Talakayin ang kahulugan sa pag-aaral ng Diskurso Ang diskurso ayon kay Mildrood (2002) ito ay tumutukoy sa kinagisnang paraan ng pakikipagtalastasan gayun din naman sa malalim na pagtingin sa mga ideyang nilalahad . sabi naman ng Webster’s New World Dictionary (1995) ay isang pormal na pagtatalakay sa isang paksa , pasulat man o pasalita , sa madaling sabi ito ay pakikipagtalastasan , pakikipag-usap o anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa . * Kung gayon , ang kahulugan ng pag-aaral ng diskurso ay binibigyang tuon dito kung papaano ang pormal na ginagamit ang wika sa isang kumbersasyon , pagbibigay pamantayan , panuntunan o batas sa pormal na pagpapahayag ng ideya sa partikular na paksa o usapin .
Hindi lamang natatapos ito sa mababaw na pag-unawa sa mensahe bagkus at tumimbang ng isang ideya na mas Pulido at kritika sa paraang , sa pag sasaalang-alang ng mga salik ng komunikasyon na nakapagpapabago ng kahulugan ng mensahe . Halimbawa sa pasalita , tono , tinig,diin at marami pang iba pasulat man o pasalita maaaring makahayag ang sinumang may punto de bista sa isang usapin . * Ang kahulugan din ng pag-aaral ng diskurso ay naka angkla ito sa sistematikong pagpapalitan ng kombersasyon o pahayag hinggil sa napapanahon at pormal na usapin .
Ano nga ba ang analisis na Diskurso ? Ang Diskors analisis ay ang pag unawa sa pangunahing istruktura ng isang kontrobersyal na interaksyon o masusing paglalarawan ng kumbersasyon
Ang Diskors Analisis ay pag aaral sa Diskurso . Ito ay ang pag unawa sa pangunahing istruktura ng isang kontrobersyal na interaksyon O masusing paglalarawan ng kombersyon . Nangangahulugang isang particular na yunit ng wika / linggwahe. Paraan ng mga pagsasalita ng mga tao
Ang ibig sabihin ang diskors analisis ay ang matinding pag unawa,pag intindi ng isang paksa binigyan din ng emphasis ng mga ispiker o partisipant ang kanilang punto de bista na maaaring makatutulong sa malalim na pagdalumat sa pinag - uusapan .