584519338-AP4-Q4-W4.pdfjkkjvfcgyjjnkklkh

albayjaylene808 8 views 17 slides Mar 12, 2025
Slide 1
Slide 1 of 17
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17

About This Presentation

MODULE


Slide Content

i

4

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Kahulugan at Kahalagahan ng
Gawaing Pansibiko

ii

Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Kahulugan at Kahalagahan ng Gawaing Pansibiko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio



Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Josephine B. Golez
Editor: Etalyn B. Acibes
Tagasuri: Josephine T. Sardan
Nieves S. Asonio
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: James B. Caramonte
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

1




Mga Layunin









Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ito ay nagpapakita
ng isang mabuting mamamayan at malungkot na mukha kung
hindi.
____1. Hindi pagtapon ng basura sa kapaligiran.
____2. Pagiging makasarili.
____3. Pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan.
____4. Pagsali sa mga programa ng komunidad.
____5. Pagsulat sa mga dingding ng paaralan.
Most Essential Learning Competency (MELC)
Naipapaliwanag ang mga gawaing lumilinang sa kagalingan
pansibiko. AP4KPB-IVd-e-4


Alamin

K - Natutukoy ang kahulugan ng kagalingang pansibiko.

S - Naibibigay ang mga gawain na nagpapakita ng
kagalingang pansibiko.

A - Napahahalagahan ang mga gawaing pansibiko.
Subukin

2

____6. Pagbibigay ng pagkain sa batang namamalimos.
____7. Pagtulong ng matanda sa pagtawid sa kalye.
____8. Pagbibigay ng damit at pagkain sa mga nasalanta
ng bagyo.
____9. Pagpitas ng mga bulaklak sa parke.
____10. Pag-iwan ng mga basura na nakakalat sa tabing-dagat.


Anu- ano ba ang inyong mga karapatan?
Ano naman ang iyong mga tungkulin na kaakibat sa iyong mga
karapatan?
Hanapin sa Hanay B ang kaakibat na tungkulin ng mga karapatang nasa
Hanay A. Isulat sa notbuk ang letra ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
1. Isang mamamahayag ng
balita si Norie sa telebisyon

A. Gawin ng tapat ang
tungkulin.
2. Naihalal si Rey bilang
Punong Barangay

B. Pagbutihin ang pag-aaral.
3. Pinag-aaral si Ana ng mga
magulang sa isang
pribadong paaralan.

C. Magsabi ng katotohanan.
4. Maagang pumunta sa
presinto si Allan para
bumoto.

D. Iboto ang karapat-dapat na
kandidato.
5. Sumapi sa isang samahan
sa paaralan si Corazon.
E. Maging mabuting kasapi ng
samahan.

Balikan

3


Panuto: Tingnan ang mga larawan. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.


Sportdocbox.com/83097401-Cheerleading/Araling-panlipunan-deped-copy dirciligan.weebly.com

Sportdocbox.com/83097401-Cheerleading/Araling-panlipunan-deped-copy igalilea.blogspot.com

Batay sa mga larawan na nasa itaas, ano ang tawag sa ipinapakita ng
mga tao na pagtulong sa iba?
Mahalaga ba ang gawaing ito sa ating lipunan? Bakit?

Tuklasin

4





















Ang salitang sibiko ay mula sa
salitang Latin na ang ibig sabihin
ay mamamayan. Noong unang
panahon sa lipunang Pranses,
tinatawag na civique ang isang
mamamayang nakapagbuwis ng
buhay para sa kaniyang kapwa.
Naipagpapalit ito sa salitang civil
o ‘sibilyan’ na isang indibidwal na
wala sa serbisyo ng pamahalaan
o hindi nanunungkulan bilang
sundalo subalit nakatutulong
nang malaki sa kaniyang bayan.

https://renzylamorena10.wordpress.com/2014/12/17/the-helpfulness-of-filipinos/
Sa kasalukuyan,
ginagamit ang salitang sibiko
upang pormal na tukuyin ang mga
mamamayang bumubuo ng
lipunan. Kadalasan nang
ikinakabit sa salitang ito ang mga
katagang “kagalingan” o welfare.
Tinutukoy ng civic welfare o
kagalingang pansibiko ang
pinakamataas na kabutihang
makakamit at mararanasan ng
mga mamamayan. Ang
kabutihang ito ay natatamasa
sapagkat nanggagaling sa kagyat
na pagtugon at pagmamalasakit
ng kapuwa mamamayan.

https://www.globalgiving.org/projects/covid-19-relief-response/


Sa pagganap ng mga tungkulin sa lipunan, ang mga mamamayang
may kamalayang pansibiko ay higit na nakatutuwang sa pamahalaan. Ang
kamalayang pansibiko ay kaisipan na ang bawat isa ay may pananagutan
sa kaniyang kapwa. Ito ay pagkilala na ang indibidwal ay may kakayahang
paunlarin ang lipunan sa anumang paraang kaya niyang tugunan at
gampanan. Ang pagkukusang-loob, pagtulong nang walang inaasahang
Suriin

6
kapalit, at bayanihan ay mga susing katangiang dapat taglayin sa gawaing
pansibiko.


https://www.worldvision.org.ph/stories/im
proving-functional-literacy-in-the-
philippines/
https://www.greengrants.org/2016/05/10/
manila-mangrove-forest/

https://dhidhakjpbandalan.weebly.com/dis
ability/what-is-live-in-livelihood
Maaari ding tingnan ang gawaing pansibiko bilang malawakang
pagsasama-sama ng mga tao upang tiyaking nasa pinakamahusay silang
pamumuhay lalo na ang pinakamahirap. Karaniwang sinasakop ng
kagalingang pansibiko ang mga usapin hinggil sa edukasyon, kalikasan,
kabuhayan, pampublikong serbisyo at kalusugan. Mula sa maliliit na
bagay tulad ng pagtulong sa isang matanda sa pagtawid sa kalye
hanggang sa malalaking bagay tulad ng pagpaplano para sa pagtatayo
ng kabuhayan sa isang komunidad ay maituturing na kagalingang
panlipunan na nag-uugat sa gawaing pansibiko.

Kahalagahan ng Gawaing Pansibiko

Di matatawaran ang
kahalagahan ng gawaing
pansibiko sa isang bansa. Ito ay
isang paraan ng pagtiyak na ang
mga mamamayan sa isang
lipunan ay tunay na malaya,
nagsasarili, at kontento sa
kanilang pamunuan. Malaya
nilang naipapahayag ang sarili at
nagagawa ang gusto nang di
lumalabis sa itinakda ng batas.
Nagsasarili sila at kayang
sustentuhan ang sarili at pamilya.
Kontento sila sa pamamalakad ng
pamahalaan at sinusuportahan
nila ito.


https://www.adb.org/news/features/hungry-filipinos-during-
pandemic-bayan-bayanihan-brings-food-and-hope

7

Ipinakikita ng gawaing pansibiko ang pinakamataas na lebel ng
pakikipagkapuwa. Dahil dito, kakikikitaan ang mga tao ng
pagmamalasakit sa isa’t-isa. Nagkukusang-loob silang mapaglingkuran
lalo na ang mahihirap at nakabababa. Kumikilos sila at tumutugon sa
pangangailangan ng iba kahit hindi pagsabihan o walang kumpas ng
pamahalaan. May sarili silang motibo at ito ay ang masidhing
pagnanasang makapaglingkod sa kapuwa kahit walang posisyon at
kabayaran.

https://awesome.blog/2019/04/go-volunteer.html https://borgenproject.org/hunger-in-the-philippines/

Mahalaga ang kagalingang pansibiko dahil tinitiyak nito ang
bawat mamamayan ay nabubuhay nang matiwasay at payapa. Higit na
mapadadali ang serbisyo publiko kung ang bawat isa ay handa sa
paglilingkod at pagtulong. Mas malawak ang maaabot ng mga ahensiyang
pampamahalaan kung magsasama-sama ang mga institusyong binubuo
ng mga indibidwal na ang motibo ay mapahusay ang kalagayan ng lahat.

