Ang Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptx

maeflorarillo1 10 views 32 slides Sep 18, 2025
Slide 1
Slide 1 of 32
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32

About This Presentation

Filipino sa Piling Larang-Akademik


Slide Content

Ang Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Ang replektibong sanaysay a yon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat, ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa pagsasanay na may kinalaman sa pagsuri o pag- arok sa isip o damdamin (introspection).

Pagbabahagi ng mga bagay na nasa-isip, nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng dyurnal kung saan nangangailangan ito ng pagtatala ng mga kaisipan

at nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o pangyayari. Maihahalintulad din ito sa pagsulat ng mga academic portfolio kung saan nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may-akda

kung paano siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o pangyayaring binibigyang-pansin sa pagsulat.

Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at University of Akron, ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang karanasan o pangyayari.

Ibinabahagi ng sumulat ang kanyang mga natutuhan at kung paano ito gamitin sa buhay sa hinaharap o kaya naman ay kung paano pauunlarin ang mga kahinaan hinggil sa isang tiyak na aspekto ng buhay.

Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa personal na karanasan, malayang makapipili ng paksa o pangyayaring bibigyang-pansin sa pagsulat ang manunulat.

Narito ang halimbawa ng mga paksa na maaaring gawan ng replektibong sanaysay.

Librong katatapos lamang basahin, katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik, pagsali sa isang pansibikong gawain, praktikum tungkol sa isang kurso, paglalakbay sa isang tiyak na lugar,

isyu sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot, isyung pambansa at politika, paglutas sa isang mabigat na suliranin, isang natatanging karanasan bilang mag-aaral, at marami pang iba.

Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay 1. Bumuo ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng replektibong sanaysay.

2. Gumamit ng unang panauhan ng panghalip tulad ng; ako, ko, at akin sapagkat ito ay nagpahiwatig ng personal na karanasan.

3. Mahalagang magtataglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naoobserbahan o katotohanang nabasa tungkol sa paksa nang sa gayon ay higit na mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito.

4. Pormal na salita ang gamitin sa pagsulat nito dahil kabilang ito sa akademikong sulatin.

5. G umamit ng tekstong naglalahad o ekspositori sa pagsulat nito. Gawin itong malinaw at madaling mauunawaan

sa pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa mga mambabasa.

6. Sundin ang mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, katawan, at kongklusyon.

7. Gawing Organisado at Lohikal ang pagkakasulat ng mga talata.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay Ang Replektibong Sanaysay ay dapat na magtaglay ng introduksiyon, katawan, at wakas o kongklusyon.

Sa pagsulat ng simula, maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa mga tanong na: ano, paano, at bakit. Matapos masagot ang mga tanong na ito, lagumin ang iyong mga sagot sa loob ng isang pangungusap.

Ito ang iyong magsisilbing tesis o pangunahing kaisipan na siyang magiging gabay sa iyong pagsulat ng replektibong sanaysay.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Introduksiyon : siguraduhing ito ay makapupukaw sa atensiyon ng mambabasa, maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan sa pagsulat ng mahusay.

G umamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao o q uotation , tanong, anekdota, karanasan, at iba pa. Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa

at layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing preview ng kabuuan ng sanaysay. Isulat lamang ito sa loob ng isang talata.

Sa pagsulat ng Katawan , dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula.

Ang mga bahagi ay mga obhetibong datos batay sa iyong naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang iyong ipaliliwanag at paggamit ng mga mapagkatiwalaang sanggunian

bilang karagdagang datos na magpapaliwanag sa paksa. Sa bahagi ring ito makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay- nilayan o mga tauhan, mga gintong aral at mga patotoo kung paano nakatutulong ang mga karanasang ito sa iyo.

Sa pagsulat naman ng Konklusyon , muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay. Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit

ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap. Bilang pagwawakas, maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na sila man magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan

o kaya naman ay mag- iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan. Tandaang ang replektibong sanaysay ay isang personal na pagtataya

tungkol sa isang paksa na maaring makapagdulot ng epekto o hindi sa iyong buhay o sa mga taong makababasa nito. Mula sa Pinagyamang Ailene Baisa – Julian at Nestor B. Lontoc
Tags