Ang wika ay isaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

rglyndlcrz 8 views 2 slides Nov 10, 2024
Slide 1
Slide 1 of 2
Slide 1
1
Slide 2
2

About This Presentation

ang wika ay isa


Slide Content

Ang wika ay isang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan. Ito ang
nagpapahayag sa ating mga saloobin, kultura at kasaysayan. Sa kabila ng
paglipat ng tao sa ibang lugar, ang kanilang tradisyonal na wika ay
nananatiling buhay sa kanilang puso't isipan.
Ayon sa naintirbyu naming sina tatay Mario at nanay Lolita na mag
asawang kapampangan , ang wika ay isang bahagi ng kanilang
pagkakakilanlan bilang mga kapangpangan, natuto sila ng bagong wika
upang maki pag-usap sa mga tao sa kanilang bagong lugar, ngunit hindi
sila nakakalimot sa kanilang tradisyonal na wika.
Sa kanilang pamamahay, ginagamit pa rin nila ang kanilang nakagisnan
na wika. Natuturo pa nila ito sa kanilang mga anak upang mapreserba
ang kanilang kultura at pagkakakilanlan. Ang kwento nila ay isang
patunay na ang wika ay hindi lamang isang paraan ng pagpapahayag,
kundi isang bahagi din ng ating pagkakakilanlan at kultura.
Ang halaga ng wika sa pagkakakilanlan ay hindi lamang nakikita sa mga
salita at parilala, kundi sa mga kwento, alamat at kasaysayan na
nakapaloob dito. Ang wika ay nagpapakita ng ating mga nakaugalian,
paniniwala, at mga tradisyon. Sa paggamit ng ating tradisyonal na wika,
nagpapakita tayo ng ating pagmamahal sa ating kultura at

pagkakakilanlan.
Kaya mahalagang panatilihin at ipreserba natin ang ating kultura at
tradisyonal na wika, wag nating hayaan na mamatay ang mga ito sa
paglipas ng panahon. Sa pagpapanatili ng ating mga wika, napapanatili
rin ang ating pagkakakilanlan at kultura.
Tags