BALIK-ARAL 1. Ito ay kalagayang nagpapakita ng kaliwanagan at kaluwalhatian . 2. Ito ay pera o ari-arian na ipinagkakaloob sa pamilya ng mapapangasawa .
BALIK-ARAL 3. Ito ay pagkakaroon ng asawang lalaki ng iba pang babae , liban sa kanyang asawa . 4. Ang pagtalon ng balong babae sa funeral pyre o apoy na sumusunog sa labi ng kanyang asawa 5. Ito ay Sadyang pagkitil sa buhay ng mga sanggol na babae
BALIK-ARAL 6. Ito ay Sadyang pagbali sa arko ng paa upang hindi lumaking normal na isinagawa sa sinaunang kababaihan sa China. 7. Ano ang tawag sa Tawag sa kaugalian ng pagtatakip sa katawan , mukha at buhok ng mga kababaihang Muslim. 8. Isang damit na maluwag na may kasamang belo na isinusuot ng mga kababaihang Muslim.
BALIK-ARAL 9. Sa probisyon ng batas na ito ang mga babae ay itinuturing na bagay na maaaring ikalakal . 10. Isang napakahalagang papel na ginagampanan ng mga sinaunang kababaihan sa Asya .
UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA (16-17 SIGLO)
MGA LAYUNIN Naipapaliwanag ang kahulogan ng Kolonyalismo at Imperyalismo . Natatalakay ang ugnayan ng Asya at Europe bago nag simula ang kolonyalismo at imperyalismo Natutukoy ang mga ruta ng kalakalan bago ang pagtuklas at pananakop ng bansang Europeo .
HULA RAWAN PANUTO: Suriin ang mga larawan na ipinapakita ng guro . Ang unang makakuha ng sagot ay siyang may puntos.
MAPA HULA RAWAN
RUTA HULA RAWAN
BARTER HULA RAWAN
KALAKALAN HULA RAWAN
KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO HULA RAWAN
UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA (16-17 SIGLO)
Bago ang pagtuklas at pananakop may ugnayan ng nagaganap sa mga Europeo at mga Asyano . Nagsimula ang ugnayang ito sa pamamagitan ng palitan ng kalakal sa mga Asyano at Europeong mangangalakal .
Ang pinakatagpuan nila ay nagaganap sa tatlong pangunahing ruta ng kalakan sa Asya . Una , ang Hilagang ruta , na nagpapasimula sa China at tatawid sa lungsod ng Samarkand at Bokhara.
PANGALAWANG RUTA Ang Gitnang Ruta , na papunta sa baybayin ng Syria at dadaan sa Golpo ng Persia
IKATLONG RUTA Ang huli ay ang Timog Ruta na maglalayag mula sa India babagtasin ang Karagatang Indian hanggang sa makarating ng Egypt sa pamamagitan ng Red Sea.
Mga kalakal na nanggagaling sa Asya na pumapasok sa Europe ang tanging pamilyar lamang sa mga Europeo .
Ang lugar sa Asya na pinanggagalingan ng kalakal ay hindi pa napupuntahan ng mga Europeo , at ang palitan ng kalakal ng mga Europeo at mga Asyano ay hindi pa ganoon kasigla .
Dumating ang panahon na ang ruta ng kalakalan na nag- uugnay sa mga mangangalakal na Asyano at Europeo ay sinakop ng naghaharing Turkong Ottoman.
Nang sinakop ito ng mga Turkong Ottoman tanging ang mga Italyanong mangangalakal ang pinayagan na makadaan at makipag-ugnayan sa mga mangangalakal na Asyano .
GAWAIN III HISTORIAN THE EXPLORER!
Panuto : Tukuyin ang mga ruta ng kalakalan ng Asyano at Europeo bago nag simula ang kolonyalismo at imperyalismo
MGA TANONG Ano ang ibig sabihin ng kolonyalismo at imperyalismo ? Ano ang tatlong ruta ng kalakalan na naging pinakatagpuan ng Asyano at Europeo Sino ang nagsakop sa ruta ng kalakalan ng mga Asyano at Europeo ?
MGA TANONG Ano ang naging epekto ng pagsakop ng torkong ottoman sa ruta ng kalakalan ng mga europeo ? Paano nagkaroon ng ugnayan ang bansang Asyano at Europeo ?
MGA TANONG Bilang isang mag- aaral nakakabuti ba sa mga Europeo ang pananakop ng turkong ottoman? Ipaliwanag . Ano ang mga natutunan mo sa ting aralin ngayon ?
PAGSUSULIT Ano ang tatlong ruta ng kalakalan na naging pinakatagpuan ng Asyano at Europeo Sino ang nagsakop sa ruta ng kalakalan ng mga Asyano at Europeo ? Ano ang ibig sabihin ng kolonyalismo at imperyalismo ?