Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura.
Henry Gleason (mula sa Austero et al. 1999)
Masistemang Balangkas
- Binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika na nakalilikha ng mga yunit ng salita
na kapag pinagsama-sama sa isang maayos at makabuluhang pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng
mga parirala, pangungusap, at talata.
- Ang wika ay may kani-kaniyang set na palatunugan, leksikal at gramatikal na istruktura na
ikinaiba sa ibang wika.
Arbitraryo
- Pinagkasunduan ang anomang wikang gagamitin ng mga grupo ng tao para sa kanilang
pangaraw-araw na pamumuhay.
Buhay o Dinamiko
- Sumasabay sa pagbabago ng panahon ang wika at malaya itong tumatanggap ng mga pagbabago upang patuloy na
yumaman at yumabong.
Halimbawa:
sanaol/sana all/naol triggered
flex awit (aww at sakit)
OOTD cancel (boycott)
Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura
- Magkaugnay ang wika at kultura at hindi maaaring paghiwalayin. Ang kultura ang nagpapayaman sa
wika samantalang ang wika naman ang nagbibigay ng ngalan o salita sa lahat ng mga gawaing nakapaloob sa
kultura.
Halimbawa: Sa kultura ng mga Meranaw may tinatawag tayong leka sa gibon, lantong, adat, betang, at iba pa.
Unique o Natatangi
- Walang wikang may magkatulad na magkatulad na katangian. May kani-kaniyang lakas o kahinaan din
ang wika. May mga salitang mahirap hanapan ng eksaktong salin o katumbas sa ibang wika dahil sa
magkakaibang kulturang pinagmulan.
Namamatay
- namamatay ang wika kapag hindi nakasabay sa pagbabago ng panahon o kapag hindi tumatanggap
ng pagpapabgo.
Mga patay na wika sa Pilipinas:
Agta, Dicamay (Isabela Province) – namatay ang huling ispiker nito taong 1960s
Agta , Villa Viciosa (Abra Province) - namatay ang huling ispiker nito taong 1990s
❑Heterogenous ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas dahil maraming umiiral dito at may mga diyalekto
o varayti ang mga wikang ito.
❑Homogenous ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita ng mga
mamayan dito.
WIKA, DIYALEKTO, BERNAKULAR
Wika
- Ang Tagalog, Sinugbuanong Bisaya, Ilokano, Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan, Bikol,
Meranaw, at iba pa ay mga wika, at hindi diyalekto.
Diyalekto
- Ito ay nangangahulugang varayti ng wika, hindi hiwalay na wika.
Halimbawa:
- Ang mga nagsasalita ng isang wika, batay sa lugar na pinanggalingan, ay maaaring magkaroon ng
bahagyang pagkakaiba sa bigkas o punto, paggamit ng panlapi, o ayos ng pangungusap. Dahil dito, may
tinatawag na Tagalog-Bulacan, Tagalog-Cavite, Tagalog-Metro Manila, Tagalog-Batanggas, at iba pa.
Bernakular
- Ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito varayti ng isang wika tulad ng diyalekto,
kundi isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na hindi sentro ng gobyerno o ng kalakalan.
Tinatawag din itong wikang panrehiyon
MONOLINGGUWALISMO, BILINGGUWALISMO, AT MULTILINGGUWALISMO
Monolingguwalismo
- Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga
bansang England, Pransya, South Korea, Hapon, at iba pa kung saan iisang wika ang ginagamit na panturo
sa lahat ng larangan o asignatura. Maliban sa edukasyon, sa sistemang monolinnguwalismo ay may iisang
wika ring umiiral bilang wikang komersiyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalatasan.
Bilingguwalismo
- Batay kay Cook at Singleton (2014), maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit
niya ang ikalawang wika nang matatas sa lahat ng pagkakataon. Dapat magamit ng mga bilingguwal ang
dalawang wika nang halos hindi matutukoy kung alin sa dalawa ang una at pangalawang wika. Balanced
bilingual ang tawag sa mga taong nakagagawa nito
Bilingguwalismo sa Wikang Panturo
“Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang
opisyal ng Pilipinas.”
-Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973
- Nilagdaan ang patakaran tungkol sa bilingual education sa bisa ng Resolusyon Bilang 73-7 na nagsasaad na
“ang Ingles at Pilipino ay magiging midyum ng pagtuturo at ituturo bilang asignatura sa kurikulum mula Grade 1
hanggang antas unibersidad sa lahat ng paaralan, publiko o pribado man.”
