Ang Partisipasyon ng mga Kababihan sa Pakikibaka ng.pptx

cincheschona 0 views 29 slides Oct 05, 2025
Slide 1
Slide 1 of 29
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29

About This Presentation

Mga bayaning babae sa panahon ng pananakop na may malaking kontribusyon sa ating kalayaan.


Slide Content

Ama namin , sumasalangit Ka Sambahin ang ngalan Mo Mapasaamin ang kaharian Mo Sundin ang loob Mo Dito sa lupa , para nang sa langit . Bigyan Mo kami ngayon g aming kakanin sa araw-araw . At patawarin Mo ang aming mga sala, Para ng pagpapatawad namin Sa mga nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso , At iadya Mo kami sa lahat ng masama . Sapagkat Iyo ang kaharian , at kapangyarihan , At ang kadakilaan , magpakailanman . Amen.

kababaihan

Bayani

Pilipinas

Pagkakaisa

Participate

Ang Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Pakikibaka ng Bayan

Gregoria de Jesus Tinaguriang “Lakambini ng Katipunan,” si Gregoria de Jesus ang ikalawang asawa ni Andres Bonifacio at naging kasalo sa mapanganib na pagpa-palaganap ng Katipunan at mga hirap sa panahon ng Himagsikang 1896. Hinangaan siyáng uliran sa katapatan at tatag ng paninindigan . Malaki ang papel ni Oriang sa pag-iingat ng mga lihim na papeles at dokumento ng Katipunan. Mabilis niya itong nalikom at naitakas nang minsang magsiyasat ang mga pulis Veterana sa kanilang pook . Nag- aral siyáng bumaril at mangabayo upang maging isang mahusay na mandirigma . Nang sumiklab ang Himagsikang 1896, kasáma siyá ng asawa sa Balintawak at kabundukan .

Gliceria Marella de Villavicencio Ipinanganak sa taal, batangas , 13 mayo 1852. Tinawag na aling eriang at itinuring na isang bayani ng himagsikan noong 1896, dahil sa kanyang tulong na moral at materyal sa mga manghihimagsik . Ang kanyang bahay ay nagsilbing punong himpilan noong panahon ng himagsikan . Ipinagkaloob niya ang kanyang karapatan sa sasakyang pandagat na “ bulusan ” na ginawang sasakyang pandigma ng mga manghihimagsik . Namatay 28 setyembre 1929.

Patrocinio Gamboa Isinilang noong ika-30 ng Abril, 1865 si Patrocinio Gamboa, o Tia Patron kung tawagin siya , sa bayan ng Jaro, Iloilo at isa sa mga anak ng mayamang pamilya nina Fermin Gamboa ay Leonila Villareal. Nakapag-aral si Patrocinio sa ilalim ng isang private tutor, at mahilig magbasa ng mga babasahing Espanyol, na nakapagmulat rin sa kanya sa mga sintimyento ng mga naghahangad ng reporma sa bansa . Nabasa rin niya ang lathalain ng mga propagandistang Pilipino sa Espanya , na humubog sa kanyang damdaming nasyonalismo . Sumapi siya sa rebolusyong Pilipino laban sa Espanya , at isa sa mga nag- organisa ng Comite Central Revolucionario de Visayas, na siyang magiging pamahalaang rebolusyonaryo sa rehiyon ng Visayas. Ibinigay niya ang serbisyo sa rebolusyon sa pamamagitan ng pag-aalaga at paggamot sa mga sugatang rebolusyonaryo , nangangalap ng mga pera , pagkain at gamot bilang ambag niya sa rebolusyon .

Melchora Aquino Si Melchora Aquino de Ramos ( Enero 6, 1812 - Marso 2, 1919) ay rebolusyonaryong Pilipino na kilala bilang "Tandang Sora" dahil sa kanyang edad . Siya ay kilala rin bilang "Ina ng Katipunan", "Ina ng Himagsikan " at "Ina ng Balintawak" para sa kanyang mga kontribusyon . Sa kanyang katutubong bayan, nagtayo si Tandang Sora ng isang tindahan , na naging kanlungan para sa mga may sakit at sugatan na mga rebolusyonaryo . Kinupkop , pinakain , binigyan ng medikal na atensiyon at pinapayohan ang mga rebolusyonaryo at ipinagdarasal . Ang mga lihim na pagpupulong ng Katipuneros ( mga rebolusyonaryo ) ay ginanap din sa kanyang bahay . Sa gayon ay nakuha niya ang mga bansag na "Babae ng Rebolusyon ", "Ina ng Balintawak", "Ina ng Rebolusyong Pilipino", at Tandang Sora (ang Tandang ay nagmula sa salitang Tagalog na matandâ , na nangangahulugang matanda ). Siya at ang kanyang anak , si Juan Ramon, ay naroon sa Sigaw ng Balintawak at mga saksi sa pagpunit ng mga cedula. Nang malaman ng mga Espanyol ang tungkol sa kanyang mga gawain at ang kanyang kaalaman sa kinaroroonan ng Katipuneros , siya ay siniyasat ngunit tumanggi siyang ibunyag ang anumang impormasyon . Pagkatapos ay inaresto siya ng guardia civil at ipinatapon sa Guam, Marianas Islands, kung saan siya at isang babae na nagngangalang Segunda Puentes ay inilagay sa ilalim ng house arrest sa tirahan ng isang Don Justo Dungca.

