A. P Mga Antas Panlipunanan ng mga Sinaunang Filipino.pptx
ssuser3cfcd41
0 views
23 slides
Oct 08, 2025
Slide 1 of 23
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
About This Presentation
lesson in AP tungkol sa mga Antas ng Lipunan ng mga sinauang filipino
Size: 3.11 MB
Language: none
Added: Oct 08, 2025
Slides: 23 pages
Slide Content
I . LAYUNIN Natatalakay ang uri ng lipunan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas 2. Naiisa-isa ang pagkakaiba-iba ng mga uri ng panlipunan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas 3. Nailalarawan ang kultura at kagawiang panlipunan ng sinaunang Pilipino
Buuin ang mga larawan at mga salita sa loob ng envelope: Ano ang inyong nabuo na mga larawan ? Ano naman ang nabuo ninyong mga salita ?
Paksa:Mga Antas Panlipunan ng mga Sinaunang Filipino
Maginoo at Datu -ang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya . - maaring maging datu ang isang kasapi ng barangay sa pamamagitan ng katapangan,katalinuhan,pagmamana o kayamanan . - nasusukat ang yaman ng isang datu sa dami ng kanyang alipin , dami ng kaniyang pagmamay-aring ginto at ng kaniyang pamilya , at lawak ng kaniyang katayuan sa sinaunang lipunan
Gat o Lakan – ginagamit bilang tanda ng paggalang at pagkilala sa mga maginoo .
2.Maharlika at timawa - Bagani -tawag sa mga mahuhusay na mandirigma - karaniwang galing sa pangkat ng mga maharlika Maharlika-tungkulin nila na tulungan ang datu sa pagtatanggol at pagpapanatili ng kapayapaan sa barangay - wala silang pananagutang magbayad ng buwis sa datu .
Mandirigmang bisaya -makikilala sa kanilang mga tato sa katawan - naipakita sa dami ng tato sa kanilang katawan ang bilang ng mga napaslang nilang kaaway
Mandirigmang tagalog - nakikilala sa suot niyang pulang putong o maliit na piraso ng tela sa kaniyang ulo
Timawa -malalayang tao at mga taong lumaya mula sa pagkaalipin . - kabilang din sa kanila ang mga inaanak o inapo ng mga datu mula sa kanilang ikalawang asawa . - maaaring magmay-ari ng lupa , mah karapatan din siya sa kita ng kaniyang ani nang hindi nagbibigay ng tributo sa datu - tumulong sa pagtatanim at pag-aani ng sakahan,pangingisda,pagsama sa paglalakbay ng datu o pagsasagwan ng Bangka nito .
Timawa
Sa lipunang bisaya-nagbayad ng buwis ang mga timawa -may karapatang lumipat ng datung paglilingkuran - Ang mga timawang naglilingkod sa datu ay hindi nagtatrabaho sa bukid at hindi rin nagbayad ng tribute.Sa halip,sila ay nagsisilbing kasama ng datu sa digmaan,tagasagwan ng Bangka,tagatikim ng alak ng datu , o sugo sa pakikipagkasundo sa kasal ng mga anak ng datu .
3. Alipin at Oripun - alipin sa tagalog at oripun sa bisaya-pinakamababang antas ng lipunan noong unang panahon.Maaring maging alipin ang isang tao bilang kaparusahan sa krimen at kawakan ng bayad sa nagawang krimen . - maging alipin din ang mga taong pumasok sa teritoryo ng datu . - sa mga Tagalog,ang taong tumubos sa pagkakautang o krimen ng isang alipin ay maaaring maging panginoon ng aliping ito . - tungkulin ng datu na gawing alipin niya ang mga batang naulila at walang kumupkop na kamag-anak .
May dalawang uri ng alipin : ( sa lipunang Tagalog) Mga Uri ng Alipin Aliping Namamahay Aliping Saguiguilid Nakatira sa sariling bahay Hindi maaring ipagbili Binabayaran ang kanyang paglilingkod Naninirahan sa tirahan ng datu,maaring bumokud kapag nakapag-asawa at manilbihan nang parang aliping namamahay Nagbigay ng taunang tributo na katumbas ng dalawang salop ng palay,lahat ng buto ng kanilang tanim at malaking tapayan ng quilan ( alak na mula sa tubo ) Nagsilbi araw at gabi sa datu Itinuturing pagmamay-ari ng kanyang amo Tumutulong sa paghahanda ng mga kakailanganin sa paglalakbay ng datu Hindi maaring magkaroon ng sariling ari-arian Katulong sa pagdaraos ng mga pagtitipon Maaring ipagbili ng kanyang amo Maaring magkaroon ng sariling ari-arian Naglilingkod na walang bayad
Alipin
Mga alipin sa Lipunang Bisaya Mga uri ng Oripon Katangian Ayuey Pinakamababang pangkat ng oripun Naninilbihan kailanman naisin ng datu Tumarampuk Nanilbihan ng isang araw sa isang linggo sa datu . Maaaring magbayad ng palay kapalit ng kaniyang paninilbihan Tumataban Nanilbihan sa datu tuwing may piging o pagtitipon
Ang isang alipin ay maaaring manatiling alipin habambuhay.Ito ay kung ang alipin ay ipinagbili ng kanyang mga magulang dahil sa kahirapan o matinding pangangailangan . Maari ding umangat sa pagiging timawa ang isang alipin sa pamamagitan ng sumusunod na paraan : Nabayaran ang kaniyang pagkakautang 2. Nakompleto ang isang kautusan o kasunduan 3. Natubos ng ginto ang kanyang kalayaan
Ano-ano ang mga antas panlipunan ng mga sinaunang Pilipino? Ano-anong mahalagang bahagi ang ginagampanan ng bawat pangkat sa sinaunang lipunang Pilipino ?
Kilalanin kung anong uri ng mamamayan ang tinutukoy.Isulat ang titk ng iyong sagot sa bawat patlang . D - Datu AM - aliping namamahay M -Maharlika AS - aliping saguiguilid ____1. kinilala bilang mataas na tao ____2. nakatira sa bahay ng kaniyang pinagtatrabahuan ____3. tanging kasa-kasama ng mataas na tao ____4. naipagbili ____5. binabayaran kung nagtatrabaho
Gumawa ng pagsasadula ng isang tipikal na araw sa buhay ng mga pangkat sa sinaunang Filipino. Pangkat 1- maginoo at datu Pangkat 2- maharlika at timawa Pangkat 3- mga alipin
Sino Sila ? Tukuyin ang uring panlipunan sa sinaunang lipunang Filipino na tinutukoy sa bawat bilang : datu o maginoo , maharlika,timawa ,at alipin o oripun 1.Mahuhusay na mandirigma at tagapagtanggol ng barangay 2.Tagatikim ng alak ng datu kung may ginaganap na piging o handaan 3.Ang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya . 4. Sumusunod sa utos ng datu na katulad ng pagtatanim,pag-aani ng sakahan , o pangingisda 5.Karaniwang nagiging kabilang sa antas panlipunang ito ang isang tao dahil sa pagmamana , katalinuhan,katapangan,o kayamanan .