Ang mga Uri ng Pabula
•Ayon kay Damiana L. Eugenio, ang pabula ay isang uri ng salaysay na
nauukol
sa mga hayop na nagtuturo ng aral na angkop sa sangkatauhan.
•Isa itong kuwentong piksiyon o kathang isip lamang
•Gaya ng ibang kuwentong bayan, naipasa-pasa ang mga pabula sa
bawat henerasyon sa pamamagitan ng tradisyong oral o pasalitang
pagkukuwento. Kalaunan, ang ilan sa mga pabulang ito ay naisulat na rin.
Dalawang uri ng pabula sa Pilipinas ayon kay Eugenio:
1. Mga pabula ng hayop
2. Mga pabula ng halaman
Mga Pabula ng Hayop
•Kinatatampukan ito ng mga hayop. Ito ang uring mas pamilyar sa atin.
Kabilang dito ang mga sumusunod.
A. Mga Pabula ni Aesop
Ito ang mga pabulang isinulat ng griyegong pinanga- lanang Aesop na
tinatayang nabuhay noong 620 BCE. Hindi malinaw kung totoo bang tao
isang pangalan lang na inimbento si Aesop upang may matukoy na
pinagmulan ng mga pabulang naipasa-pasa sa kasaysayan.
Ayon sa Encyclopedia Britannica sinasabi ni Herodotus na nabuhay raw
si Aesop noong ika-6 na siglo BCE bilang isang alipin.
• May nagsasabing isang alipin si Aesop sa isla ng Samos na nagtamo ng
kalayaan at pagkaraan ay naging tagasagot ng bugtong ni Haring
Lycurgus ng Babylonia.
• Ayon naman kay Plutarch, nagsilbi raw tagapayo si Aesop kay Croesus,
Hari ng Lydia.
• May mga nagsasabi ring si Aesop ay taga-Thrace, Phrygia, at Ethiopia.
Mga Kilalang Pabula ni Aesop:
1.Ang Kuneho at ang Pagong
2.Ang Langgam at ang Tipaklong
3.Ang Lalaking Sabi nang Sabi na “May Lobo”
Mga Pabula ni Aesop na isinalin sa katutubong wika:
1. Alimango at ang Kanyang Ina ng mga Tagalog
2. Ang Uwak at ang Gutom na Aso ng mga Pangasinense
3. Auac at Lamiran ng mga Pampango
4. Ang Palakang Humiling na Maging Sinlaki Siya ng Baka ng mga
Cebuano
B. Mga pabulang mistulang katutubo sa Pilipinas ngunit hindi
• Bukod sa pabula ni Aesop, ito ang mga pabulang nagmula sa ibang
bansa.
Maaaring akalaing katutubo ang mga pabulang ito sa atin dahil siguro sa
mga
elementong local ngunit ang totoo ay hindi.
1.Ang Kabayo at ang Kalabaw
2.Ang Kalabaw at ang Usa
1.Ang Kabayo at ang
Mga Pabula ni Aesop na isinalin sa
A. Mga pabula ni Aesop
•Bakit mabisa ang
•Ayon kay Damiana L. Eugenio, pabula ay isang uri ng salaysay na