8


Gawain A
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong magiging sagot sa
kuwaderno.
1. Ano-ano ang sakop ng kagalingang pansibiko?
2. Bakit napadadali ang serbisyo publiko kapag natitiyak ang
kahalagahang pansibiko?

Gawain B
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang pahayag ay may
kinalaman sa kagalingang pansibiko. Gawin ito sa notbuk.

____ 1. Pagboto sa mga opisyal ng pamahalaan.

____ 2. Pagtulong sa pamimigay ng relief goods.

____ 3. Pagtitinda upang kumita.

____ 4. Pagpapakain sa mga batang lansangan.

____ 5. Paglalaan ng oras sa bahay-ampunan.

____ 6. Pagtatanim sa mga gilid ng kalsada.

____ 7. Panood ng sine.

____ 8. Panlilibre sa barkada.


Pagyamanin

9



Panuto: Lagyan ng tamang sagot ang bawat patlang upang
mabuo ang pangungusap. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Ang __________________ay isang sitwasyon kung saan taglay ng
mga mamamayan ang kamalayan na may pananagutan sila sa
kanilang kapwa.

2.Ang _________________ ay mga pagkilos at paglilingkod sa iba na
kusang inihandog ng indibiduwal.

3. Sakop ng kagalingang pansibiko ang mga pangangailangan sa

____________, _____________, __________ at

______________ na matugunan ng may pagkukusa at walang

inaasahang kapalit.

4. Mahalaga ang kagalingang pansibiko dahil __________________.




Isaisip

10


Panuto: Kopyahin ang hugis puso sa iyong kuwaderno at iguhit sa loob
nito ang iyong mga nagawa na nagpapakita ng kagalingang pansibiko.
Gawin ito sa isang short bondpaper.Kulayan.
















Rubrik sa Pagguhit
Pamantayan Laang Puntos
Angkop na angkop ang naiguhit
sa nagawang kagalingang
pansibiko

5
Angkop ang naiguhit sa nagawang
kagalingang pansibiko

4
Di-gaanong naiguhit ang
nagawang kagalingang pansibiko

3
Naiguhit ngunit malayo paksa 2
Walang naiguhit 1


Isagawa

11



A. Panuto: Isulat sa notbuk ang titik ng pinakaangkop na pagkilos sa
sumusunod na mga sitwasyon.

1. May mga dumalo na nagkukuwentuhan sa loob ng isang
bulwagan. Magsisimula na ang pambansang awit bilang panimula
ng programa. Ano ang dapat mong gawin?
A. Huwag kumibo.
B. Sumali sa nagkukuwentuhan.
C. Sawayin ang mga nagkukuwentuhan.
D. Sabihan ang mga nagkukuwentuhan na tumahimik muna at
lumahok sa pag-awit.

2. Nakita mong tumatawid si Lola Tinay sa kalye Aurora. Ano ang
gagawin mo?
A. Alalayan ang matanda.
B. Pabayaan siya at huwag pansinin.
C. Sabihan siya na mag-ingat sa pagtawid.
D. Maghanap ng pulis na magtatawid sa matanda.

3. Tila nakalimutan ni Lolo Mino ang daan pauwi. Paikot-ikot siya sa
magkakapitbahayan. Ano ang gagawin mo?
A. Hanapin ang pamilya ni Lolo Mino upang maiuwi siya.
B. Ipagbigay-alam ito sa mga barangay tanod.
C. Tanungin si Lolo Mino at tulungan siya.
D. Huwag pansinin ang matanda.

4. Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Tulong-tulong ang mga
tao sa inyong pamayanan upang maglinis. Ano ang gagawin mo?
A. Manood sa mga taong naglilinis.
B. Manatili sa kuwarto at magpahinga.
C. Sumali sa paglilinis at gawin ang makakaya.
D. Ibalita sa media ang naganap na pagtutulungan sa
komunidad.



