ANG AKING PAG-IBIG Tulang Pandamdamin mula sa England Isinalin sa Filipino Alfonso O. Santiago Mula sa Ingles na “How Do I Love Thee” Sonnet 43 ni Elizabeth Barrett Browning) 10 /08/2025
MGA GABAY NA TANONG: Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tula? Batay sa tula, ano ang magiging bunga ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig? Paano naipamalas ng may-akda ang masidhing pagmamahal?
ANG AKING PAG-IBIG Ibig mong mabatid, ibig mong malaman Kung paano kita pinakamamahal? Tuturan kong lahat ang mga paraan, Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
ANG AKING PAG-IBIG Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaway walang kahambing, Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
ANG AKING PAG-IBIG Yaring pag-ibig ko’y katugon,kabagay Ng kailangan mong kaliit-liitan, Laging nakahandang pag-utus-utusan, Maging sa liwanag,maging sa karimlan.
ANG AKING PAG-IBIG Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri.
ANG AKING PAG-IBIG Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin, Tulad ng lumbay kong di makayang bathin Noong ako’y isang musmos pa sa turing Na ang pananalig ay di masusupil.
ANG AKING PAG-IBIG Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay Ay ang pag-ibigko sa maraming banal, Na nang mangawala ay parang nanamlay Sa pagkabigo ko at panghihinayang.
ANG AKING PAG-IBIG Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na, Ngiti, luha, buhay at aking hininga! At kung sa Diyos naman na ipagtalaga Malibing ma’y lalong iibigin kita.
MGA GABAY NA TANONG: Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tula? Batay sa tula, ano ang magiging bunga ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig? Paano naipamalas ng may-akda ang masidhing pagmamahal?
TULA Isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin
MGA ELEMENTO NG TULA A. Sukat - tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa. Hal: Isda ko sa Mariveles – 8 pantig
MGA ELEMENTO NG TULA A. Sukat Mga Uri ng Sukat 1.Wawaluhin – Isda ko sa Mariveles Nasa loob ang kaliskis
MGA ELEMENTO NG TULA A. Sukat Mga Uri ng Sukat 2. Lalabindalawahin- Hal: Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad Sa bait at muni, sa hatol ay salat
MGA ELEMENTO NG TULA A. Sukat Mga Uri ng Sukat 3.Lalabing-animin Hal: Sari-saring bunangkahoy, hinog na at matatamis Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
MGA ELEMENTO NG TULA A. Sukat Mga Uri ng Sukat 4. Lalabingwaluhin Hal: Tumutubong mga palay, gulay at maraming mga bagay Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay
MGA ELEMENTO NG TULA B. Saknong – Isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya ( taludtod ) 2 linya (couplet) 6 linya – sestet 3 linya - tercet 7 linya - septet 4 linya -quatrain 8 linya - octave 5 linya - quintet
MGA ELEMENTO NG TULA C. Tugma -nagsisilbing pagsasama-sama ng mga salita na may katulad na tunog sa dulo ng mga taludtod.
MGA ELEMENTO NG TULA D. Talinghaga- isang anyo ng pagsasalita na nagbibigay ng malalim na kahulugan sa pamamagitan ng paggamit ng mga simbolismo at di-tuwirang pagpapahayag.