_Akademikong_Pagsulat_Abstrak powerpoint presentation

mediatrixtrinidad1 2 views 16 slides Aug 31, 2025
Slide 1
Slide 1 of 16
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16

About This Presentation

Leksyon para sa asignaturang Filipino


Slide Content

ABSTRAK NA PAGSULAT

Ang Kahulugan ng Abstrak Ang Abstrak , mula sa Latin na abstracum , ay ang maikling buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago ang introduksiyon . Ito ang siksik na bersiyon ng mismong papel . Laman ng abstrak ang layunin , metodolohiya at resulta ng pag-aaral .

KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK Abstrak Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaanan ng mga batang ina sa anin na aspeto : emosyonal , espiritwal , mental, pinansyal , relasyonal , at sosyal . Ang sinabing pananaliksik ay sumailalim sa quantitative method at ginamitan ng non-random convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience.”

Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpu’t lima (35) na batang ina na may edad na labindalawa hanggang labingwalo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag igrinupo ang pagkakakilanlan ; kung ito ay tumigil o ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.

May dalawang uri ng abstrak : Deskriptibo Impormatibo

Deskriptibong Abstrak Impormatibong Abstrak Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng papel . Nakapaloob dito ang kaligiran , layunin , at tuon ng papel o artikulo . Kung ito ay papel – pananaliksik , hindi na isinasama ang pamamaraang ginamit , kinalabasan ng pag-aaral at konklusyon . Mas karaniwan itong ginagamit sa mga papel sa humanidades at agham panlipunan , at sa mga sanaysay sa sikolohiya . Ipinahahayag nito sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng papel . Binubuod dito ang kaligiran , layunin , tuon , metodolohiya , resulta at konklusyon ng papel . Maikli ito , karaniwang 10% ng haba ng buong papel at isang talata lamang . Mas karaniwan itong ginagamit sa larangan ng agham at inhinyeriya o sa ulat ng mga pag-aaral sa sikolohiya .

Kalikasan at bahagi ng abstrak Sa kabila ng kaiksian ng abstrak , kailangang makapagbigay pa rin ito ng sapat na deskripsiyon o impormasyon tungkol sa laman ng papel .

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak Basahing muli ang buong papel . Habang nagbabasa , isaalang-alang ang gagawing abstrak . Hanapin ang mga bahaging ito : Layunin , pamamaraan , sakop , resulta , kongklusyon , rekomendasyon , o iba pang bahaging kailangan sa uri ng abstrak na isusulat .

Isulat ang unang draft ng papel . Huwag kopyahin ang mga pangungusap . Ilahad ang mga impormasyon gamit ang sariling salita .

Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan sa organisasyon at ugnayan ng mga salita o pangungusap , tanggalin ang mga hindi na kailangang impormasyon , magdagdag ng mahahalagang impormasyon , tiyakin ang ekonomiya ng mga salita at iwasto ang mga maling grammar at mekaniks .

I-proofread ang pinal na kopya .

Ayon kay Philip Koopman (1997) sa kanyang aklat na How to Write an Abstract, taglay ng abstrak ang mga sumusunod : - Introduksiyon - Saklaw at limitasiyon - Metodolohiya - Resulta - Kongklusyon

Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak Binubuo ng 200-250 salita

Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na nakatatayo sa sarili nito bilang isang yunit ng impormasyon . Kompleto ang mga bahagi

Walang impormasyon hindi nabanggit sa papel Nauunawaan ang pangkalahatang target ng mambabasa .

Takdang Aralin (1/2 Crosswise) Bakit mahalagang basahing muli ang buong papel bago isulat ang abstrak ? Ano ang kahalagahan ng pagrerebisa ng unang draft ng abstrak ?
Tags