DAILY LESSON LOG
(Pang-araw-araw na Tala sa pagtuturo sa
(ARALING PANLIPUNAN Grade 8)
Paaralan:
Mystical Rose
College of Science
and Technology
Buwan ng:October
Guro: Joshua D. VejanoAsignatura:
Aralin
Panlipunan
Petsa Markahan:
Unang
Markahan
I. LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay may pag unawa sa:
Sa epekto ng Krusada sa Komersiyo, Politikal/ Piyudilismo at Pag
galugad
B.Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag aaral ay:
Nakabubuo ng
Mga Layunin Natatalakay ang kahulugan ng Krusada.
Naipapakita ang epekto ng Krusada noong unang panahon
Nakakagawa ng
II. PAKSANG ARALIN Ang Krusada
III. KAGAMITANG PANTURO
A.Sanggunian Project Ease Modyul 9
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa kagamitang pang-mag-
aaral
SINAG
Kasaysayan ng Daigdig
3. Mga pahina sa Teksbuk GLENDA S. LUNA
ARALING PANLIPUNAN 8 KASAYSAYAN NG DAIGIDG
pp. 151-153
4. Karagdagang kagamitan mula sa Portal
ng Learning Resource
B. Iba pang kagamitang Panturo Powerpoint presentation
Laptop
Pisara at tsok
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang gawain Panalangin
Pagbati
Panuntunan
Pagtataya ng lumiban
B. Balik aral sa nakaraang aralin/pagbubukas
ng bagong aralin
Bagong aralin:
1.Ano ang inyong rehiyon?
2.Sa inyong palagay gaano karami ang relihiyon sa buong
mundo?
3.Mahalaga bang igalang relihiyon ng bawat isa?
C. Paghahabi ng layunin sa aralin
Gawain 1: “IKAW ANG BUBUO SAAKIN?”
Panuto: Papangkatin ng guro ang klase sa dalawa, ang pangkat
A at ang pangkat B. Ang dalawang grupo ay maguunahang
buoin ang jumbled letter at jumbled pictures. Ang grupo na
maunang makakabuo sa loob lamang ng limang minuto ang
siyang mag wawagi.
D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong
aralin.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napansin sa salita at larawang nabuo?
2. Ano ang kugnayan nito sa ating buhay?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan.
Intensibong pagtalakay sa Krusada at Epekto nito
ANG KRUSADA
Ang krusada ay isang serye ng digmaan noong panahong
Medyibalkung kailan hinangad ng mg aKristiyano ng Europa
na muling mabawi ang pagkontrol sa Jerusalem, Palestine
mula sa mga muslim sa mga Seljuk Turk.
Ang Jerusalem ay mahalaga sa mga Hudyo sa dahilang dito
matatagpuan ang orihinal na templong itinatag ni Haring
Solomon.Ito ay mahalaga rin sa mga muslim sa dahilang
pinapaniwalaan nilang dito nagmula si Muhammad nang ito
ay umakyat sa kalangitan. At higit sa lahat, mahalaga rin ito
sa mga kristiyano sa dahilang dito ipinako sa krus at muling
nabuhay si Hesukristo.
Noong 1070 CE, ang mga Seljuk Turk, mga mandirigmang
pangkat ng Muslim mula sa Gitnang Asya, ay naging
makapangyarihan. Nasakop nila ang Palestine at pinahirapan
JERUSA
LEM
ang mga Kristiyano na naglakbay sa banal na kampana.
Ang Emperador ng Byzantine ay humingi ng tulong sa papa.
Nahikayat naman ni Papa Urban II ang mga Kristiyano mula
sa Kanluran Europa na magkaisa at makidigma sa mga
Turko noong 1095 CE.
May 30, 000 ang nakaiisa sa Unang Krusada na binubuo ng
mga kabalyero, magsasaka, at ibang mamamayan at
nagkaroo ng apat na mahahalaga at maliliit na krusada mula
1096- 1270, ang lahat ay bigong matamo ang pangunahing
layunin na bawiin ang banal na lupain.
Epekto ng Krusada
Sa Simbahan- Pinagyaman ng Krusada ang simbahan. Sanhi
nito, nakagawian na ng mga Kristiyano na kilalanin ang papa
bilang kanilang gabay at lider sa mahahalagang pangyayari.
Sa Komersiyo- Ang Krusada ay naging daan sa
pagkakaroon ng agarang pangangailangan ng
transaportasyon para sa mga Krusador at materyales na
kanilang bitbit sa kanilang pagbalik, na nagbigay-daan sa
paglinang ng mga barko.
Sa Politika/ Piyudalismo- Ang mga landlord at baron sa
Eropa ay nagsipagbenta ng kanilang ari-arian mamuno ng
Krusada.
Sa Paggalugad- Ang Krusada ay gumising sa inters at
kuryosidad ng mga manggagalugad na tumuklas ng iba pang
lupain lalo na sa Asya
Ano ang Krusada?
Paano nagkaroon ng epekto ang Krusada noong unang
panahon?
F. Paglalapat ng aralin sa Pang-araw-araw na
buhay
Bilang isang indibidwal paano napapahalagaan ang relihiyon mo?
G. Paglalahat ng aralin Gawain 2: Ano ang dahilan?
Panuto: Paghambingin ang Kristiyano at Muslim at isulat ang
kanilangan pagkakatulad kung bakit nais nilang mapasakanila
ang JERUSALEM at ibigay naman ang pagkakaiba.
H. Pagtataya sa aralin Gawain 3
Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang (2 points)
_______________1. Ang _________ ang pangkat ng mga mandirigmang
Muslim na sumakop sa Gitnang Silangan kabilang ang Palestine.
Pagkakatula
d
Pagkaka-iba Pagkaka-iba
Kristiyano Muslim
_______________2. Si ____________ ang nghikayat sa mga Kristiyanong
magsagawa ng Unang Krusada.
_______________3. Si ___________ang namuno sa pinaka bantog na
krusada.
_______________4.Ang _________ ay naging makapangyarihan nang
hindi na makabalik mula sa Krusada ang maraming landlord o baron.
_______________5. Ginising ng __________ ang interes at kuryosidad ng
mga manggagalugad na tumuklas ng ib pang lupain lalo na sa Asya.
.
I. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin
at remediation
Takdang Aralin:
Panuto: Ipaliwanag ang sanhi at epekto ng Krusada sa pamamagitan
ng pagsulat ng isang maikling sanaysay na binubuo ng isang talata.