v=v2wv3nRqbhg

3. Close Step
Ihakbang ang paa paabante o paatras gamit ang pattern na step, close.
https://www.youtube.com/watch?v=8hqU2DvHO3Y

4. Touch Step
Ihakbang ang paa paturo pakanan at pakaliwa gamit ang pattern na step, close.
https://www.youtube.com/watch?v=JMhFgpu98fU

5. Waltz Step
Ihakbang ang paa pakanan gamit ang pattern na step, close, step. Ulitin papuntang
kaliwa.
https://www.youtube.com/watch?v=fwcTmBTnPXg

Maaaring panoorin itong video para sa mga BASIC FOLKDANCE STEPS | 3/4 TIME SIGNAT URE:
https://www.youtube.com/watch?v=xBs3-xAKLAM


Gawain 2
Panuto: Gawin ang mga sumusunod. Maaaring i-video ang iyong ginawa.

10


Maaaring gawing gabay ang video na ito: https://www.youtube.com/watch?v=o8TiNqsIbaQ
1. Pag-aralan ang mga dance figure ng sayaw na Cariñosa.
2. Humanap ng kapareha.
3. Pumili ng isa o dalawang figure sa sayaw na itatanghal.
4. Mag-ensayo kasama ang iyong partner.









Gawain 3
Panuto: Tayahin ang ginawa ninyo sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (✓) sa hanay na
angkop sa iyong ginawa.
Pahayag Lagi Minsan Hindi
Ginawa
1. Nagtulungan kaming magkapartner upang magkaroon
ng magandang pagtatanghal.

2. Sinikap naming mapaganda ang pagtatanghal upang
masiyahan ang aming guro.

3. Sinunod naming nang mahusay ang mga galaw sa
figure na nakaatas sa amin.

4. Pinalakas namin ang loob ng isa’t isa.


Gawain 4
Panuto: Tukuyin ang sagot sa bawat tanong at isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang mga pangunahing galaw na ginagamit sa Cariñosa?
2. Anong mga kagamitan ang kailangan sa sayaw?
3. Anong mga katangiang Pilipino ang ipinapakita sa sayaw na Cariñosa?
4. Aling figure sa Cariñosa ang pinakamahirap para sa iyo? Bakit?
5. Paano mo mahihikayat ang mas nakababata sa iyo na matutuhan ang pambansang
sayaw ng Pilipinas?


V. Tayahin

Panuto: Isulat ang T kung totoo at H kung hindi totoo ang bawat pangungusap sa iyong
sagutang papel.

11


_____1. Ang katutubong sayaw ay mula sa isang komunidad na nagpapakita ng kanilang
kultura, paniniwala, at tradisyon.
_____2. Ang katutubong sayaw ay mahalagang mapag-aralan ng mga batang tulad mo.
_____3. Ang mga babae lang ang nagtatanghal ng mga katutubong sayaw.
_____4. Pinapakita lang ng Cariñosa ang mga mananayaw na nanliligaw.
_____5. Ang Cariñosa ay nanggaling sa Visayas.

12


Rubrics para sa Gawain 1 at 2
COMPONENT 1 2 3 4 MARKA
Nangangailan
gan pa ng
tulong
Kasiya-siya Mahusay Napakahusay
Pormasyon Hindi malinaw
ang posisyon
sa pagbuo ng
sayaw.

Ang mag-aaral
ay
nangangailang
an ng ilang
tulong mula sa
guro habang
nasa posisyon.

Nag-posisyon
ang mag-
aaral para sa
sayaw na
may kaunting
tulong mula
sa guro.

Malinaw na
ipinakita ng
mag-aaral ang
tamang pagbuo
ng sayaw at
tumutulong sa
iba na may
paminsan-
minsang
pahiwatig
lamang mula
sa guro.

Pagkakasunod
-sunod ng mga
Hakbang
Tila nawala ang
mag-aaral o
nagpakita ng
maling mga
hakbang sa
pagsayaw.
Nakasunod
ang mag-aaral
sa ilang bahagi
ng sayaw na
may madalas
na mga
pahiwatig mula
sa guro.
Nakasunod
ang mag-
aaral sa
karamihan ng
pagkakasuno
d-sunod ng
sayaw na
may ilang
gabay na
tulong mula
sa iba.
Ang mag-aaral
ay malinaw na
nagpakita ng
wastong
pagkakasunud-
sunod ng
sayaw.

Tiyempo Ang mga
paggalaw at
ang tugtog ng
musika ay wala
sa tiyempo o
hindi
naipagsabay.
Hindi pare-
pareho ang
tiyempo ng
mag-aaral at
nagbabago-
bago ito
paminsan-
minsan.
Naipakita ang
tiyempo nang
madalas at
kayang
panatilihin ito
sa sayaw.
Malinaw na
pinanatili ng
mag-aaral ang
tiyempo sa
kanyang sayaw
nang tuloy-
tuloy.

Istilo Nagpakita ang
mag-aaral ng
isang halo ng
mga istilo na
hindi kaugnay
ng pag-unlad o
tema na tiyak
sa sayaw.
Ang mag-aaral
ay umuusad
patungo sa
pagpapakita ng
mga "istilong"
paggalaw na
katangian ng
sayaw.
Ang mag-
aaral ay
paminsan-
minsang
nagpakita ng
mga "istilong"
paggalaw na
naaayon sa
sayaw.
Ang mag-aaral
ay patuloy na
nagpapakita ng
mga paggalaw
na
"pangkakanyah
an" na naaayon
sa sayaw.

Ugali sa
Pagsasayaw
Nagpakita ng
kaunti o walang
sigasig para sa
sayaw. Hindi
nakatuon at
Ang mag-aaral
ay lumalahok
sa sayaw
ngunit madalas
na paalala ay
Sumayaw na
may
positibong
pag-uugali.
Minsan
Ang mag-aaral
ay lubos na
lumahok sa
sayaw.
Palaging

13


hindi sumunod
sa tagubilin, at
madalas ay
magulo.
kinakailangan
upang
mapanatili ang
kanilang
pagtuon sa
sayaw.
kailangan
ang paalala
upang
mapanatili
ang kanilang
pagtuon sa
sayaw.
Nasunod
nang maayos
ang tagubilin.
nakatuon at
nasa gawain.
Sa katunayan,
hinihimok ang
iba na manatili
sa gawain.
Komento:
Kabuuang
Marka:




VI. Susi sa Pagwawasto












































GAWAIN 4

1. Arms in Lateral, Kumintang,
Close Step
2. pamaypay para sa babae,
panyo para sa lalaki
3. mapagmahal at malambing
4. (sagot ng bata)
5. (sagot ng bata)
BALIKAN
1. KS
2. HKS
3. HKS
4. KS
5. KS
6. HKS
7. HKS
8. KS
9. KS
10. KS

TAYAHIN
1. T
2. T
3. H
4. H
5. T

14


VII. Sanggunian


1. https://www.pinterest.ph/pin/346073552591258993/

2. https://www.youtube.com/watch?v=9n20nGkJQvM

3. https://www.youtube.com/watch?v=v2wv3nRqbhg

4. https://www.youtube.com/watch?v=8hqU2DvHO3Y

5. https://www.youtube.com/watch?v=JMhFgpu98fU

6. https://www.youtube.com/watch?v=fwcTmBTnPXg

7. https://www.youtube.com/watch?v=xBs3-xAKLAM

8. https://www.youtube.com/watch?v=o8TiNqsIbaQ

9. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5, Batayang Aklat pp. 86-93