Talentado Ako ni I. M Gonzales Kamay sa pagguhit Aking gagamitin Upang bigyang kulay Ang paligid natin
Galaw ng katawan Sabay sa musika May ngiti sa labi Sa tuwi-tuwina
Malamyos na tinig Puno ng pag-ibig Kapag ako’y umaawit Sila’y lumalapit
Mga kakayahang Aking tinataglay Di ipagkakait Biyaya ng langit .
Tingnan ang larawan . Ano ang napapansin mo dito ?
Tandaan : Bawat bata ay may kani-kaniyang talento at kakayahan . May mahusay sumayaw , umawit , tumugtog ng iba’t ibang instrumentong pangmusika .
Mayroon ding magagaling sa Pagguhit , Pag -arte, paggawa o pagbigkas ng tula .
Ang ibang bata naman ay may angking talino sa pag-aaral .
Ang iba naman ay may natatanging kakayahan sa palakasan .
Mabuting kilalanin ang sariling kakayahan . Sanayin din ito at linangin upang maging kapaki-pakinabang . Mapapalago ito kung tutulungan mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagpapraktis , at pagkakaroon ng disiplina sa sarili .
Paggawa ng Collage na nagpapakita ng talento at kakayahan o interes