505706428-EsP10-Quarter3-Module1-WEEK-1-2.doc

GenesisDumalaga1 93 views 12 slides Jan 16, 2025
Slide 1
Slide 1 of 12
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12

About This Presentation

505706428-EsP10-Quarter3-Module1-WEEK-1-2.doc


Slide Content

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
QUARTER 3 – MODULE 1
WEEK 1 & 2
PAGMAMAHAL SA DIYOS
1
10

Modyul 1: Pagmamahal sa Diyos
Unang Bahagi
“ Life is a journey not a destination” – Ralph Waldo Emerson
Ang buhay ay maituturing na isang paglalakbay, sa paglalakbay na ito kinakailangan
natin bilang tao ang makakasama upang maging magaan at masaya ang ating paglalakabay.
Una, paglalakbay kasama ang ating kapuwa at ikalawa, paglalakbay natin na kasama ang
Diyos. Ngunit dapat nating tandaan na hindi sa lahat ng oras ay nagiging magaan at banayad
ang ating paglalakbay. Dito kailangan natin ang pananampalataya sa Diyos.
Naniniwala ka ba sa Diyos? Sa paanong paraan mo maipapakita ang
pananampalataya mo sa kaniya? Sinasabing ang pag-ibig ay nagmula sa Diyos,” Ang Diyos
ay pag-ibig”. Mula sa pagmamahal, nagbabahagi tayo bilang tao ng ating sarili sa kapuwa. Dito
masasalamin ang ating pagmamahal at pananampalataya sa Diyos dahil naibabahagi natin
ang ating buong pagkatao, yaman at talino.
Sa pamamagitan ng modyul na ito, ikaw ay magagabayan at matutulungan na
maunawaan ang kahulugan ng Espiritwalidad at Pananampalataya at ang kahalagahan ng
pagtugon sa panawagan ng Diyos na mahalin ang iyong kapuwa tulad ng pagmamahal mo sa
kaniya.
Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa:
9.1 Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos (EsP10PB-IIIa-
9.1)
9.2 Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa
kongkretong pangyayari sa buhay (EsP10PB-IIIa-9.2)
Espiritwalidad at Pananamplataya:
Kahulugan ng Espiritwalidad
Ang espiritwalidad ay tumutukoy sa kalagayan ng espiritu ng tao. Sa kabila ng
pagkakalikha sa tao bilang kawangis ng Diyos, ang kalagayan ng espiritu ay batay sa kung
paano nagpapakatao ang espiritu ng tao. Ito ay nagmumula sa pagkatao ng tao. Ang
espiritwalidad ay lumalalim sa tuwing isasabuhay ng tao ang kanyang pagiging kawangis ng
Diyos at kung paano niya binibigyang – turing ang kaniyang kapuwa. Ang tunay na diwa ng
espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting relasyon sa kapuwa at pagsunod sa kalooban
ng Diyos nang may kapanatagan at kapayapaan sa kalooban. Ito ay nagkakaroon ng halaga
kapag ang espiritu ng tao ay sumasalamin sa kaibuturan ng kaniyang buhay kabilang na ang
kaniyang pag – iisip, damdamin, at kilos. Ang espiritwalidad ay hindi nakabatay sa relihiyon
bagkus ito ay ang pagkakataon na masumpungan ng tao ang Diyos.
Kahulugan ng Pananampalataya
“ Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam ang
kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.”- Hebreo 11:1
Ang pananampalataya ay tumutukoy sa personal na relasyon ng tao sa Diyos. Ito ay
isang malayang pasiya na alamin at kilalanin ang katotohanan ukol sa presensiya ng Diyos sa
buhay ng isang tao at kaniyang pagkatao. Ito ay ang pag-asa sa mga bagay na hindi nakikita
2

