Ang Tunay na kahulugan ng KALAYAAN to live with freedom Group 3 ESP 10 1
KALAYAAN Tuwing ika-12 ng Hunyo, ipinagdiriwang ng Pilipinas ang Araw ng Kalayaan bilang paggunita sa paglaya ng bansa mula sa pananakop ng mga dayuhan. Subalit, bilang mga mamamayan, mahalagang itanong natin: Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng kalayaan? Sa ulat na ito, tatalakayin natin ang mas malalim na pag-unawa sa salitang "kalayaan" hindi lamang bilang kasaysayan, kundi bilang bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay. (freedom) 2
Bawat tao ay may karapatang mabuhay at magpasya anuman ang nais gawin, at walang makakahadlang dito. Malayang gampanan ang anumang bagay na magpapaunlad at magpapaligaya nito. Malayang lumikha, magtatag, at magsagawa ng anumang makabuluhang bagay para sa ikauunlad ng sarili, mga kasamahan, at maging ng iyong pamayanan, nang walang agam-agam o alalahanin. Mapayapa, mahusay, at maligaya ka sa pagtupad ng mga tungkulin bilang masunuring mamamayan. Ano nga ba ang Kalayaan? 3
Ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad o may kasunod na responsibilidad. 4
1. Kalayaang kaugnay ng malayang kilos loob - Ito ay ang pagkilos sa sariling kagustuhan Dalawang Responsibilidad 2. Kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ng sitwasyon - Pagkilos ayon sa hinihingi ng sitwasyon 5
1. Kalayaan Mula Sa (Freedom From) Ang kalayaan mula sa ay ang kawalan ng hadlang sa isang tao na makamit ang anumang naisin. Malaya siyang kumilos o gumawa ng mga bagay-bagay. Para maging ganap na malaya ang isang tao, dapat kaya niyang pigilin at pamahalaan ang nais ng kanyang sarili. Dalawang aspekto ng Kalayaan Mga negatibong katangian at pag-uugali na kailangang iwasan para ganap na maging Malaya a. Makasariling interes b. Katamaran c. Kapritso d. Pagmamataas 6
2. Kalayaan Para Sa (Freedom For) Inuuna ang kapakanan ng iba bago ang sariling kapakanan. Ito ay nangyayari kung ang isang tao ay malaya sa pagiging makasarili. Upang patuloy na makapaglingkod at makapagbigay-pagmamahal ang isang tao, kailangang malaya siya mula sa pansariling interes na humahadlang sa pagtugon niya sa pangangailangan ng kanyang kapwa. 7
1. Malayang Pagpili (Free Choice o Horizontal Freedom) Ang malayang pagpili ay ang pagpili sa kung ano ang alam ng isang tao na makabubuti sa kanya (goods). Ang isang bagay ay pinipili dahil nakikita ang halaga nito. Dalawang uri ng Kalayaan 2. Vertical freedom o fundamental Option Ito ay tumutukoy sa pangunahing pagpiling ginagawa ng isang tao. 8
2. Vertical freedom o fundamental Option a. Ang pagtaas o tungo sa mas mataas na halaga o fundamental option ng pagmamahal Nangangahulugan ito ng pagpili sa ginagawa ng tao; kung ilalaan ba niya ang kanyang ginagawa para sa tao at sa Diyos. b. Ang pagbaba tungo sa mas mababang halaga o fundamental option ng pagkamakasarili Ito ang mas mababang fundamental option dahil wala kang pakialam sa iyong kapwa at sa Diyos. 9
Ang TUNAY na KALAYAAN ay higit pa sa pisikal na kalayaan. Ito ay ang karapatang mamuhay nang may dignidad at kapayapaan, kasama ang pananagutan. Ang kalayaan ay hindi basta ibinibigay; ito ay dapat pangalagaan, pagsikapan, at pagbuklurin ng pagkakaisa. Bawat isa ay may tungkuling panatilihin ang kalayaan na ito, hindi lamang bilang mamamayan kundi bilang isang indibidwal na may malasakit sa kapwa at sa kinabukasan ng bayan. 10
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan, isulat ang sagot sa iyong kwaderno. a. Ano ang kahulugan ng kalayaan base sa iyong nabasa b. Ano ang dalawang aspekto ng kalayaan. Ipaliwanag. c. Sa iyong sariling pananaw, ipaliwanag ang kalayaan. 11