ANG-KILUSANG-PROPAGANDA_KATIPUNAN-KKK.pptx

skywithit08 4 views 46 slides Sep 18, 2025
Slide 1
Slide 1 of 46
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46

About This Presentation

Propaganda at katipunan


Slide Content

ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN ( Unang Markahan – Modyul 2)

Ano-ano ang mga salik na nakapagpausbong sa Damdaming Nasyonalismo ng mga Pilipino? KALIPI – IKALAWANG MARKAHAN TANONG:

1. Pagbukas ng Suez Canal 2. Pagpasok ng kaisipang liberal 3. Pag-usbong ng Panggitnang uri 4. Pag-aalasa sa Cavite noong 1872 5. Pagbitay sa tatlong paring martir MGA SALIK:

Suriin ang mga sumusunod na mga larawan at pangalanan ito. GAWAIN:

EMILIO JACINTO

MARCELO H. DEL PILAR

ANTONIO LUNA

JOSE RIZAL

ANDRES BONIFACIO

Ang Layunin at Resulta ng Pagkakatatag ng Kilusang Propaganda sa Paglinang ng Nasyonalismong Pilipino ARALIN 1:

- ay isang mapayapang kampanya para sa mga reporma sa pamamagitan ng talumpati at pamamahayag . KILUSANG PROPAGANDA

KILUSANG PROPAGANDA JOSE RIZAL MARCELO H. DEL PILAR GRACIANO LOPEZ-JAENA ANTONIO LUNA JUAN LUNA

KILUSANG PROPAGANDA MARIANO PONCE TRINIDAD H. PARDO DE TAVERA JOSE MARIA PANGANIBAN PEDRO PATERNO DOMINADOR GOMEZ

a. Matamo ang pantay-pantay na pagtrato sa mga Pilipino at Espanyol sa ilalim ng bansa b. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA

c. Pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Cortes ng Espanya d. Paglalagay ng mga paring sekular sa mga parokya e. Kalayaan sa pagsasalita at pamamahayag LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA

KILUSANG PROPAGANDA FERDINAND BLUMENTRITT MIGUEL MORAYTA Kaibigan ni Rizal Isang politikong Espanyol Tumulong sila sa paglilimbag ng pahayagang La Solidaridad na itinatag ni Lopez- Jaena

NOLI ME TANGERE EL FILIBUSTERISMO Tinalakay ng dalawang nobelang ito ang iba’t ibang kalagayan ng pamumuhay sa kolonya at sa uri ng pamamahala ng mga Espanyol La Liga Filipina samahang binuo ng Rizal noong ika-3 ng Hunyo 1892.

1. Mapagsama-sama ang mga Pilipino 2. Maipagsanggalang sila sa mga pang- aabuso at katiwalian ng mga Espanyol 3. Magsagawa ng reporma sa bansa 4. Mapabuti ang edukayon , pagsasaka , at kalakalan sa kolonya . ANG LA LIGA FILIPINA AY NAGLALAYONG:

Hindi man maituturing na matagumpay ang Kilusang Propaganda sa kahilingan nitong pagbabago sa pamahalaan dahil na rin sa kakulangan ng pagkakaisa . Napukaw naman nito ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino at nagbigay-saan ito sa pagbubuo ng isang lihim na kapisanang tinawag na Katipunan .

Ang Katipunan , mga Layunin at Resulta nito sa Paglinang ng Nasyonalismong Pilipino ARALIN 2:

ANDRES BONIFACIO Sa pamumuno niya ay naitatag ang Kataas-taasang , Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o KATIPUNAN noong Hulyo 7, 1892 sa 72 Kalye Azcarraga . Kinilala siya bilang Supremo ng Katipunan . ANG KATIPUNAN Ang mga kasapi sa samahang ito ay tinawag na Katipunero .

Sa bahay na ito sa 72 Kalye Azcarraga naitatag ang Kataas-taasang , Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o KATIPUNAN noong Hulyo 7, 1892. ANG KATIPUNAN

ANG KATIPUNAN VALENTIN DIAZ TEODORO PLATA LADISLAO DIWA DEODATO ARELLANO JOSE DIZON

1. Wakasan ang pananakop ng mga Espanyol sa pamamagitan ng lakas . 2. Pukawin ang damdaming makabansa at tubisin ang lahing Pilipino mula sa pang- aapi ng Espanya at kalupitan ng simbahan . LAYUNIN NG KATIPUNAN

EMILIO JACINTO Siya ang tinaguriang Utak ng Katipunan , siya ang tagapayo ni Andres Bonifacio . Siya rin ang patnugot ng pahayagan ng samhan na Kalayaan . ANG KATIPUNAN Silang dalawa ni Bonifacio ay sumulat ng mga artikulo upang makaakit ng marami pang kasapi . Higit dito layunin ng kanilang panulat na maitanim ang mga mithiin at aral ng Katipunan sa mga kasapi nito .

