Pagsasalin gamit ang teknolohiya “ Hindi na maitatangging ang teknolohiya lalo na sa mga propesyunal ay hindi na isang opsyon kundi isa nang pangangailangan .” – Biau at Pym (2012) Kung nais nating sumulong ang ating ekonomiya ay kinakailangan ding sumulong ang ating wika , agham at teknolohiya .” – Dela Fuente (2014) “ Buhay ang wika kapag nakasasabay ito at bumabagay sa tawag ng panahon .” – Virgilio Almario (2015)
DIGITAL WORLD Gadyet 2. Elektronikong kasangkapan 3. Internet Mga Benepisyong Hatid ng Teknolohiya : Nagbubunga ng mataas na produksiyon 2. Nabibigay ng mataas na antas ng pamumuhay 3. Nagpapahaba ng buhay 4. Nagpapabilis ng palitan ng impormasyon
“Sa pagsasalin ng kaalamang panteknolohiya at pansiyensya , may mga terminolohiyang teknikal na puwedeng tapatan ng salin . Pero meron ding hindi na dapat tapatan ng salita at panatilihin ang orihinal na terminolohiya . Ang paglalapat ng angkop na salita o pagpapanatili sa orihinal na terminolohiyang teknikal ay bahagi ng tinatawag na “Essential Translation”, kung saan hinahango ang laman ng isinasaling kaalaman sa pagsasalin at hindi literal na salin lamang .” – Teo T. Antonio Halimbawa : marcotting – pagpapaugat ; budding – pagpapausbong “Isa sa malubhang suliranin na kinakaharap ng isang tagapagsalin sa Filipino ng mga materyales na maituturing na teknikal ay ang kakulangan o kasalatan ng mga katawagang istandardisado na maitutumbas sa mga katawagang pang- agham ng Ingles.” – Alfonso Santiago (1994)
Pinag-aralang mga Uri ng Salin (Santiago, 1994) Salitang Kastila na hindi binago ang baybay. Halimbawa : liquido 2. Salitang Ingles na hindi binago ang baybay. Halimbawa: liquid 3. Salitang Kastila na binaybay ayon sa ABAKADA. Halimbawa : likido 4. Salitang Ingles na binaybay ayon sa ABAKADA. Halimbawa : likwid
“Malaki ang nagagawa ng modernisasyon sa paggamit ng ilang salita . Katulad ng Hybrid forms of Language , ito ay naisilang sa paghahalo ng natural na wika at ng computer code sa eksperimental na pagsulat , sining at online communication.” – Prof. April Perez (UP Diliman) “ Bukod sa kailangan ito para sa mabilis na pag-unlad , ito rin ang paraan para makakuha ng pinakabagong kaalaman sa agham at teknolohiya . Nagiging mahirap din ang pagsulong ng agham at teknolohiya sa Filipino dahil sa kakulangan ng mga materyales tulad ng babasahin at mga librong pang- agham na maaaring gamiti ng mga estudyante . Dahil dito , mahalaga ang pagbuo ng bokabularyong agham at teknolohiya sa wikang Filipino.” – Santos (2012)
“Sa proseso ng globalisasyon at sa pagsulong ng teknolohiya nitong mga nakaraang dekada lamang , nagkaroon ng paglilipat ng kaparaanan at metodolohiya ng pagsasalin ang mga tagapagsalin at ang mga nasa mundo ng korporasyon at bisnes .”- Biau at Pym (2012) Sa pagsasaling teknolohiya , ano nga ba ang workstation ng mga tagapagsalin ? Produksiyon ng mga dokumento 2. Pamamahala sa mga terminolohiya 3. Pag- iimbak at pag -retrieve ng mga segment ng mga dati nang naisaling teksto ; at 4. Automated Translation
Computer Assisted Translation Tools Translation Memory Software 2. Machine Translation Software 3. Electronic Dictionaries & Online Glossaries 4. Voice Recognition Software 5. OCR at PDF Conversion Software 6. Spelling and Grammar Checkers Freelance Translator – sumasaklaw sa maraming gawain kumpara sa mga dating kumbensyunal na gawaing pagsasalin ng tagapagsalin ; a. budgeting, pricing, at pagkakaroon o pagkuha ng mga programang hardware at software. (Locke, 2005) Sa kasalukuyan , mas lumawak pa ang gawain ng mga tagapagsalin : marketing, work procurement, komunikasyon (client or liason ), bookkeeping, financial management, billing/ invoicin
Computer Assisted Translation/Computer-Aided Translation (CAT ) Tinatawag ding “machine aided”, isang anyo ng pagsasaling-wika , kung saan ang isang tagapagsalin ay gumagamit ng computer hardware para suportahan at mapadali ang proseso ng pagsasalin . Ginagawa nitong interaktibo ang proseso ng pagsasalin ng isang tagapagsalin at ng kompyuter sa pamamagitan ng manwal na pag -edit sa software. Mga Halimbawa : SDL, Trados, memoQ , Wordfast at Deja vu Translation Memory ( Pinakagamiting sangkap ng anumang CAT) – Isang database na nag- iimbak ng mga segment o mga bahagi na maaaring pangungusap , parirala , talata , pamagat / titulo o hanay ng mga salita na nauna nang naisalin upang magamit sa pagpapadali at pagpapabilis ng pagsasalin . Gaano kalaki / kadami ng nakaimbak na mga tekstong naisalin ng TM, ganoon din kabilis ang pagsasalin nito ng tekstong isasalin .