ngunit pinaniniwalaang totoo. Ang pananampalataya ang nagdudulot sa tao ng kapanatagan,
kaginhawaan, at kaligayahan. Sa pananampalataya inilalagay ng tao ang kaniyang paniniwala
at pagtitiwala sa Diyos. Inaamin ng tao ang kanyang kahinaan at mga limitasyon at nagtitiwala
na ang mga ito ay pupunuin at gagawing ganap ng Diyos. Sa madaling salita, ang
pananampalataya ay ang pagsasabuhay ng tao sa kung ano ang kanyang mga
pinaniniwalaan. Ito ay lumalago sa tuwing isasabuhay ang mga pansariling paniniwala. Ang
pananampalataya tulad ng espiritwalidad ay maipapahayag anuman ang relihiyong
kinabibilangan. Ang pananampalataya din ay kinakailangang alagaan upang mapanatili ang
ningas nito.  
Mga Paraan ng Pangangalaga sa Pananampalataya:
panalangin
pagninilay o panahon ng pananahimik
pagsisimba o pagsamba
pag – aaral ng salita ng Diyos
pagmamahal sa kapuwa
pagbabasa ng mga aklat ukol sa espiritwalidad
Batay sa paniniwala ng nakakaraming tao, ang tao ay nilikha ng Diyos at lahat ay
tutungo rin sa Kaniya sa pagdating ng tamang panahon. Ang Diyos ang pinagmulan ng
pag-ibig, minahal nang labis ang buong sanlibutan at matuwid lamang na ibalik natin ang
pag-ibig na ito sa Kanya.. Basahin at unawain ang sumusunod na mga talata.
Pagmamahal sa Diyos
Ang salitang pagmamahal ay isang napakahiwagang kataga na bumabalot sa
ninuman. Maaaring ito ay pagmamahal sa iniirog, kapatid, magulang o kaibigan.
Kaalinsabay ng salitang pagmamahal ay ang pagpaparaya at pagtitiis. Gaya ng nakasaad
sa Banal na Kasulatan na “Mahalin mo ang Diyos higit sa lahat, pangalawa ang magulang”
(Exodo 20: 3-17). Malinaw na isang banal na utos ang pagmamahal sa Diyos na Siyang
lumalang sa tao at sansinukob.
Isang dalisay na halimbawa ay ang pagmamahal ng Panginoong Hesus sa
Kaniyang hinirang kung saan ginamit Niya ang Kanyang dugo at buhay upang ipantubos sa
ating kasalanan (Juan 3:16).Masasabing pagmamahal sa Diyos ang anumang espiritwal
at matalik na pakikipag-ugnayan sa Kaniya. Natatanging karanasan mula sa inspirasyon
ng Diyos upang mahinuha ng bawat isa ang karunungan at kalooban ng Diyos sa buhay ng
tao.
Itinuturing ang pagmamahal ng Diyos bilang pangunahing daan upang
mapasimulan ng tao ang kaalaman ukol sa Diyos. Sa tulong ng pagmamahal ng Diyos,
nauunawaan ng tao ang kailangan niyang gawin upang mapalapit sa Diyos at maisagawa
ang Kaniyang kalooban.
Mga Katangian ng pagmamahal sa Diyos:
1. Ang pagmamahal sa Diyos ay nagbubuklod sa lahat ng tao.
Sa bisa ng pagmamahal ng Diyos, nagkakaroon ng matibay na sandigan upang pag-
3

