Ang Kilusang Nagbigay Daan sa Pagpukaw ng Damdaming Nasyonalismo o Makabayan
ValerieMaeGarcia
11 views
24 slides
Sep 01, 2025
Slide 1 of 24
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
About This Presentation
Mga pilipinong nag tulong tulong para sa pilipinas at kalayaan nito
Size: 49.31 MB
Language: none
Added: Sep 01, 2025
Slides: 24 pages
Slide Content
Ang Kilusang Nagbigay Daan sa Pagpukaw ng Damdaming Nasyonalismo o Makabayan Ang pagbitay sa GOMBURZA ay nagpasidhi ng damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Hinangad nila ang pagkakaroon ng reporma o pagbabago sa katayuan nila sa lipunan . Nagtatag sila ng mga kilusan upang maisakatuparan ang mga ito .
Itinatag ang Kilusang Propaganda noong 1882 at naitatag naman ang Kilusang Katipunan o Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan noong Hulyo 7, 1892.
Kilusang Propaganda Kilusang Katipunan Layunin • Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas • Magkaroon ng representasyon sa Cortes • Sekularisasyong pantay na karapatan • Kalayaan sa pagsasalita at pamamahayag •Kalayaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng rebolusyon
Kilusang Propaganda Kilusang Katipunan Mga Lider • Graciano Lopez Jaena • Jose P. Rizal • Marcelo H. Del Pilar •Andres Bonifacio •Emilio Jacinto
Ang mga kasapi sa Kilusang Propaganda ay tinawag na propagandista . Sila ay matatapang na sumulat ng mga artikulong naglalaman ng pang- aabuso ng mga Espanyol at ang kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino.
Si Graciano Lopez Jaena , ang unang punong patnugot ng La Solidaridad . Siya ay isang mahusay na manunulat . Sa kanyang Fray Botod , Esperanza at La Hija del Fraile ay tinuligsa niya ang katiwalian ng mga Prayle .
Si Jose Rizal naman ay gumamit ng pangalang Laong-Laan at Dimasalang sa kanyang pagsulat sa kilusan . Higit siyang nakilala sa kanyang dalawang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo . Tinuligsa niya ang katiwalian sa panahon ng Espanyol. Ang kanyang nobelang El Filibusterismo ay inihandog niya sa GOMBURZA .
Tinagurian namang pinakadakilang manunulat ng Kilusang Propaganda at isang mahusay na manananggol si Marcelo H. del Pilar . Binuksan niya ang isip ng mga Pilipinong magkaisa upang labanan ang pang- aaping ginawa ng mga Espanyol.
Binuo niya ang Diaryong Tagalog , isang pang- araw - araw na pahayagang tumutuligsa sa katiwalian ng mga Espanyol. Gumamit siya ng pangalang Plaridel sa kanyang pagsulat at nakilala sa mga akdang Dasalan at Tocsohan , Caiingat Cayo , at Sagot ng Espanya sa Hikbi ng Pilipinas .
Hanapin sa Hanay B ang sagot sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel . A _______1. Tawag sa mga miyembro ng Kilusang Propaganda.
_______2. Ginamit niya ang alyas na Plaridel sa kanyang pagsulat . _______3. Higit siyang nakilala sa pagsulat niya ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo _______4. Siya ang unang punong patnugot ng La Solidaridad
_______5. Binuong pahayagan ni Marcelo H. del Pilar upang tumuligsa ng mga Espanyol
B Jose P. Rizal B. Graciano Lopez Jaena C. Marcelo H. del Pilar D. Propagandista E. La Solidaridad F. Diaryong Tagalog
Si Andres Bonifacio ay tinawag na Ama o Supremo ng Katipunan . Sinulat niya ang Dekalago ng Katipunan na nagsilbing isa sa mga gabay at aral ng samahan . Naging gabay naman ng samahan ang Kartilya ng Katipunan na sinulat ni Emilio Jacinto . Kilala rin siya sa sagisag na Dimasilaw at Pingkian na naging “ Utak ng Katipunan ” at nagsilbing tagapayo ng samahan .
Ang pagkatatag ng Katipunan ay naging daan ng pagkabuo ng ganap sa damdaming nasyonalismo sa puso ng mga Pilipino. Napagkaisa ng samahan ang maraming bilang ng Pilipino mapababae man o lalaki na wakasan ang pamahalaang kolonyal at nagbigay sa ganap na kalayaan ng Pilipinas .
Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat ang mga sagot sa sagutang papel . Andres Bonifacio Katipunero Armas at itak Jose P. Rizal Kartilya ng Katipunan Emilio Jacinto
___1. Tawag sa mga miyembro ng Kilusang Katipunan. ___2. Tinaguriang Utak ng Katipunan. ___3. Siya ang tinawag na Ama o Supremo ng Katipunan. ___4. Naging gabay ng mga samahan ng katipunero .
___5. Ginamit ng mga katipunero para makipaglaban sa mga Espanyol.
Ang Kilusang Propaganda at Katipunan ay mga kilusan na binuo ng mga Pilipinong may nasyonalismong kaisipan . Binuo ito upang ipagtanggol ang bansa . Mayroon itong magkaibang pamamaraan ngunit parehas na nag- uugat sa pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino.
Ang Katipunan ay sinasabing pinakaunang paghihimagsik laban sa isang mananakop na bansa sa Asya . Ito ay nangangalap ng kasapi sa pamamagitan ng sistemang trianggulo . Mahigpit na pagpapatupad sa Kartilya ng Katipunan na nagsisilbing panuntunan ng mga katipunero .
Ang Kilusang Propaganda ay nabuo sa Barcelona, Espanya . Ito ay samahang itinatag ng mga ilustrado . Itinatag ito upang matamo ang pagbabago sa mapayapang pamamaraan . Nilalayon ng kilusang ito na humingi sa pamahalaang Kastila ng mga reporma sa mapayapang pamamaraan .