4. Ponemang Suprasegmental.powerpoint presentation

rhealyncabudol 7 views 30 slides Sep 11, 2025
Slide 1
Slide 1 of 30
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30

About This Presentation

none


Slide Content

Ponemang suprasegmental Filipino 10

Eksena Mo, Arte Mo! Bubunot ang bawat mag- aaral ng tig- isang papel mula sa dalawang lalagyan : isa para sa eksena at isa para sa linya . Babasahin ang linya ayon sa emosyon ng eksena gamit ang tamang bilis , lakas , diin , hinto , o tono . Pagkatapos , ipaliliwanag kung bakit ganoon ang paraan ng pagbigkas . Makikinig ang klase at magbibigay ng obserbasyon kung paano nagbabago ang dating at kahulugan ng parehong linya sa iba’t ibang sitwasyon .

PONEMANG SUPRASEGMENTAL Ito ay makahulugang tunog na nakatutulong upang malinaw na maipahayag ang damdamin , saloobin , at kaisipan ng nagsasalita . Sa pakikipagtalastasan , natutukoy ang kahulugan at layunin ng pahayag sa pamamagitan ng: • Diin • Tono / Intonasyon • Antala / Hinto

• Tumutukoy sa lakas , bigat , o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita . • Mahalaga dahil nakakapagbago ng kahulugan ng salita kahit pareho ang baybay at tunog . • Karaniwang malaking titik ang ginagamit para tukuyin ang pantig na may diin . DIIN

Halimbawa : • BU: hay = kapalaran ng tao • bu: HAY = humihinga pa • LA :mang = natatangi • la: MANG = nakahihigit ; nangunguna DIIN

• Ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita . • Nakakapagpahayag ng iba’t ibang damdamin at nakakapagbigay-kahulugan sa pahayag . • May tatlong antas ng tono : o 1 = mababa o 2 = katamtaman o 3 = mataas TONO/ INTONASYON

Halimbawa : • Kahapon = 213 → pag-aalinlangan • Kahapon = 231 → pagpapatibay / pagpapahayag • Talaga = 213 → pag-aalinlangan • Talaga = 231 → pagpapatibay / pagpapahayag TONO/ INTONASYON

• Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang maging malinaw ang mensahe . • Maaaring markahan gamit ang: o Kuwit (,) o Dalawang pahilis (//) o Gitling (-) ANTALA/HINTO

Halimbawa : 1 . Hindi/ ako si Joshua. o Hinto pagkatapos ng "Hindi" → nagsasabing siya ay si Joshua at maaaring napagkamalan lang na ibang tao . 2. Hindi ako , si Joshua. o Hinto pagkatapos ng " ako " → itinatanggi na siya ang gumawa ng isang bagay; si Joshua ang tinutukoy . 3. Hindi ako si Joshua. o Hinto sa hulihan → simpleng pagtanggi na siya ay si Joshua. ANTALA/HINTO

Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang baybay subalit magkaiba ang bigkas . 1. / SA:ka / - / sa:KA /- 2. / BU:hay /- / bu:HAY /- 3./ ki:ta / - / ki:tah /- 4. / ta:la / - / ta:la ?/ - 5. / ba.lah / - /ba.la?/- PAGSASANAY 1

Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito . Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa , bilang 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas . Isulat sa sagutang papel . 1. kanina = _________, pag-aalinlangan kanina = _________, pagpapatibay , pagpapahyag 2. mayaman = _________, pagtatanong mayaman = _________, pagpapahayag PAGSASANAY 2

3. magaling = _________, pagpupuri magaling = _________, pag-aalinlangan 4.kumusta = _________, pagtatanong na masaya kumusta = _________, pag-aalala 5.Ayaw mo = _________, paghamon Ayaw mo = _________, pagtatanong PAGSASANAY 2

Basahin ang sumusunod na pahayag . Subukin kung anong mga pagkakaiba ng kahulugan ang maibibigay sa paggamit ng hinto at intonasyon . 1. Hindi, si Arvyl ang sumulat sa akin. 2. Wrenyl , Matthew, Mark ang tatay ko. 3. Hindi siya ang kaibigan ko. PAGSASANAY 3