Ano ba ang nagagawa ng TM sa gawain ng tagasalin o human translation? Hindi na kailangang isalin ang isang pangungusap nang dalawang beses ; 2. Maaaring pakitaan ng mga “fuzzy matches” ang tagapagsalin na maaaring tanggapin , baguhin o hindi tanggapin ; at 3. Ang mga segment na walang angkop na katumbas na salin ay manwal na isasalin ng tagapagsalin . Ang isang TM ay nagagawa nitong gumamit ang tagapagsalin ng mga segment o text na naisalin na. Ang mga strings na ito ay nakaimbak sa tinatawag na database, kung saan nagagamit ang mga nakaimbak dito upang tumumbas . Kung sakaling malabo o wala pang nakaimbak na alternatibong salin ang source text o hindi katanggap-tanggap ang alternatives, dito na papasok ang papel ng tagapagsalin na siyang magsasakonteksto ng kahulugan , at ‘ yong nabuo niya ay maidaragdag sa naimbak niya sa database.
Mga Uri ng Translation Memory 1. Desktop Translation Memory Tools – Mga tipikal na kasangkapang ginagamit ng isang tagapagsalin upang makompleto ang kanyang pagsasalin . Ito rin ay mga programang dina -download ng isang tagapagsalin sa kanyang desktop na kompyuter . 2. Sever-Based or Centralized Translation Memory – Nag- iimbak ng mga translation memory sa isang central server. Kasama rito ang Dekstop TM at maaaring maitaas pa ang rate match sa 30%-60% kaysa sa TM na nasa desktop lamang . Iba’t Ibang Gamit ng Translation Memory (TM): Off-line functions, Analysis, Textual Parsing, Linguistic Parsing, Segmentation, Alignment, Term Extraction, Export, Online Function, Retrieval at iba pa.
Machine Translation (MT) Gumagamit ng mga software upang isalin ang teksto o pahayag mula sa isang SL tungo sa ibang wika (TL) nang walang interbensyon mula sa tao o sa tagapagsalin mismo . Gumagamit ang MT ng mga salita sa SL-TL pero hindi ito nakalilikha ng mataas na kalidad ng pagsasalin . Mainam pa rin na kilalanin ang kahulugan ng buong pahayag at ang pinakamalapit na katumbas nito sa TL para mas maging tumpak ang salin . VoiceTra – Isang app sa pagsasalin ng pananalita na madaling gamitin at nagsasalin ng iyong sinasabi sa iba’t ibang wika . Madaling masuri kung ang iyong input ay naihahayag ayon sa gusting kahulugan .
Dalawang (2) Mahalagang Salik Kaugnay ng Impluwensiya ng Teknolohiya sa Pagsasalin : Paglago ng Pamilihan ; at 2) Pangangailangan na matugunan ang lahat ng ito Upang matamo ang mga bagong hamon , maraming kompanya ng pagsasalin ang nag set up ng interconnected office, kung saan ang isang team ng pandaigdigang mga propesyonal ang nagkakaugnay gamit ang pinakabagong teknolohiya . “Ang susi sa isang cost-effective” na paggamit ng computerized translation tools sa pagsasalin , bilang prosesong industriyal ay ang pagkakaroon ng tagapagsalin ng sariling kasangkapan na mas sopistikado pa kaysa sa iba at sumasaklaw mula sa word processors at electronic dictionaries hanggang sa translation memory at machine translation.” – Melby (1994)
Dagdag pa ni Melby (1994), ito ang ideyal na workstation ng isang tagapagsalin . Ang trend na ito ay bumubuo sa isang team na kinabibilangan ng tagapagsalin mula pa sa iba’t ibang panig ng mundo : project manager, translator, localization specialist, proofreader, QA specialist, localization engineer, testing engineer at desktop publisher hanggang sa software developer at web site designer ( Esselink , 1998:6)