Ipaliwanag sa sariling salita o
pagkaunawa: 2 puntos
isahin ang puso ng bawat isa sa pamamagitan ng pag-ibig.
2. Ang pagmamahal ng Diyos ay isang biyaya ng espiritu.
Kung naniniwala tayo sa Diyos, ito ang magiging batayan at pamantayan ng ating
buhay at pagpapasiyang moral.
3. Ang pagmamahal sa Diyos ay banal at walang hanggan ( Psalm 136:26).
Ang pagmamahal sa Diyos ay masasalamin sa kasaysayan ng paglikha at kaligtasan
ng tao( Juan 3:16)
4. Ang pagmamahal ng Diyos ay nakakapagpabago ng tao.
Ang pagmamahal ng Diyos ay isang espiritwal na enerhiya na nagbibigay daan tungo
sa pagbabago (1 Pedro 5:10).
Kahalagahan ng Pagmamahal sa Diyos
1. Sa bisa ng pagmamahal sa Diyos, nababago nito ang kamalayan ng tao.
2. Pinadadalisay ng banal na pag-ibig sa Diyos ang puso ng bawat tao upang magmahal ng
tunay sa kapuwa.
3. Sa tulong ng pagmamahal sa Diyos, ang puso ng bawat tao upang magmahal ng tunay
sa kapuwa.
4. Sa paggabay at pagmamahal sa Diyos nakararanas ang tao ng balik-loob.
Sa konklusyon, masasabi ko na tayong lahat ay pinakamamahal ng Diyos dahil
hindi lamang Niya tayo nilikha bagkus ipinagkaloob Niya sa ating ang kangyang
pinakamamahal na bugtong na Anak na si Hesus upang tayo ay tubusin sa ating mga
kasalanan at muling pagkalooban ng buhay na walang hanggan sa Kaniyang piling. Kaya
nararapat lamang na ibalik natin sa Kanya ang pagmamahal na ito sa pamamagitan ng
malalim na pananamplatataya sa Kaniya at pagtupad sa lahat ng Kaniyang mga tagubilin
(Hebreo 11:6).
Ikalawang Bahagi
Gawain I-A : Discussion Web
Panuto: Buuin ang sumusunod na dayagram . (Kopyahin ang pormat at sagutan sa sagutang
papel.)

4
ESPIRITWALIDAD
1.
Mga konsepto ng
Espiritwalidad at
Pananampalataya
2.
3.
1.
2.
3.
PANANAMPALATAYA

Gawain I-B: Pagsusuri ng Sitwasyon: Mahal ako ni Lord!
Panuto: Kung maharap ka sa mga sitwasyon sa ibaba, paano mo sasabihin na mahal ka ng
Diyos? Ipaliwanag ang kasagutan at isulat sa sagutang papel.
1. Nawasak ang inyong bahay at nawala lahat ang inyong ikinabubuhay dulot ng bagyong si
Ulysses.
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Nahawa ng sakit na Covid 19 ang iyong ama na siyang tanging naghahanapbuhay sa inyo.
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3.Nalaman mo na may ibang girlfriend/boyfriend bukod sa iyo ang iyong kasintahan.
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. Hindi ka nakapasa sa pagsusulit para sa scholarship upang makapagpatuloy ka sa pag-
aaral mo sa kolehiyo.
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Gawain II. A: I survived !
Panuto: Alalahanin ang mga pangyayari/suliranin sa iyong buhay na sumubok sa iyong
pagmamahal at paniniwala sa Diyos. Isa-isahing isulat ang mga hakbang na iyong ginawa na
upang malagpasan ang mga pagsubok na ito sa iyong buhay . Isulat ang kasagutan sa
sagutang papel. (10puntos)
Sitwasyong sumubok sa aking
Pananampalataya sa Diyos
Mga Hakbang na ginawa upang malagpasan ang
pagsubok
1.
2.
Gawain II. B: I will follow you!
Panuto: Suriing mabuti ang talahanayan na nasa ibaba. Sa unang hanay nakasulat ang mga
tagubilin ng Diyos sa tao at sa ikalawang hanay iyong itala ang mga paraan o hakbang na
iyong ginagawa para ito ay masunod o maisabuhay.( 10 puntos )
5

