Animals and their Characteristics - Spanish - Foreign Language - 2nd Grade.pptx
JohnNerieGonzales
0 views
23 slides
Sep 30, 2025
Slide 1 of 23
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
About This Presentation
presentation about fable.
Size: 60.19 MB
Language: none
Added: Sep 30, 2025
Slides: 23 pages
Slide Content
MAGANDANG UMAGA!
AKTIBITI Ipapangkat ang klase sa tatlong pangkat . Pipili ng isang representante na siyang sasagot . May ipapakita ang guro na mga larawan na huhulaan ng mga mag- aaral kung saan tanyag na pelikula ito makikita . Isusulat nila sa papel ang kanilang sagot at itataas lamang ng kanilang representante ang kaniyang dalawang kamay . Ang may pinakamaraming puntos ang siyang mananalo .
LAYUNIN Maipapaliwanag ang kahulugan ng pabula at mga elemento nito ; Napapahalagahan at napapayaman ang mga aral mula sa pabula ; Nakabubuo ng sariling pabula gamit ang mga natutunang elemento . a. b. c.
PABULA Grade 7
Ang pabula ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento ay mga hayop .
Kadalasan , ang mga tauhang hayop ay nagpapakita ng mga katangian na nakikita rin sa mga tao .
Si Aesop ay isang Griyegong manunulat ng mga pabula .
ELEMENTO NG PABULA
Tagpuan - Ito ang lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa kwento . Tauhang Hayop - Ito ang mga karakter sa kwento na kadalasan ay mga hayop na nagpapakita ng mga katangian ng tao .
Panimulang Galaw o Simula Pataas na aksyon Kasukdulan Pababang aksyon Wakas Banghay - Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento
Aral- Ito ang pangunahing layunin ng pabula , na naglalayong magbigay ng mga moral na aral o payo sa mga mambababasa .
Panuto : Ipapangkat ang klase sa dalawang pangkat . Gagawa ang bawat grupo ng kanilang sariling pabula gamit ang mga elemento . Isusulat nila ito sa isang buong papel .
Pamantayan 25 20 15 10 Nilalaman Malinaw ang mensahe at aral ; kahanga-hangang kwento May mensahe at aral ; kwento ay medyo malinaw Aral ay hindi malinaw ; kwento ay mahirap sundan . Walang aral; kwento ay hindi nauugnay. Kreatibidad Napaka-orihinal ; natatanging mga tauhan at sitwasyon May orihinal na ideya ; karaniwang mga tauhan . Kakulangan sa orihinalidad ; pamilyar ang kwento . Walang pagkakaiba sa karaniwang kwento . Struktura Maayos ang pagkakasunod-sunod ; malinaw ang simula , gitna , at wakas . May pagkakasunod-sunod ; ngunit medyo magulo Kakulangan sa organisasyon; mahirap sundan. Walang wastong pagkakasunod-sunod . Wika at Estilo Maganda at angkop ang paggamit ng wika ; puno ng imahinasyon . Wastong wika ; ngunit may ilang mali . Kailangan ng mas mahusay na paggamit ng wika . Maraming maling gramatika at baybay . 25 - Mahusay 20- Sapat 15 - Kailangan ng Pagbuti 10- Di Katanggap-tanggap
PAGTATAYA Panuto : Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa ¼ na papel . 1. Anong uri ng panitikan na may mga tauhan na hayop ? a. Parabula b. Epiko c. Pabula d. Alamat
2 . Ano ang layunin ng pabula ? a. Magbigay aliw sa mambabasa b. Magbigay ng aral sa mga tao c. Magbigay chismis sa iba d. Magbigay katatawanan 3. Ito ay kung saan naganap ang pangyayari sa kwento . a. Tauhan b. Tagpuan c. Banghay d. Aral
4. Ito ang gumaganap sa kwento na hindi tao . a. Tauhan b. Aral c. Tagpuan d. Tauhang Hayop 5. Ito ang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa kwento . a. Banghay b. Aral c. Tagpuan d. Tauhan
6. Bahagi ng banghay na kung saan ito ang pinakamatinding bahagi . a. Wakas b. Kasukdulan c. Simula d. Pataas na Aksyon 7. Bahagi ng banghay na kung tumutukoy sa makapukaw damdaming umpisa . a. Pababang aksyon b. Pataas na aksyon c. Simula d. Wakas
8. Bahagi ng banghay na kung saan ang interes ng mambabasa ay dapat mapanatili ng manunulat . a. Pataas na aksyon b. Wakas c. Kasukdulan d. Pababang aksyon 9. Bahagi ng banghay na ito ang huling bahagi . a. Wakas b. Simula c. Pababang aksyon d. Kasukdulan 10. Ano ang paksa ng halimbawa ng pabula na ipinakita kanina ? a. Tatlong Bibe b. Ang Pangit na Bibe c. Ang magandang bibe d. Ang Maputing Bibe
TAKDANG-ARALIN Panuto : Ipapangkat ang klase sa tatlong pangkat . Pipili ang bawat grupo ng isang representante na siyang bubunot kung ano ang pabula na kanilang isasadula sa klase . Gagawin ang dula sa lunes .