Hunyo 19, 1974 – naglabas ang DepEd ng guidelines sa pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal sa bansa sa
bisa ng Department Order No. 25, s. 1974, ilan dito ang sumusunod:
oMakalinang ng mga mamamayang Pilipinong matatas sa pagpapahayag sa mga wikang Pilipino at Ingles
oAng pariralang bilingual education ay binigyang katuturan sa magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang
mga wikang panturo mula Grade 1 pataas sa mga tiyak na asignatura. Ang mga araling dapat ituro sa Pilipino ay Social
Studies/Social Science, Work Education, Character Education, Health Education, at Physical Education. Ingles naman
ang magiging wikang panturo sa Science at Mathematics. Ang Pilipino at Ingles bukod sa gagamiting panturo ay
ituturo pa rin bilang mga asignaturang pangwika. Wala sa panuntunan subalit itinatakda ng mga panuntunang
magagamit na pantulong na wikang panturo ang bernakular sa pook o lugar na kinaroroonan ng paaralan.
Multilingguwalismo
- Ang Pilipinas ay isang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 180 wika at wikain (Lewis, et. Al.,
2013, p. 25) kaya naman bihirang Pilipino ang monolingguwal.
- Sa K-12 curriculum ay ipinatutupad ang probisyon para sa wikang panturo partikular sa
kindergarten at sa Grade 1, 2, at 3 kung saan ang gagamiting wika sa pagtuturo ay ang kanilang unang
wika. Tinawag itong MTB-MLE o Mother Tongue Based-Multilingual Education.
- ang mga pamantayan sa pagpapatupad nito ay nakasaad sa DO 16, s. 2012 na kilala rin bilang
Guidelines on the Implementation of Mother Tongue-Based-Multilinggual Education.
-ito ay ipinatupad noong 2012-2013.
Narito ang labinsiyam na wikang ginagamit bilang wikang panturo at itinuturo bilang asignatura:
Inaprubahan ng Senado ang Senate Bill No. 2457, ito ay upang itigil na ang pagpapatupad sa
paggamit ng Mother-Tongue bilang midyum sa pagtuturo sa Kindergarten hanggang Grade 3.
UNANG WIKA, PANGALAWANG WIKA, AT IBA PA
Unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Tinatawag
din itong katutubong wika o mother tongue, arterial na wika, o ng simbolong L1.
Pangalawang wika o L2 ay ang ikalawang wikang matututuhan ng isang tao at kanyang magagamit sa
pagpapahayag at sa pakikipag-usap sa ibang tao.
Pangatlong wika o L3 ay ang ikatlong wikang matututuhan ng isang tao na kanyang magagamit sa
pakikipagtalastasan upang makaangkop sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan.
Reference: Dayag, A., Del Rosario, M., Komunikasyon At Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Ang Papel ng Wikang Filipino
Filipino
Lingua Franca
Wikang Pambansa
Wikang Panturo
Opisyal na Wika
WIKANG PAMBANSA
“Ang wikang Pambansa ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika.”
Artikulo XIV, Seksiyon 6, Konstitusyon ng 1987
Maaaring de facto o de jure ang isang wikang pambansa. Ang wikang pambansa ay de facto kung ito ay
malawakang ginagamit ng isang bansa bagaman hindi itinatadhana ng batas samantalang ang de jure
kung ito ay isinasaad mismo ng pinakamataas na batas ng isang bansa.
WIKANG PANTURO
“Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin
ang Pamahaalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”
Artikulo XIV, Seksiyon 6, Konstitusyon ng 1987
OPISYAL NA WIKA
Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika na binigyan ng natatanging pagkilala sa
konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksiyon ng pamahalaan. May
dalawang opisyal na wika ang Pilipinas-ang Filipino at Ingles.
Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 7, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga't
walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit ang Filipino at Ingles.
Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag-akda ng mga batas at mga dokumento ng
pamahalaan. Ito rin ang wikang gagamitin sa mga talakay at diskurso sa loob ng bansa, halimbawa,
sa mga talumpati ng pangulo, mga deliberasyon sa kongreso at senado, pagtuturo sa mga paaralan,
mga paglilitis sa korte, at iba pa. Bukod sa pagiging pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika
ng Pilipinas, gumaganap din ang Filipino bilang lingua franca o tulay ng komunikasyon sa bansa.
Kapag may dalawang taong mag-uusap na may magkaiba o magkahiwalay na kultura at
sosyolingguwistikong grupo, halimbawa, ang isa ay Kapampangan at ang isa naman ay Bikolano,
gagamitin nila ang Filipino para magkaunawaan
Bumuo ng grupo na may apat na miyembro pagkatapos ay gawin ang nakasulat sa ibaba. Ibahagi ang inyong nabuong mga ideya sa
ating klase.
1. Mga kahalagahan ng wika sa sarili bilang mag-aaral:
a.
b.
2. Mga kahalagahan ng wika sa lipunan:
a.
b.
3. Kahalagahan ng wika sa pagkakaibigan:
a.
b.
4. Isulat kung ano sa iyong palagay ang naitutulog ng wika sa mga sumusunod na larangan.
a. Panitikan
b. Negosyo
c. Edukasyon
d. Medisina
e. Batas
f. Siyensiya
g. Media
h. Teknolohiya
i. Musika
J. Sining