Tereseta Magbanua Si Teresa Magbanua ang unang babaeng mandirigma sa Panay at kilala bilang "Joan of Arc ng Visayas". Isang guro at lider ng militar , siya ay isinilang sa Pototan , Iloilo noong Oktubre 13, 1868. Siya ang pangalawa sa anim na anak ni Don Juan Magbanua at Doña Alejandra Ferraris. Asawa siya ni Alejandro Balderas, isang mayaman na may- ari ng lupa mula sa Sara, Iloilo. Sa kabila ng pagsalungat mula sa kanyang asawa , si Magbanua ay sumunod sa yapak ng kanyang dalawang magkakapatid at sumali sa rebolusyonaryong kilusan . Nakuha niya ang mga armas laban sa mga Espanyol, pinangunahan ang mga tropa at nanalo ng ilang mga labanan sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Martin Delgado.Nagpakita ng lakas ng loob , patriotismo at taktika sa militar , kinuha ni Magbanua ang kanyang unang panalo sa labanan sa Barrio Yating, Pilar, Capiz noong Disyembre 3, 1898 kung saan pinamunuan niya ang isang banda ng mga rifle sharpshooter at mga sundalo , at pinabagsak ang mga tropang Espanyol sa lugar . Tinatawag ng kanyang yunit bilang "Nay Isa", si Magbanua ay naging kumander ng yunit at nakipaglaban sa Labanan ng Sapong Hill kung saan siya at ang kanyang mga tropa ay naging matagumpay .

Gabriela Silang Ipinanganak si Maria Josefa Gabriela Silang sa Santa, Ilocos Sur noong Marso 19, 1731. Ang ama niya na isang magsasaka ay taga - Ilocos Sur at ang ina niya na isang maybahay ay taga - Abra. Sa di malamang kadahilanan , napawalay sa mga magulang si Gabriela bata pa lamang . Inampon at pinalaki siya ni Padre Tomas Milan. Beinte anyos si Gabriela nang sapilitang ipakasal sa isang mayaman subalit matanda ng manliligaw . Nang mamatay ang asawa ay naiwan kay Gabriela ang malaking kayamanan . Dumating sa buhay ng balo ang isang makisig , mabait at makabayang binata sa katauhan ni Diego Silang. Limang taon ding nanligaw ang binata bago napasagot si Gabriela. Noon ay may malaki nang problemang panlipunan ang mga Ilocano. Puwersahan silang pinagtratrabaho at sinisingil ng pagkatataas na buwis ng mga mananakop na Espanyol. Sapagkat taglay ni Diego Silang ang lahat ng katangian ng isang lider , siya ang naging puno ng mga pag-aalsa laban sa mga mananakop . Sa lahat ng labang pinamunuuan , kasa-kasama ni Diego si Gabriela sa pagtatanggol sa kalayaan . Nang ipapatay ng mga kastila si Diego ay naiwang lungkot na lungkot si Gabriela. Pilay ang liderato ng mga Ilocano na nawalan ng isang matapang na pinuno . Si Gabriela, kasama ang mga kabig ay nagtatakbo sa Abra. Pamuling nakuha ng mga Espanyol ang Vigan.

Pangkatang Gawain ( Group 1-3) Buuin ang puzzle, at kilalanin kung sino-sino ang kababaihan sa larawan . Ibigay ang mga naimbag ng mga kababaihan sa nabuong puzzle

PAGLALAPAT Sino- sino ang mga kababaihan na nagpakita ng partisipasyon sa pakikibaka o pakikipaglaban para sa bayan? Sa mga paanong para sila nakibaka ?

PAGTATAYA Panuto : Isulat sa patlang ang titk ng kababaihang tinutukoy sa bawat bilang . Melchora Aquino B. Teresa Magbanua C. Patrocinio Gamboa D. Gregoria de Jesus E. Gliceria Marella De Villavicencio F. Gabriela Silang ____1. Tinaguriang Lakambini ng Katipunan. ____2. Kinilala bilang Ina ng Katipunan. ____3. Tinaguriang Unang “ Magridigma sa Panay” at maskilala bilabg Joan of Arc ng Visayas. ____4. Nakatulong siya sa paniniktik at pag iipon ng pondo para sa rebolusyon . ____5. Ng mapatay noong 1872 ang mga GOMBURZA, siya at ang kanyang asawa ay nagging aktibo sa Propaganda. ____6. Itinayo ang kalayaan sa Abra na bayan ng kaniyang ina .

Susi sa Pagwawasto 1. D. Gregora De Jesus 2. A. Melchora Aquino 3. B. Teresa Magbanua 4. C. Patrocinia Gamboa 5. E. Gliceria Marella De Villavicencio 6. F. Gabriela Silang

Takdang Aralin Magsaliksik ng iba pang kababaihan na nagging bahagi ng pakikipaglaban para sa pagkamit ng kalayaan ng bansa .
Tags