Mga Tagubilin/ Utos ng Diyos Paano ko isinasabuhay/sinusunod?
1.Huwag kang magkaroon ng ibang
Diyos bukod sa Akin.
2.Alalahanin mo ang araw ng pangilin at
panatilihin itong banal.
3. Igalang mo ang iyong mga magulang.
4. Mahalin mo ang iyong kaaway.
5. Huwag kang pumatay.
Gawain III .A
A. Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay Espiritwalidad o Pananampalataya.
____________ 1. Pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagsunod sa mga utos ng
Diyos.
____________ 2. Magmahalan at maging mapagpatawad sa kapuwa.
____________3. Tanggapin ang mga pagsubok na may pag-asa na malalagpasan ang mga ito
sa tulong ng Diyos.
____________4. Ang pagtulong sa kapuwa nang walang hinihintay na kapalit.
____________5. Kailanma’y hindi tayo iniwan ng Diyos lalo sa panahon na may mabigat na
pagsubok sa ating buhay.
B.Panuto: Suriing mabuti ang bawat sitwasyon at tukuyin kung ang pangungusap ay tumutukoy
sa:
Katangian ng Pagmamahal sa Diyos, isulat ang simbolo ng
Kahalagahan sa Pagmamahal sa Diyos, isulat ang simbolo ng
Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong tamang sagot.
____6. Ang pag-aaral ng mga salita ng Diyos ay nagpapatibay ng ating relasyon sa Kaniya.
____7. Ang panalangin sa Diyos ang nagpapanatili ng ugnayan natin sa Kaniya.
____8. Si Manuel ay dating mainitin ang ulo at palaaway, ngunit siya ay nagbago nang siya ay
niyaya ni Mary sa sumali Bible study.
____9. Hindi nakaliligtaan ni Aurora na magbigay ng kaniyang tulong sa mga nasalanta ng mga
kalamidad.
____10. Naniniwala si Thomas sa siya ay makakapasa sa kaniyang pagsusulit sa tulong ng
masigasig na pag-aaral na may kasamang mataimtim na panalangin sa Diyos.
Gawain III .B: Lord Salamat!
Ang pagpapasalamat ay isang paraan ng pagtanaw natin ng ating utang na loob sa mga
biyaya na ipinagkaloob sa atin ng Diyos o ng ating kapuwa. Sa kasalukuyang nararanasan
nating pandemya at iba’t-ibang mga kalamidad sa ating bansa maging sa buong mundo,may
dapat ka bang ipagpasalamat sa Diyos? Anu-ano ang mga ito? Kopyahin ang pormat na nasa
ibaba sa iyong sagutang papel. ( 15 puntos )
6

Sanggunian
A. Inilimbag ng Pamahalaan
Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung Baitang Modyul
para sa Mag-aaral.Unang Edisyon.Pasig City
B. Biblia
Lumang Tipan
Bagong Tipan
C. Mula sa Intrenet
uttps:www.youtube.com/watch?v=y-414Erjfig&features=share
https://www.youtube.com/watch?v=rO-cz30KrkQ
7
PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA:
Gawain I.B
Gawain II.A & B
Gawain III.B
MGA KRAYTIRYA
1.Nailalahad nang maayos ang sariling pagpapahalaga sa pagbibigay ng sagot.
2. Malinaw at organisadong naipahahayag ang ideya sa kabuuan ng sitwasyon.
3. Gumamit ng mga salitang angkop at may paggalang sa bawat sitwasyon.

Nasunod lahat ang
pamantayan
5 Puntos
Kulang ng 1 pamantayan4 Puntos
Kulang ng 2 pamantayan3 Puntos

Susi sa Pagwawasto

Gawain I-A Discussion Web
ESPIRITWALIDAD
1. Mabuting relasyon sa kapuwa
2. Pagsunod sa kalooban ng Diyos
3. Pagsasabuhay ng mga Gawain ng Diyos
PANANAMPALATAYA .
3. Pag-asa sa mga bagay na di-nakikita
4. Nagdudulot ng kapanatagan ng kalooban
5. Pagsasabuhay sa kung ano ang pinaniniwalaan
Gawain I.B Pagsusuri sa sitwasyon
Malayang Pagsagot
Gawain II.A Malayang pagsagot
II.B Malayang pagsagot

8
Gawain III
A. 1. Espiritwalidad B.6.
2. Espiritwalidad 7.
3. Pananampalataya 8.
4. Espiritwalidad 9.
5. Pananampalataya 10.

Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Division of Pangasinan II
Binalonan
WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 10
QUARTER 3, WEEK 1
MELC: 9.1 Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos (EsP10PB-IIIa-
9.1)
9.2 Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa
kongretong pangyayari sa buhay (EsP10PB-IIIa-9.2)
Pangalan:____________________________________ Petsa:_____________________
Baitang at Seksiyon:________________________ Iskor:_____________________
Gawain A.1
Panuto: Humanap ng limang (5) mahahalagang konsepto na kabilang sa aralin. Isulat ang mga
salitang nahanap sa sagutang papel.
ESPIRITWALIDADN
MPTRMKWYSTRMKIT
PANANAMPALATAYA
GGMYKYGAGGKMHOD
BHIKLNHGTHTNDSK
NTHLMTTIYTYTSMY
SNPAGSUBOKDYINN
ISLDSGHINYYKYOM
RDSHDKMGMMTRKPS
NMRNTMTRYNRMTTG
Gawain A.2 Pag-isa-isahin:
Panuto: Itala ang Mga Pamamaraan upang Mapangalagaan o Maging Matibay ang iyong
Pananampalataya
9

Gawain A.3 Thank you Lord!
Panuto: Magtala ng mahahalagang pangyayari sa iyong buhay na nais mong ipagpasalamat
sa Diyos.
( 2 PUNTOS BAWAT BILANG)
1.
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
2.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.
3.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gawain A.4 Lead Me Lord!
Panuto: Basahing mabuti at suriin ang mga sitwasyon sa ibaba at sagutin kung paano mo
haharapin ang nasabing mga sitwasyon. ( 2 PUNTOS BAWAT BILANG)
MGA SITWASYON Ang Aking Gagawin
1. Humihingi ng pinansyal na tulong ang iyong
matalik na kaibigan dahil ang kaniyang ina ay
nahawaan ng sakit na Covid 19. Kinakailangan
ng malaking halaga para sa agarang
paggamot dito. Ngunit kapos din sa pinansyal
ang iyong pamilya. Ano ang iyong gagawin?
2. May lumapit sa iyo na kamag-anak upang
himukin ka na magdonate ng iyong dugo
upang madugtungan ang buhay ng iyong
tiyuhin. Ang tiyuhin mo na ito na
nangangailangan ng dugo ay siyang
nagmalupit at nagmaltrato sa iyong pamilya
10
PARAAN NG PAGPAPATIBAY NG
PANANAMPALATAYA AT PAGMAMAHAL SA
1 2 3 4 5

kaya kayo naghirap. Ano ang iyong gagawin?
MGA KRAYTIRYA
1. Nailalahad nang maayos ang sariling pagpapahalaga sa pagbibigay ng sagot.
2. Malinaw at organisadong naipahahayag ang ideya sa kabuuan ng sitwasyon.
Nasunod lahat ang
pamantayan
2 Puntos
Kulang ng 1 pamantayan1 Puntos
Gawain B
Performace Task: Pagtala ng mga nais isabuhay
Panuto: Sagutin ang tanong na may kinalaman sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
pananampataya at pagmamahal sa Diyos sa panahong ito ng pandemya at mga kalamidad sa
buhay.
Paano nakatutulong ang Pag-ibig at Pananampalataya ko sa Diyos ngayong panahon ng
pandemya at mga kalamidad?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Pamantayan sa Paggawa
Kategorya (15) (12) (10) Puntos
Nilalaman
(15)
Nakumpleto ang
mga kailangang
detalye nang may
kahusayan
May kulang na 1
o 2 na detalye
May 3 o higit pa
na kulang sa
mga detalyeng
kailangan
(10) (8) (7)
Kabuuang
Output
(10)
Kahanga-hanga
ang pagkakasulat,
malinis at maayos
ang ipinasa.
Maayos ang
pagkakasulat
Nagpakita ng
pagtupad sa
gawain.
Kabuuang Iskor
11

(25)
12
Tags