Alamat ng Unggoy Filipino Literature Grade 4

arandaysraeli 53 views 3 slides Sep 15, 2025
Slide 1
Slide 1 of 3
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3

About This Presentation

Literatura sa Filipino


Slide Content

Pag- unawa sa Kwento Sino si Lolo Berto? Anong ugali niya ang ipinakita sa simula ng kwento ? Ano ang ginawa niya nang may batang humingi ng saging ? Sino ang lumitaw matapos siyang magalit at magsalita laban sa iba ? Ano ang naging parusa ng diwata kay Lolo Berto? Bakit naging unggoy si Lolo Berto? Ubod ng sakim Sinigawan ang bata. Hindi nya ito binigyan . Diwata Unggoy

ALAMAT NG UNGGOY Isang Alamat mula sa Pilipinas Noong unang panahon , sa isang malayong kagubatan sa kabundukan ng Sierra Madre, may isang matandang lalaki na ubod ng sakim . Ang pangalan niya ay Lolo Berto. Mayroon siyang malawak na taniman ng saging na hindi niya pinapahintulutang lapitan ninuman . Kahit ang mga gutom na hayop at mga batang nanghihingi ay pinalalayas niya . Isang araw , may isang batang lalaki ang dumaan sa kanyang taniman . Gutom na gutom ito at nagpaalam na kukuha lamang ng isang piling saging . Ngunit sa halip na kaawaan , sinigawan ito ni Lolo Berto at hinabol pa gamit ang kanyang tungkod . Sa galit niya , sinigawan niya ang langit : “Ako lamang ang may karapatang kumain ng mga saging na ito ! Wala nang iba !” Biglang dumilim ang langit . Kumulog , kumidlat , at isang matandang diwata ang lumitaw sa gitna ng ulap . “Lolo Berto,” anang diwata , “Dahil sa iyong kasakiman , parurusahan ka. Mula ngayon , hindi ka na magiging tao . Ika’y magiging hayop na mamumuhay sa puno at kakain ng saging magpakailanman !” Nagulat si Lolo Berto. Naramdaman niya ang kanyang katawan ay unti-unting nabalutan ng balahibo . Ang kanyang mukha ay humaba , at ang kanyang mga kamay at paa ay naging mahahaba rin . Siya’y naging isang unggoy . Mula noon, ang mga unggoy ay kilala sa pagiging matakaw sa saging , at sa pagkakapit sa mga puno — alaala ng isang matandang naging sakim .

Masusing Pag- iisip Anong aral ang natutunan mo mula sa alamat ? 2. Paano mo ilalarawan ang ugali ni Lolo Berto gamit ang dalawang salita ? 3. Kung ikaw ang diwata , paparusahan mo rin ba si Lolo Berto? Bakit o bakit hindi ? 4.Kung ikaw ay may sobrang pera at may lumapit na nagugutom , ano ang gagawin mo ? Commute Huwag magiging sakim Tiffany: Oo. Paparusahan / Kasi siya ay hindi marunong gumalang Kailee: Oo. Paparusahan / Dahil siya ay bastos
Tags