AKADEMIKONG SULATIN (PAGSUSULAT NG ABSTRAK)

uwufurinadefontaineu 0 views 10 slides Oct 05, 2025
Slide 1
Slide 1 of 10
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10

About This Presentation

Ang mga uri at gamit ng abstak na sulatin.


Slide Content

PAGSULAT NG ABSTRAK

ABSTRAK???

ABSTRAK - mula sa salitang Latin na abstracus na nangangahulugang “ drawn away o extract from” (Harper 2016 ) - Sa modernong panahon at pag – aaral , ginagamit ang abstrak bilang buod ng mga akademikong sulatin na kadalasang makikita sa panimula o introdukasyon ng pag – aaral . - Ito ay naglalaman ng kaligiran ng pag – aaral , saklaw , pamamaraan na ginamit , resulta , at kongklusyon ( Koopman 1997)

Dalawang Uri ng Abstrak : Deskriptibo – inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng tekso . - Nakapaloob dito ang kaligiran , layunin , at tuon ng papel o artikulo . -Kung ito ay papel – pananaliksik , hindi na isinasama ang pamamaraang ginamit , kinalabasan ng pag-aaral at konklusyon . -Mas karaniwan itong ginagamit sa mga papel sa humanidades at agham panlipunan , at sa mga sanaysay sa sikolohiya .

Halimbawa : DESKRIPTIBONG ABSTRAK “Internship: Kwentong Loob ng Tagalabas ” Tinutukan sa pag – aaral na ito ang proseso ng paghahanap ng koneksyon ng medisina at panitikan kung saan ang proseso ng pagbuo at pagsulat ng piksyon ay ginagamit bilang pamalit sa dyornalistikong pananaliksik at pamamahayag . Sentral na paksa sa pag – aaral ang etika ng mga doktor na ginamit ng awtor bilang lunsaran ng mga kwento ng kaapihan , katiwalian , at korupsyon sa loob ng tipikal na ospital sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon . Sa ganitong sitwasyon ay sinubukan ng awtor ang pagtatampok sa Kulturang Pilipino, partikular na sa kaugaliang “ pakikipagkapwa – tao ” bilang suhestyong solusyon sa poblemang etikal na nabanggit . Sa nobela , isang doktora ang nagtapos ng kanyang internship sa pang gobyernong ospital na naging semi – private na. Kasabay rin ng trabaho niya ay ang pag – intindi sa lumalalang kondisyon ng kalusugan ng ama kung kaya mapipilitan siyang tumaliwas sa kanyang paniniwala upang maabot ang pangangailangan niyang personal. Sa kabila ng katotohanang hindi isang estudyante ng medisina ang awtor at ang kaalaman niya sa teknikal na bahagi ng panggagamot ay natutulad sa karaniwang tao , sinubukan ng awtor ang paggamit ng limitasyon bilang kalakasan upang ilapit sa karaniwang tao ang doktor at ipakita ang pagkatao nito na nakadarama parin ng lungkot , takot , kaapihan at nalalagay pa rin sa mga alanganing sitwasyon tulad ng pangangailangan ng kabuhayan . Bagaman isang sensitibong paksa ang etika ng mga doktor sa kasalukuyan , pinili pa rin nng awtor na suongin ang usapin na ito bilang pagsubok sa pagbibigay – pugay rin sa mga doktor na naniniwala pa rin sa pagiging una ng sinumpaang tungkulin higit sa lahat sa pamamagitan ng panitikan – ang itinuturing a katibayan ng kultura na yumayaman sa pagdaan ng panahon .

Dalawang Uri ng Abstrak : Impormatibo – Ipinapahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang punto ng teksto , nilalagom dito ang kaligiran , layunin , paksa , resulta , at kongklusyon ng papel . - Ipinahahayag nito sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng papel . - Binubuod dito ang kaligiran , layunin , tuon , metodolohiya , resulta at konklusyon ng papel . - Maikli ito , karaniwang 10% ng haba ng buong papel at isang talata lamang -Mas karaniwan itong ginagamit sa larangan ng agham at inhinyeriya o sa ulat ng mga pag-aaral sa sikolohiya .

Halimbawa : Impormatibong Abstrak “ Kasanayan sa pagsasalita ng mga mag- aaral sa ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija .” Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag- aaral sa ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija . Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag- aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento , pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo . Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag- aaral na mag- rebyu sa ika-apat na taon . Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag- aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo . Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag- aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “ Ang Pamana ” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento . Ang paksang “ Ang Pagtatapos ” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis ” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos . Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag- aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan , tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag- aaral .

Epekto ng Online Learning sa Akademikong Pagganap ng mga Mag- aaral sa Senior High School sa Panahon ng Pandemya Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang epekto ng online learning sa akademikong pagganap ng mga mag- aaral sa Senior High School sa lungsod ng Maynila sa panahon ng pandemya ng COVID-19. Gumamit ang mga mananaliksik ng deskriptibong metodolohiya at nagsagawa ng survey sa 200 piling mag- aaral mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan . Ipinakita sa resulta na 68% ng mga kalahok ay nakaranas ng kahirapan sa pag-aaral bunsod ng kakulangan sa internet at gadget. Gayundin , nakita na may pagbaba ng 12% sa kanilang pangkalahatang grado kung ikukumpara sa face-to-face na klase . Iminumungkahi ng pag-aaral ang pagbibigay ng mas malawak na suporta sa teknolohiya at mental health services para sa mga mag- aaral . Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng konkretong datos na maaaring gamitin ng mga guro at administrador ng paaralan sa pagbuo ng mas epektibong online learning strategies.

Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa Pagkatuto ng mga Mag- aaral sa Senior High School Tinutukoy sa pag-aaral na ito ang epekto ng makabagong teknolohiya sa proseso ng pagkatuto ng mga mag- aaral sa antas ng Senior High School. Inilahad ang mga pangunahing gamit ng teknolohiya sa loob at labas ng silid-aralan , at kung paano ito nakaaapekto sa akademikong pagganap at gawi ng mga estudyante . Tinalakay rin ang mga pananaw ng mga guro at mag- aaral hinggil sa kahalagahan at limitasyon ng teknolohiya bilang kasangkapan sa edukasyon . Ginamit ang deskriptibong metodo ng pananaliksik at nakalap ang datos sa pamamagitan ng survey at panayam . Sa kabuuan , inilalarawan ng pag-aaral ang kasalukuyang kalagayan ng paggamit ng teknolohiya sa edukasyon , gayundin ang mga posibleng rekomendasyon upang mapahusay ang integrasyon nito sa pagtuturo .

Mga hakbang na dapat sundin sa Pagsulat ng isang Abstrak : 1. Manaliksik sa internet ng mga papel 2. Basahin nang may lubos na pag – unawa ang buong papel . 3. Siyasatin kung lahat ng mga bahaging binanggit ay nakaugnay sa tema ng paksa ( pamagat ) 4. Siyasatin din kung ang mga nakalagay na pangalan sa bibliyograpiya ay nagamit sa pagpapatibay ng mga pahayag . 5. Sa pagsulat ng abstrak ng papel – pananaliksik , mahalagang lagumin lamang ang pinapaksa nito mula sa naging kahalalgahan at implikasyon ng pag – aaral . 6. Kailangan na ang abstrak na isinusulat ay binubuo lamang ng 200 hanggang 500 na salita .