Talakayan:
A. Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat
Ang salitang akademya ay mula sa salitang Pranses na acadėmiė, sa Latin
na academia, at sa Griyego na academia. Ang huli ay mula naman sa
Academos, ang bayaning Griyego, kung saan ipinangalan ni Plato ang hardin. Ang
salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses:
academique; Medieval Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16
siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o
larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral,
kaiba sa praktikal o teknikal na gawain. (www.oxforddictionaries.com)
Ang akademiya ay itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at
respetadong mga iskolar, artista, at siyentista na ang layunin ay isulong,
paunlarin, palalimin, at palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan
upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan. Isa
itong komunidad ng mga iskolar.
Sa mga mag-aaral na magpapatuloy sa kolehiyo, malaki ang maitutulong
ng kaalaman at kasanayan sa malikhain at mapanuring pag -iisip upang
masiguro ang tagumpay sa buhay-akademya.
Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong puwersa ng buhay na may
kakayahang mag-isip nang kritikal o mapanuri, maging m apanlikha at
malikhain, at malayang magbago at makapagpabago. Ganito ang isang mag-
aaral na lalo pang hinuhubong akademiya.
Ang isang pangmalawakang depinisyon na maibibigay para sa
akademikong pagsulat ay anomang pagsulat na isinasagawa upang makatupad
sa isang pangangailangan sa pag-aaral. Sa madaling sabi, kinapapalooban ito ng
anomang itinatakdang gawaing pasulat sa isang setting na akademiko.
Ginagamit ang akademikong pagsulat para sa mga publikasyong binabasa ng
mga guro at mananaliksik o inilalahad sa komperensya.
Mabibigyang-kahulugan din ang akademikong pagsulat bilang anomang
akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori argumentibo at ginagawa ng
mga mag-aaral, guro o mananaliksik upang magpahayag ng impormasyon
tungkol sa isang paksa. Sa pangkalahatan, inaasahang ang pagsulat na ito ay
tumpak, pormal, impersonal, at obhetibo.
B. Katangian ng Akademikong Pagsulat
1.
Pormal - Ang ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng
mga impormal o balbal na pananalita.
2.Obhetibo - Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng
kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o
larangan. Binibigyang-diin dito ang impormasyong gustong ibigay at ang
argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa (Alejo, et al. 2005)
3.May Paninindigan - Ang akademikong pagsulat ay dapat may
paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang
impormasyon na dapat idinudulog at dinedepensahan, ipinaliliwanag at
binibigyang-katwiran ang mahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan
ng pag-aaral.
Downloaded by Clyde Crystal Jade Eramis (
[email protected])
lOMoARcPSD|44716378