Ang Sining ng Tula at Tulasalitaan (Spokenword).pptx

RYANRODRIGUEZ77 0 views 22 slides Sep 05, 2025
Slide 1
Slide 1 of 22
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22

About This Presentation

Tumatalakay ito sa sining ng pagbuo ng tula at tulasalitaan. Maaaninag sa pagtula ta tulasalitaan ang pagighing malikhain at mayaman ng isang indibiduwal sa paghabi ng mga konsepto at kaisipan


Slide Content

Ang Sining ng Tula at Tulasalitaan Ryan S. Rodriguez, PhD Katuwang na Propesor II Camarines Norte State College - Kolehiyo ng Edukasyon Daet, Camarines Norte

Papaano nagiging masining ang Pagsulat ng TULA at TULASALITAAN? Sa lahat ng uri ng pagsulat, punong-puno ito ng konsentrasyon at imahinasyon ng manunulat. Layunin nitong maghatid ng saya at aliw sa mga mambabasa sa pamamagitan ng pagpukaw at pagsundot sa kanilang damdamin at isipan. Kadalasan, ito'y kathang - isip lamang (non-fiction), minsan nama'y batay sa tunay na buhay o pangyayari (fiction).

Ginagamitan ito ng masisining na pananalita katulad ng idyoma, tayutay, simbolismo at iba pang katulad ng mga pananalita. Bunga ito ng malilikot na imahinasyon at pag-iisip ng mga manunulat. Ilan dito ang pagsulat ng tula tulad ng anagram, tulang dyamante, Charles Brown Sentences, Tulang Tugmaan, Tulang Malaya, Enjambment line, atbp.

TULA Anagram Tulang Dyamante Charles Brown Sentences Tugmaang de Gulong Tulang Malaya Tulasalitaan (Spoken Word) atbp

Anagram Saan - Sana Saan ka patungo? Sino ang iyong gusto? Sana magtagpo, ating mga puso.

Anagram Sukab – Bukas Sukab at mga gahaman, Naglipana sa ating lipunan, Kawawang sambayan, Bukas , anong kahihinatnan?

Tulang Dyamante Ama Matatag, Malakas, nagdedesisyon, nasusunod, nagtatrabaho, lalaki, haligi ng tahanan, ilaw ng tahanan, babae, nag- aaruga , nagtuturo, nagpapalaki, mapagmahal, maunawain, Ina.  

Relihiyon mabuti, maka-Diyos, nagdarasal, nangangaral, nagpapakabanal, Puno ng Vaticano, Papa Francisco , PBBM, Pangulo ng Pilipinas, nagpaplano, nagdedesisyon, namumuno, matuwid, maka-tao, Politika.   Tulang Dyamante

Asal-tao mapagbigay, makatuwiran, nagmamalasakit, dumaramay, nagmamahal, Adan, Eba, Ahas, Buwaya, nanlalamang, nagsisinungaling, nagnanakaw, maka-sarili, manloloko, Asal-hayop.   Tulang Dyamante

Charles Brown Sentences Kabutihan Ang paggawa nang marapat at pagtulong sa kapwa ng walang hinahangad na kapalit.   Lakas ng loob Ang pagharap sa anumang suliranin at pagsubok sa buhay sa pagnanais na mapagtagumpayan ang isang bagay.   Bayanihan Ang pagtulong sa kapwa Pilipino lalo’t higit sa mga pagkakataong kailangang-kailangan ang pagdamay ng iba.   Determinasyon Ang pagsusumikap na maabot ang mga pangarap sa buhay anuman ang hadlang na kakaharapin.

Tahanan Ang pagbuo ng pinapangarap na pamilya na pinagbibigkis ng pagmamahal. Hustisya Ang paghahangad na mabigyan ng karampatang parusa ang sinumang nagkasala sa batas. Talino Ang pagkakaroon ng matalas at mahusay na pag-iisip na kapaki-pakinabang sa lahat.   Karma Ang pagbalik ng mga ginawang panlalamang o kasamaan sa kapwa bilang ganti ng buhay.   Charles Brown Sentences

Aanhin pa ang gasolina, Kung jeep ko ay sira na.

