A ng Sistema ng Pamamahala sa Panahon ng mga Hapones By: Mrs. Caroline Novie D. Manato
Pamahalaang Military itinatag ng mga Hapones sa Pilipinas . a ng mga kautusang ipinatu-tupad nila ay mula sa Japan.
Hindi maaaring gumala sa mga kalsada kapag gabi . Pinapatay ang lahat ng mga ilaw . Mga Patakarang ipinasunod sa mga Pilipino.
Kinukumpiska ng mga Hapones ang lahat ng mga armas at mga baril . Hindi nila pinagamit ng mga radio ang mga Pilipino upang hindi makakuha ng impormasyon tungkol sa mga balita sa labas ng bansa , lalo na ang tungkol sa mga Amerikano .
Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga hapon ? Anu-ano ang mga patakarang ang ipinasunod sa mga Pilipino? Ano ang masasabi nyo sa mga patakaran ng mga Hapon ?
Puppet Republic Hangaring itatag na magpapatupad ng mga patakarang Hapones sa bansa . Ipinakita ng mga Hapones na nais silang bigyan ng kapayapaan , kalayaan , at kasaganaan ang mga Pilipino.
Nais nila na makiisa ang mga Pilipino sa pagtatatag ng Great East Asia Co-Prosperity Sphere . Hindi naman naniwala ang mga Pilipino sa ipinakita ng mga banyaga .
Great East Asia Co-Prosperity Sphere . Isang magandang pangako Sa pamamagitan nito , ipinahayag ni Punong Ministro Hideki Tojo ang pagbibigay ng kasarinlan ng Pilipinas noong Mayo 6, 1943 sa Luneta .
Ano ang hangarin ng mga Hapones na itatag sa bansa ? Ano ang nais ipakita ng mga Hapones sa mga Pilipino? Bakit sinasabing isang magandang pangako ang Great East Asia Co-prosperity Sphere?
Preparatory Commission for Philippine Independence . Itinatag ni Jose P. Laurel upang bumuo ng bagong Saligang Batas ng Pilipinas . Nilagdaan ng kasapi nito ang buong Saligang Batas noong Setyembre 4, 1943 . Sa bisa nito , itinatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas .
Japenese Sponsored na Republika ng Pilipinas Pinasinayaan ito noong Oktubre 14, 1943 , Jose P. Laurel ang naging pangulo nito . Kinilala ito ng maraming mga bansa tulad ng China, Germany, Italy, Burma, Spain, Thailand, Hungary, at Croatia.
Japenese Sponsored na Republika ng Pilipinas Isang Papet na Pamahalaan ang republikang ito . Bagaman isang Pilipino ang Pangulo , mga Hapones parin ang makapangyarihan . Hindi ito isang malayang pamahalaan .
Japenese Sponsored na Republika ng Pilipinas Ang mga kautusang ipinalabas ni Pangulong Laurel ay hindi ipinatupad kapag hindi ito mabuti para sa mga Hapones . Naghigpit ang mga Hapones sa mga inilalathala sa mga babasahin , mga palabas sa tanggahalan , radyo , at pelikula .
Mga Itinatag ni Pangulong Laurel Kawanihan ng Konstabularyo , K awanihan ng mga Betereno , Lupon ng Pangkabuhayang Pagbabalak , Sanggunian ng mga Siyentista , at Pangasiwaan ng Bigas at Mais .
Hindi pinayagang muling buksan ang Kagawaran ng Paggawa at Tanggulan .
Nagsimula naman ang Ikalawang Republika sa sumusunod na kagawaran : Panloob ; Pananalapi ; Katarungan ; Agrikultura at Pangangalakal ; Pampublikong Gawain at Komunikasyon ; at Edukasyon , Kalusugan at Kapakanang Pampubliko .
Sino ang naging pangulo sa panahong ito ? Anong uri ng pamahalaan o republika ang pamamahala ni Pangulong Laurel ?
Bakit ang kautasang ipinapalabas ni pangulong Laurel ay hindi ipinapatulad ng mga Hapon ? Ano ang masasabi nyo sa pamamahala ni Pangulong Laurel? Malaya ba siya sa kanyang pamamahala ? Bakit ?
Isulat ang K sa patlang kung ito ay nagpapahayag ng katotohanan ang pangungusap at DK kung hindi . Sa simula , nagtatag ng isang pamahalaang military ang mga Hapones sa Pilipinas . ______
2. Hindi nais ng mga Hapones na makiisa ang mga Pilipino sa pagtatatag ng Great East Asia Co-Prosperity Sphere . ______
3 . Itinatag ang Preparatory Commission for Philippine Independence sa pamumuno ni Jose P. Laurel .______
4 . Noong Oktubre 14, 1943, pinasinayaan ang Japenese Sponsored na Republika ng Pilipinas . Jose P. Laurel ang naging Pangulo nito .______
5 . Ang mga kautusang ipinalabas ni Pangulong Laurel ay hindi ipinatupad kapag hindi ito mabuti para sa mga Hapones .______