Tayahin

12

5. Magpapakain para sa mga batang lansangan ang organisasyong
pangkababaihan sa inyong lugar. Ano ang maaari mong itulong?

A.Tumulong sa paghahanda at pagpapakain para sa mga bata.
B. Magboluntaryo sa susunod na pagpapakain.
C. Makikain kasama ang mga bata.
D.Umuwi na lamang.


B. Iguhit ang masayang mukha kung ito ay nagpapakita ng
isang mabuting mamamayan at malungkot na mukha kung
hindi.

____1. Hindi pagtapon ng basura sa kapaligiran.
____2. Pagsulat sa mga dingding ng paaralan.
____3. Pagtulong ng matanda sa pagtawid sa kalye.
____4. Pagsali sa mga programa ng komunidad.
____5. Pagiging makasarili.

13



Maaaring ikaw ay manood sa tebisyon at youtube, makinig ng radyo
o magbasa ng mga pahayagan.
Batay sa iyong napanood, napakinggan o nabasa,pumili lamang
ng isa sa mga pangyayari na nagpapakita ng kagalingang pansibiko.
Sumulat ng isang maikling talata na naglalarawan nito. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.




Gawing gabay ang rubric sa ibaba sa iyong paggawa.
Pamantayan Laang
Puntos
Nakuhang
Puntos
1.Nakasulat ng malinaw na talata na
nagpapakita ng kagalingang pansibiko.
5
2.Maganda ang pagkakalarawan. 3
3.Kalinisan sa pagsulat ng talata. 2
Kabuuang Puntos 10

5- Napakahusay 2- Di gaanong Mahusay
4- Mahusay 1- Sadyang Di Mahusay
3- Katamtaman


Karagdagang
Gawain

14





























Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN

A.

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

ISAISIP

1. Kagalingang pansibiko
2. Gawaing pansibiko
3. Edukasyon, kalikasan, hanapbuhay at iba
pang pinagtulungan ng mamamayan
4. Tanda ito kakanyahan ng isang lipunang
namumuhay ng matiwasay, may
pagmamalasakit sa kapwa at
nangunguna sa kaunlaran
ISAGAWA
( Ang sagot ay depende sa mag-aaral)

BALIKAN
1. C
2. A
3. B
4. D
5. E

TUKLASIN
( Maaring iba-iba ang sagot)

PAGYAMANIN
A.

1.
2. ( Maaring iba-iba ang sagot)

B.
1. √ 5. √
2. √ 6. √
3. X 7. X
4. √ 8. X





TAYAHIN
A.
1. D
2. A
3. B
4. C
5. A
B.
1.
2.
3.
4.
5.

15



Aklat
1. Adriano, Ma. Corazon V., et al, Araling Panlipunan 4 Kagamitan ng
Mag-aaral, Vibal Group Inc., Unang Edisyon 2015 pp.362-367

Teachers Guide
1. Most Essential Learning Competencies (MELC)
2. Araling Panlipunan 4 TG pp. 162

Internet/Mga Larawan
1. Larawan ng mga tao

shutterstock.com/search/cartoon+teacher
Sportdocbox.com/83097401-Cheerleading/Araling-panlipunan-deped-
copy
dirciligan.weebly.com
igalilea.blogspot.com
https://renzylamorena10.wordpress.com/2014/12/17/the-helpfulness-of-
filipinos/
https://www.globalgiving.org/projects/covid-19-relief-response/

https://www.worldvision.org.ph/stories/improving-functional-literacy-in-
the-philippines/
https://www.greengrants.org/2016/05/10/manila-mangrove-forest/

https://dhidhakjpbandalan.weebly.com/disability/what-is-live-in-livelihood
https://awesome.blog/2019/04/go-volunteer.html

https://borgenproject.org/hunger-in-the-philippines/


Sanggunian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental
Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
Email Address: [email protected]
Website: lrmds.depednodis.net
Tags