Agenda-at-Katitikadfgfghfghn-ng-Pulong.pptx

joshuabraga1197 0 views 20 slides Sep 29, 2025
Slide 1
Slide 1 of 20
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20

About This Presentation

fghfghfg


Slide Content

Pagbabalik-aral Ang ________ ay maingat na pagsasatitik ng mga tiyak na ideya , saloobin , katotohanan at iba pa sa papel , na magbibigay linaw sa nais pagbigyan o pagsabihan ng nilalaman nito . Dito nakasaad ang nilalaman o mensahe ng liham . Nakasaad dito ang detalye ng tatanggap ng liham . Dito naman nakasaad ang impormasyon ng nagpadala ng mensahe . Ito ay bahagi ng liham na nagpapatunay na sa nagsulat ng liham nanggaling ang mensahe . Ang _____ ay naglalaman ng mga impormasyon ng isang indibidwal na naghahanap ng trabaho . Maituturing na isang marketing tool dahil ginagamit nito upang itanghal ang mga pagkilala na natamo ng indibidwal . Ito ay sulating naglalaman ng mga pinaninindigang palagay o saloobin patungkol sa mahalagang isyung kinakaharap ng iba’t ibang larangan .

Filipino sa Piling Larangan Akademik

Pagsulat ng Agenda at Katitikan ng Pulong

Mga Layunin Napaliliwanag ang kahulugan at ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng agenda. Naibabahagi ang kahulugan , kahalagahan , mga dapat isaalang-alang at istruktura ng katitikan ng pulong . Nakabubuo ng katitikan ng pulong mula sa nagawang agenda.

Pagsulat ng Agenda 01

Ang salitang agenda ay nagmula sa salitang Latin na agere na ang nangangahulugang gawin o dapat gawin . Ang   agenda  ay talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na pulong . Ano ang Agenda?

Sumusulat ng agenda upang bigyan ng impormasyon ang mga taong kasangkot sa mga temang pag-uusapan at sa mga usaping nangangailangan ng pansin at pagtugon .  Isinusulat ang agenda upang magkaroon ng gabay sa mga planadong pag-uusap o aktibidad sa tiyak na pulong . Ano ang Agenda?

Ginagawa rin ito upang magkaroon ng organisado at produktibong diskusyon sa kung anong dapat pag-usapan at gawin . Kinakailangang mapag-aralan ng mga kasangkot ang nakatala sa agenda upang magkaroon sila ng panahon na siyasatin ang nilalaman nito at makapagbigay pa ng mga mungkahi o ideya . Ano ang Agenda?

Nilalaman ng Agenda Mga Paksang Tatalakayin Mga taong tatalakay o magpapaliwanang ng paksa . Oras na itinakda para sa bawat paksa . Mga Kasangkot sa pagbuo Mga opisyal kabilang ang kalihim .

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Agenda Sumulat kaagad ng agenda upang magkaroon na ng mga tala sa mga tiyak ng mga dapat pag-usapan sa darating na pagpupulong . Kapag nagkaroon na ng tiyak na panahon at lugar ang pagpupulong ay ikonsidera na ang mga dapat isama o hindi dapat isama sa agenda. Iwasan ang paglalagay ng napakaraming tala sa agenda kung hindi kakayanin ng itinakdang limitadong oras . Magbubunga ito ng pagkabagot sa mga kasamahan sa pulong at magiging hindi ito magiging makabuluhan kung maraming nakasingit na agenda na hindi naman kapaki-pakinabang .

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Agenda Maglaan lamang ng sapat na oras sa bawat paksang isinulat mula sa agenda. Gumawa ng isang magandang pormat ng agenda para sa maayos na pagpresenta nito sa mga taong sangkot sa itinakdang pulong .

Halimbawa ng isang Agenda PETSA: Hulyo 25, 2016 PARA SA : LAHAT NG KAGURUAN NG SEKONDARYANG PAARALAN NG JUAN DELA CRUZ PAKSA: BUWANANG PULONG MULA KAY : DR. ALMA G. SANTOS Punongguro Ipinababatid sa lahat ng guro ng bawat departamento na magkakaroon ng pulong sa ika-29 ng Hulyo sa ganap na 8:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga sa Science Laboratory. AGENDA: 1. Pasimula 2. Pagrebyu , pagsang-ayon at pagbibigay-pansin sa mga isyu sa nakaraang katitikan ng pulong 3. Pagtalakay sa bagong labas na memo ng DepEd 4. Mga impormasyon sa pagsusulit 5. Pagpaplano sa mga dapat gawin sa darating na pagdiriwang ng ika-20 pagkakatatag ng paaralan a. Booth b. Palaro c. Fund raising para sa tulong na maibibigay sa nasalanta ng bagyo d. Mga paligsahan 6. Iba pang paksang mapag-uusapan sa pulong 7. Petsa ng susunod na pulong ( Agosto 9, 2016)

Pagsulat ng Katitikan ng Pulong 02

Katitikan ng Pulong Ang katitikan ng pulong ay tinatawag na minutes of the meeting sa wikang Ingles. Nabubuo ang isang katitikan ng pulong kapag isinusulat ng kalihim ang mga nagaganap sa isang pulong . Ang ginawang adyenda ng isang pinuno o Tagapangulo ng isang kawani o lupon ay ang batayan ng katitikan . Maaari rin namang magtalakay ng iba pang bagay sa susunod na pulong kung mababanggit at ilalagay sa katitikan .

Balangkas ng Katitikan ng Pulong KATITIKAN NG PULONG PAGBUBUKAS NG KAPULUNGAN Petsa , oras at lugar kung saan ginawa ang pagpupulong b. Taong namuno sa pulong c. Talaan ng mga nagsidalo sa pulong d. Adyenda ng kapulungan / paksa na tatalakayin sa pulong II. PAGLALAHAD NG MGA TINALAKAY SA PULONG AYON SA ADYENDA Paglalahad ng mga tinalakay 1. Mga napagkasunduan 2. Mga hindi napagkasunduan b. Mga insidente sa pulong na may kaugnayan sa pagpupulong III. PAGTITINDIG NG KAPULUNGAN Oras ng pagtatapos ng pulong b. Lagda ng kalihim na gumawa ng katitikan

Anong pinauunlad ng pagsulat ng katitikan ng pulong sa mag-aaral na tulad mo? Ipaliwanag .

GAWAIN Magkakaroon ng pagpupulong sa susunod na linggo at ikaw ang naatasang mamumuno nito . Bilang paghahanda , kailangan mong gumawa ng agenda batay sa isa sa sumusunod na sitwasyon .
Tags