Dagdag Kaalaman 1. Pagsasama ng Suprasegmental sa Kahulugan Ang pagbabago sa tono , haba , o hinto ay nakakapagbago ng kahulugan ng pangungusap o salita . o Hal. Baba? ( nagtatanong ) vs. Baba! ( utos ) o Hindi, siya ang kumain . ( paglilinaw ) vs. Hindi siya ang kumain . ( pagtanggi )

Dagdag Kaalaman 2. Antas ng Tono sa Filipino Mataas (High) – ginagamit sa mga tanong o pagbibigay-diin Katutubong tono (Mid) – karaniwang ginagamit sa pangungusap na pasalaysay Mababa (Low) – ginagamit sa pagbibigay ng impormasyong tila tapos o seryoso

Dagdag Kaalaman 3. Diin / Stress Bahagi rin ng suprasegmental na tumutukoy sa pagbigkas nang mas malakas sa isang pantig upang magbigay ng tamang kahulugan . Punó (tree) vs. Púno (full) Laró (play) vs. Láro (game)

Dagdag Kaalaman 4. Paghinto (Pause) at Estruktura ng Pangungusap Minsan, ang paglalagay o pag-alis ng hinto ay nakakapag-iba ng kahulugan . Kain, Maria! (inaanyayahan si Maria) Kain Maria (pangalan ng pagkain)

Dagdag Kaalaman 5. Prosody Ang kabuuang ritmo , himig , at daloy ng pananalita na nagbibigay ng damdamin o emosyon sa mensahe . Hal. Pagbasa ng tula: may mabagal na daloy at malumanay na tono upang ipadama ang lungkot.

Dagdag Kaalaman 6. Kahalagahan sa Komunikasyon Nakakatulong sa pag-iwas sa maling pagkakaintindi Ginagamit para magpahiwatig ng damdamin nang hindi laging sinasabi sa salita Mahalaga sa pagbabasa nang may damdamin at sa mabisang pagsasalita

Indibidwal Na Gawain Performance Task

Magkakaroon kayo ng Buwan ng Wika sa paaralan bilang pagdiriwang ng kahalagahan ng wikang Filipino. Bilang kinatawan ng inyong klase , lalahok ka sa patimpalak sa Masining na Pagbigkas . Upang maging kaaya-aya at makahulugan ang iyong pagtatanghal , gagamit ka ng orihinal na piyesa na isinulat mo. Sa iyong pagbigkas , tiyaking masusunod ang mga pamantayan : PANUTO NG GAWAIN

A. Wastong bigkas ......................................................................... 40% B. Malinaw na pagbasa at interpretasyon ................ 40% C. May damdamin .......................................................................... 20% Kabuuan ................................................................................................. 100% PANUTO NG GAWAIN

Paano mo magagamit ang tamang intonasyon at diin sa pakikipag-usap para mas malinaw kang maunawaan ? PAGLALAHAT/ PAGLALAPAT Ano ang pangunahing kahulugan ng ponemang suprasegmental?

PAGTATAYA Ponemang Suprasegmental Panuto : Basahin ang sitwasyon at piliin ang tamang sagot .

1. Si Ana ay nagsabi ng, “ Kumain ka na. ” na may pababang intonasyon . Ano ang ibig sabihin nito ? a. Utos b. Tanong c. Pahayag d. Pagdududa

2. Sa salitang puno , aling kahulugan ang ipinapahiwatig kapag binigkas na may diin sa unang pantig (PU-no)? a. Leader b. Tree c. Empty d. House

3. Ang pangungusap na “Maganda siya , di ba ?” ay binigkas na may pataas na intonasyon sa dulo . Ano ang gamit nito ? a. Nagpapahayag ng sigaw b. Nagbibigay ng tanong c. Nagtatapos ng pahayag d. Nagbibigay ng utos

4. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng haba bilang ponemang suprasegmental? a. Maganda siya . b. Huwag kang maingay . c. Malayo ↔ Malayó d. Kumain ka na ?

5. Sa pangungusap na “Salamat.” na may mahinang tono , anong damdamin ang ipinapakita ? a. Galit b. Pagpapasalamat c. Pag- aalinlangan d. Tuwa

MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG
Tags