Tugmaang de Gulong Ang di magbayad, Walang problema, Sa karma pa lang, Bayad ka na. Miss na sexy, Kung gusto mo’y libre, Sa drayber tumabi.

Tulang Malaya Paglaya ni: Ryan S. Rodriguez, P hD Iiyak, hihikbi, titigil, hihikbi, iiyak muli, Luha’y papatak, Papatak muli, Bakit ‘di nanasaid?   Damit na nagkapunit-punit, Puso’y nagkagula-gulanit, Tahanang nawasak, Dignidad na tila lusak, Ipinagkait pati kapirasong pangarap. Pipikit, uusal ng konti, Mawala nawa ang hapdi, sakit ng kalamnan, Kirot ng kalooban, Uusal na lang muli.

Buhay estero, Ni tutong ay wala, Kalam ng sikmura, Pag- aaruga’y wala, kakalam, babaluktot, iiyak.   Lalakad, tatakbo, tatago, Tatakbo, magtatago muli, Sa mamang malupit, Tadhanang Kaylupit, Tira sa plato’y sadyang ipinagkakait. Matulin , siksikan, humahagibis , Maingay na mga sasakyan, Tumatakbo, humahagibis , Nagkagulong mga tao, Salamat po Diyos ko! Malaya na ako!  

Tulasalitaan (Spoken Word Poetry) A-BA-KA-DA-I-kaw, Ako, Tayo ay Pilipino ni: Jenny Grace Urgelles Magandang araw, kumusta ka kaibigan? May oras ka ba para ako’y pakinggan? Tara, kape tayo. Bago ko simulan ang tulang ito. Matanong kita, Alam mo ba? Alam mo ba ang wikang Filipino? mula sa mga titik at letrang binabalangkas, isa ka ba ? Isa ka ba sa mga nanatili o nabago? isa ka ba? Isa ka ba sa namulat o pilit na pumikit, dahil nasa makabagong generasyon na?

Halika , samahan mo akong baybayin Ang mga salita at tugma. At saka pag yari nitong aking likha, Ay saka mo husgahan, ang natapos na tula. Heto na ang papel at pluma, Pag ibig ba natin sa wika ay tutugma. Kung sakaling ito ang aking itatala, Hayaan nyong ikuwento ko, Gamit ang alphabeto , Kung paano nga ba nagsimula ang wikang Filipino. “A” Adhikaing makamit ang kalayaan, Mga bayani sa ating bayan ay nakipaglaban. Hindi sa dahas, imbes gumamit ng wika.

“BA” Bakas ang kahapong sugat, Dugong bumuhos, maligtas lang ang karamihan. “KA” Kalayaang minimithi, Para sa bayang sinilangan, Nakamit ng may ngiti. “DA” Dayuhang sumakop at nagpahirap, Ngunit nang dahil sa Wikang Filipino, Dinala tayo sa tunay na pagbabago. Naging..

“I” Ilaw sa karimlan, ang wikang kinagisnan, Patuloy na mananahan “LA” Lagi nyong tatandaan, na tayo ay iisa. Kung sa tingin mo mang ikaw ay.. “MA” Mag-isa, makihalubilo ka. Maging bukas sa iyong kapwa “NA” Na kung dumating man, Ang panahon na makalimutan mo na ang sariling wika.

“O” O kapag kailangan mo nang mangibang bansa Ipapaalala ko muli sayo, Sa pamamagitan nitong tula na.. “PA” Palagi parin kitang uunawain , Ituturo ko uli sayo, Kung saan tayo nagsimula Na kahit ano pang… “RA” Rason kung bakit, At iintindihin ka ng pilit. Ngunit… “ SA” Sandali, alam kong hindi tayo aabot sa ganito, Na makakalimutan, Ang wikang kinamulatan

“TA” Tanaw ko ang sinag ng araw, Sa asul na kalangitan, at dugong nananalaytay. “U” Uunahing ipalaganap ang sining, Pag mamahal sa kultura, At katutubong wika natin. “WA” Wag lang maibaon sa limot , Mga aral at tradisyon, Pamana sa atin mula sa nakaraang panahon. “YA” Yamang maipagmamalaki, Perlas ng silangan, Ipinunla para sa sambayanan.

Maraming salamat sa pakikinig!
Tags