Ang Aking Pag-ibig at ang Guryon .pptx filipino 10-tulang pandamdamin at pangangaral
PINKYPALLAZA
0 views
15 slides
Oct 07, 2025
Slide 1 of 15
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
About This Presentation
mga akdang pampanitikan ng bansang kanluranin ang aking pag-ibif isang Tula na mula sa England salin sa filipino ni Alfonso O Santiago
Size: 55.11 KB
Language: none
Added: Oct 07, 2025
Slides: 15 pages
Slide Content
Ang Aking Pag-ibig Ni Elizabeth Barret Browning Salin sa Filipino ni Alfonso O Santiago
Ano ang mas mahalaga para sa iyo : ang ipakita ang pag-ibig sa pamamagitan ng salita , o sa gawa ? Bakit iyon ang pipiliin mo ?”
Ang Aking Pag-ibig Ni Elizabeth Barret Browning Salin sa Filipino ni Alfonso O Santiago
Ibig mong mabatid , ibig mong malaman Kung paano kita pinakamamahal ? Tuturan kong lahat ang mga paraan , Iisa-isahin , ikaw ang bumilang .
Iniibig kita nang buong taimtim , Sa tayog at saklaw ay walang kahambing , Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin .
Yaring pag-ibig ko’y katugon , kabagay Ng kailangan mong kaliit-liitan , Laging nakahandang pag-utus-utusan , Maging sa liwanag , maging sa karimlan .
Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi , Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri .
Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin , Tulad ng lumbay kong di makayang bathin Noong ako’y isang musmos pa sa turing Na ang pananalig ay di masusupil .
Yaring pag-ibig ko , ang nakakabagay Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal, Na nang mangawala ay parang nanamlay Sa pagkabigo ko at panghihinayang .
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na , Ngiti , luha , buhay at aking hininga ! At kung sa Diyos naman na ipagtalaga Malibing ma’y lalong iibigin kita
Tanong : Batay sa tula , paano ipinakita ng makata ang masidhing pagmamahal ? Anong uri ng pag-ibig ang tinutukoy ng may- akda sa tula ? Ano ang bunga ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig ? Naging masaya ba ang buhay pag-ibig ng karakter sa tula ? Sa iyong palagay , ano ang naging epekto ng karanasan ng makata sa paglikha ng tula ?
Ano ang tula ? Ang tula ay isang anyo ng panitikan na gumagamit ng masining na mga salita , talinghaga , at matatalinghagang pahayag upang maipahayag ang damdamin , kaisipan , karanasan , o pangarap ng makata .
Elemento ng Tula Sukat - tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong , Pantig – ang paraan ng pagbasa Saknong - tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming taludtod
Mga uri ng Tayutay Pagtutulad o simile- isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian . Ito’y ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang , kawangis ng, anaki’y , animo at iba pa. Pagwawangis o metapora - naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing . Pagmamalabis o hyperbole- pagpapalabis sa normal upang bigyan ng kaigtingan ang nais ipahayag . Pagtatao o personipikasyon - paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay .