Ano ang Lakbay-Sanaysay ? Lakbay Sanaysay o Travel Essay sa wikang Ingles ay sanaysay na ang pinanggagalingan ng mga ideya nito ay mula sa pinuntahang lugar , hindi lamang ang lugar ang tinatampok dito pati na rin ang mga kultura , tradisyon , pamumuhay , uri ng mga tao , damdamin ng isang taong nakaranas pumunta sa partikular na lugar at lahat ng aspektong natuklasan ng isang manlalakbay .
Ayon kay Nonong Carandang tinatawag niyang sanaylakbay kung saan ang termonolohiyng ito ay binubuo ng tatlong konsepto : Sanaysay , Sanay , Lakbay Naniniwala siyang sanaysay ang pinaka epektibong pormat ng sulatin upang maitala ang naranasan sa paglalakbay .
Layunin ng Lakbay-Sanaysay Maitaguyod ang isang lugar partikular na ang lugar na pinuntahan ng manlalakbay . Gumawa ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay . Halimbawa ang ruta at ang mga paraan ng transportasyon . Pagtatala ng pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad , pagpapahilom , o pagtuklas sa sarili . Pagdodokumento nang kasaysayan , kultura , at heograpiya ng isang lugar sa malikhaing pamamaraan .
Uri ng Sanaysay Pormal - ito ang sanaysay na tinatalakay ang mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral . Di- Pormal - ito ang sanaysay na tinatalakay ang mga paksang magaan , pangkaraniwan , pang araw-araw at personal.