ANG KATIPUNAN Ito ang panimulang aklat ng Katipunan . ANG KARTILYA Sinulat ito ni Emilio Jacinto. May 13 artikulo itong inaasahang susundin ng mga Katipunero .

TATLONG ANTAS NG KATIPUNAN BAYANI Gumagamit ng hudyat na Rizal. KAWAL Gumagamit ng hudyat na Gomburza . KATIPON Gumagamit ng hudyat na Anak ng Bayan.

ANG KATIPUNAN Agosto 19, 1896 sa ganap na ika-6 ng gabi , nabunyag ang lihim na samahan . TEODORO PATIÑO PADRE MARIANO GIL Isiniwalat niya ang lihim ng Katipunan Nagawa niya iyon dahil sa payo ng madre at kanyang kapatid niyang nakatira sa Tahanan ng mga Ulila sa Mandaluyong . Itinuro ni Patiño ang imprenta ng mga Katipunero na nasa tanggapan ng Diario de Manila.

Sa pagsiklab ng digmaan , marami sa mga Pilipino ang sumapi sa Katipunan . Pilit mang sinusupil ng mga espanyol ang pagsali ng mga Pilipino sa samahan , lalo namang sumiklab ang damdaming makabayan ng mga mamamayan at unti-unti na naisasakatuparan ang mga layunin ng Katipunan . ANG KATIPUNAN Dahil sa pangyayaring ito napilitan ang mga Katipunero na simulan na ang paglaban sa mga mananakop kahit hindi pa ito handa sa labanan .

Mga Mahahalagang Petsa Hulyo 3, 1892- Naitatag ang La Liga Filipina Hulyo 7, 1892- Naitatag ang Katipunan Agosto 19, 1896- Pagkakatuklas sa Katipunan Agosto 23, 1896- Pagsisimula ng Rebolusyon Disyembre 30, 1896- Pag-baril kay Dr. Jose Rizal March 22, 1897- Kumbensiyon sa Tejeros Abril 28, 1897- Pagdakip kay Bonifacio

Mga Mahahalagang Petsa Mayo 10, 1897- Pagpaslang kay Bonifacio Mayo 17, 1897- Paglalabas ng Amnestiya Hunyo 24, 1897- Pag-tungo ng mga tauhan ni Aguinaldo sa Biak- na - bato Nobyembre 1, 1897- Naitatag ang pamahalaan ng Biak- na - bato Disyembre 23, 1897- Pag-alis ni Aguinaldo sa Pilipinas patungong Hongkong Pebrero 15, 1898- Pagsabog ng USS Maine ng Estados Unidos

Mga Mahahalagang Petsa Abril 21, 1898- Digmaang Espanyol - Amerikano Mayo 1, 1898- Pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas Mayo 19, 1898- Pagbabalik ni Aguinaldo sa Pilipinas Mayo 28, 1898- Labanan sa Alapan , Imus Cavite Hunyo 12, 1898- Pagdeklara ng Kalayaan ng Pilipinas sa Kawit Cavite Agosto 13, 1898- Mock Battle of Manila Bay Disyembre 10, 1898- Kasunduan sa Paris Pebrero 4, 1899- Pagsisimula ng digmaang Pilipino- Amerikano

Ano ang kilusang propaganda? TANONG:

Sino- sino ang nangunguna sa pagtatag ng Katipunan ? TANONG:

Ano ang layunin ng Kilusang Katipunan ? TANONG:

Bakit napilitan ang mga Katipunero na simulan na ang paglaban sa mga Espanyol ? TANONG:

GAWAIN A: Isulat ang T kung ang pahayag ay totoo tungkol sa layunin at pagkakatatag ng Kilusang Propaganda at W kung ito ay walang katotohanan . Isulat ang sagot sa sagutang-papel .

1. Ang mga Ilustrado ay hindi nakatulong sa labang pangkalayaan ng Pilipinas. 2. Nagtagumpay ang mga repormistang makamit ang kanilang layuning maging probinsiya ng Espanya ang Pilipinas sa madaling paraan .

3. Gawing lalawigan ng Espaňa ang Pilipinas, ang isa sa layunin ng Kilusang Propaganda. 4. Ang paglabag sa karapatang pantao ay isa sa mga suliranin na nais masolusyunan ng Kilusang Propaganda.

5. Ang La Solidaridad ay ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda. 6. Nagtagumpay ang mga repormista na makamit ang hinihiling na pagbabago . 7. Hiniling ng mga repormista na maging pantay ang mga Pilipino at Español sa ilalim ng batas.

8. Ilan sa mga ginamit na paraan ng mga repormista upang makamit ang pagbabagong hinihiling ay ang pagsusulat ng nobela , tula at mga aklat . 9. Ang La Liga Filipina ay isa sa kilusang naglayong makamit ang pagbabago sa pamamahala ng mga Español . 10. Walang naitulong ang Kilusang Propaganda sa pagsibol ng nasyonalismong Pilipino.

GAWAIN B: Kunin sa loob ng kahon ang sagot sa sumusunod na pangungusap o pahayag . Isulat ang sagot sa sagutang-papel .
Tags