4-tekstong-impormatibo-pahayagan-250917160018-3109dd30.pdf

ongloot 6 views 10 slides Sep 17, 2025
Slide 1
Slide 1 of 10
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10

About This Presentation

shs


Slide Content

PAHAYAGAN
patricio b. abuel, phd

PAHAYAGAN
•tinatawag ding diyaryo o peryodiko
•isang uri ng publikasyong inililimbag na naglalaman ng
balita, impormasyon, opinyon, at patalastas.
•karaniwang inilalathala ito araw-araw o lingguhan, at
ipinapamahagi sa murang halaga.

Dalawang pangunahing anyo ang pahayagan:
1.Broadsheet – Pormal, may malaking format, at kadalasang nasa Ingles
ang nilalaman. Tinutugunan nito ang mahahalagang isyu sa loob at labas ng
bansa.
2.Tabloid – Mas maliit, mas impormal, madalas ay nasa Tagalog o balbal,
at nakatuon sa popular o sensational na balita
•"

BAHAGI NG PANG-ARAW-ARAW NA PAHAYAGAN
A.Pamukhang Pahina (Frontpage)
B.Pahina ng Pangulong Tudling (Editorial)
C.Balitang Pandaigdig (World News)
D.Balitang Lokal (Local News)
E.Pahinang Pampangangalakal (Business)
F.Pahinang Pang-anunsyo (Classified Ads)
G.Pahina ng Piling Lathalain (Feature)
H.Pahinang Panlibangan (Entertainment)
I. Pahinang Pangkababaihan o Pantahanan (Home, Fashion,
Lifestyle)
J. Pahinang Pampalakasan (Sports)

BAHAGI NG PANG-ARAW-ARAW NA PAHAYAGAN
A.Pamukhang Pahina (Frontpage)
1.Nameplate – ay ang pangalan o titulo ng pahayagan na
makikita sa itaas na bahagi ng unang pahina (front page).
2.Tainga o Ear – ay tumutukoy sa maliit na kahon o
espasyo na matatagpuan sa itaas na kanan o kaliwang gilid
ng front page, katabi ng nameplate.

BAHAGI NG PANG-ARAW-ARAW NA PAHAYAGAN
A.Pamukhang Pahina (Frontpage)

3. Payong o Umbrella – tinatawag ding streamer o skyline
— isang mahabang headline na karaniwang nasa pinakamataas na
bahagi ng pahina, minsan ay tumatablay sa nameplate (masthead).

4. Folio o Folio Line —ay page indicator sa bawat pahina,
karaniwang nakikita sa itaas ng bawat pahina, kasama ang numero
ng pahina, pangalan ng pahayagan, at petsang inilathala.

BAHAGI NG PANG-ARAW-ARAW NA PAHAYAGAN
A.Pamukhang Pahina (Frontpage)

5. Banner Headline – isang malawak at matapang na
headline na tumatakbo sa buong lapad ng front page, kadalasan
nasa pinakamataas na bahagi.
Ginagamit ito para sa napakalaking balita—tulad ng mga
pambihirang pangyayari, malupit na kalamidad, o mga
makasaysayang kaganapan—upang agad makuha ang pansin ng
mga mambabasa.

BAHAGI NG PANG-ARAW-ARAW NA PAHAYAGAN
A.Pamukhang Pahina (Frontpage)

6. Banner News – ito’y tumutukoy sa pinaka-highlight o
pinakatampok na balita sa isang edisyon na kadalasan ay may
banner headline
7. Klitse o Cut – tumutukoy sa larawan o imaheng kuha
gamit ang camera na karaniwang makikita sa loob ng dyaryo o
pahayagan

BAHAGI NG PANG-ARAW-ARAW NA PAHAYAGAN
A.Pamukhang Pahina (Frontpage)
8. Caption o Cutline – ang maikling teksto na kasama ng
larawan. Karaniwan itong nakalagay sa ibabaw, ilalim o tagiliran ng
larawan na nagbibigay ng paliwanag, konteksto, o detalye tungkol
sa ipinapakitang kuha.
9. Author Byline – karaniwang makikita sa ilalim ng headline
na naglalaman ng pangalan ng manunulat ng artikulo. Binibigyan
nito ng kredito ang awtor at nagsisilbing tanda ng may
pananagutan sa nilalaman ng nasabing balita

BAHAGI NG PANG-ARAW-ARAW NA PAHAYAGAN
A.Pamukhang Pahina (Frontpage)
10. Jump Line – isang maikling linyang teksto na karaniwang
makikita sa dulo ng isang bahagi ng artikulo. Ito ang nagsasabi sa
mambabasa kung saang pahina at kolum sila maaaring magpatuloy
ng pagbabasa kung nahati ang kuwento.
11. Jump Head – headline na nakalagay sa itaas ng
pagpapatuloy ng isang artikulo kapag ito ay nahati sa ibang pahina.
Karaniwan itong mas pinaikli kaysa sa orihinal na headline para
ipahiwatig na ito ay bahagi ng nangyayaring “jump” o pagpapatuloy
mula sa ibang pahina.