AP_10_1st-Quarterly-Examination_2024-2025.pptx(2).pptx

MARYQUEENBUGSAD1 0 views 39 slides Sep 25, 2025
Slide 1
Slide 1 of 39
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39

About This Presentation

AP 7 SECOND QUARTER EXAM.pptx(extra).pptx


Slide Content

LONG QUIZ ARALING PANLIPUNAN 10 NO ERASURE CELLPHONE IS NOT ALLOWED ½ LENGTHWISE MIND YOUR OWN PAPER

Your title here Click to add subtitle Name

1. Ang salitang ito ay tumutukoy sa mga pangyayari sa kasalukuyan na maaaring makaaapekto sa buhay ng mga tao sa lipunan . A. Diskriminasyon B. Globalisasyon C. Kontemporaryo D. Malnutrisyon

2. Ang salitang ito ay mga pangyayari , suliranin , o paksa na napag-uusapan at maaaring dahilan o batayan ng debate. A. Isyu C . Opinyon B. Lipunan D . Paksa

3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagbibigay kahulugan sa “ Kontemporaryong Isyu ”? A. Ito ay mga isyu o mga pangyayari na maaaring magpapaunlad sa buong bansa . B. Ito ay mga isyu na may kinalaman lamang sa kalagayang pampulitika ng bansa . C. Ito ay mga bagay na napag-usapan na noon at hindi na kailangang pagtuonan ng pansin ngayon . D. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari , paksa , tema , opinyon , o ideya na may kaugnayan sa kasalukuyan .

4. Ang sumusunod ay mga dapat taglayin sa pagsusuri ng isang kontemporaryong isyu MALIBAN sa isa . A. makitid na isipan B. matalas na kaisipan C . malawak na kaisipan D . mapanuri sa pagtugon ng suliranin

5 . Alin sa sumusunod ang HINDI kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu ? A. pagkilala sa sanggunian B. pagbuo ng opinyon at kaugnayan C. natutukoy ang katotohanan at opinyon D. huwag ilahad ang kabutihan at di- kabutihan ng isang bagay

6. Ang mga usaping tulad ng El Niño, La Niña, global warming , at pagbaha ay tumutukoy sa anong isyu ? A. Isyung Pangkalusugan B . Isyung Pangkapaligiran C. Isyung Pangpulitika D . Isyung Panlipunan

7. Alin sa sumusunod na headline ng balita ang kabilang sa isyung pangkapaligiran ? A. Kaso ng HIV/AIDS Patuloy na dumara B . Survey: 51% ng pamilyang Pinoy ramdam ang kahirapan C. Korapsyon sa Pilipinas , ' endemic ' na ayon sa Ombudsman D. Climate Change may ambag sa paglobo ng dengue cases sa bansa

8. Paano mo masusuri kung ang isang pangyayari o usapin ay maituturing na isang kontemporaryong isyu ? A. sa pamamagitan ng pagtukoy kung ito ay nangyari sa nakaraan at wala nang epekto sa kasalukuyan B. sa pamamagitan ng pagtingin kung ito ay isang isyung naresolba na at hindi na pinag-uusapan sa media C. kung ito ay may direktang epekto sa kasalukuyan at humuhubog sa mga kasalukuyang kaganapan at pananaw D. kung ito ay may kinalaman lamang sa mga personal na usapin ng mga tao at hindi masyadong tinatalakay sa lipunan

9. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang paraan upang masuri ang epekto ng isang kontemporaryong isyu sa lipunan ? A. pagtingin kung gaano katagal ang isyu ay tinatalakay sa media B. pagbasa lamang ng mga komento sa social media tungkol sa isyu C. pag-alam sa opinyon ng mga eksperto at akademiko tungkol sa isyu D. pagsusuri ng impluwensya nito sa ekonomiya , politika , at kultura ng lipunan

10. Ang Pilipinas ay patuloy na nahaharap sa malalang suliranin sa solid waste dahil sa ________________. A. hindi epektibong pamamahala ng solid waste. B. kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura . C. kakulangan ng hanapbuhay ng mga mamamayan . D. pagdami ng mga produktong kinukonsumo ng publiko .

11. Ipinatupad ang Republic Act 9003 upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa . Ito ay kilala bilang _____________. A. Ecological Garbage Management Act of 2010 B. Ecological Solid Waste Management Act of 2000 C. Ecological Garbage Management Act of 2000 D. Ecological Solid Waste Management Act of 2010

12. Ayon sa National Solid Waste Management Status Report (2008- 2018), ang municipal solid wastes (MSW) ay nagmumula sa residensyal , komersyal , institusyunal , at industriyal na establisimyento . Ayon sa ulat , alin sa mga sumusunod nagmumula ang pinakamalaking bahagdan ng basurang nakokolekta ? A. Industriyal C . Komersyal B. Institusyunal D . Residensyal

13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagbibigay-kahulugan sa solid waste ayon sa Batas Republika Bilang 9003? A. mga basurang nagmumula sa kabahayan B. mga dumi na nagmumula sa mga livestock C. mga basurang nagmumula sa sektor ng agrikultura D. mga non-hazardous mula sa industriyal at institusyunal

14. Ano ang pangunahing layunin ng Philippine Mineral Resources Act of 2012 ? A. pagbabawas ng populasyon B. pagpapalawak ng urbanisasyon C. pagpapalakas ng sektor ng edukasyon D. pag-aayos ng pagmimina at proteksyon sa kalikasan

15.Anong maaaring maging epekto sa ekonomiya ng Pilipinas kung ipapatigil ang lahat ng uri ng quarrying activities bilang tugon sa mga isyung pangkapaligiran ? A. pag-unlad ng sektor ng turismo B. pagbaba ng demand para sa mga minero C. pagtataas ng ekonomiya dahil sa malinis na kapaligiran D. pagtaas ng presyo ng mga materyales para sa konstruksyon

16. Bakit naapektuhan ang food security sa Pilipinas dahil sa climate change? A. pagkamatay ng mga coral reef B. pagtaas ng temperatura sa dagat C. pagputol ng mga kahoy sa kagubatan D. pagkasira ng sektor ng agrikultura dahil sa bagyo

17. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang hakbang na magagawa ng pamahalaan upang labanan ang climate change sa Pilipinas ? A. pagpapalakas ng mga batas sa kapaligiran B. pagbibigay ng pondo sa mga magsasaka C. paglikha ng mga bagong teknolohiya D. pagtatayo ng mas maraming gusali

18. Alin sa mga sumusunod ang itinatakda ng Republic Act No. 9729 na kilala rin bilang Climate Change Act of 2009? A. batas na naglalayong bawasan ang paggamit ng langis B. batas na naglalayong protektahan ang mga puno C. batas ng Pilipinas laban sa climate change D. batas tungkol sa mga kalamidad

19. Mga dapit gawin sa panahon na may kalamidad na lindol . 1. Lumabas agad sa gusali , bahay , o paaralan kapag huminto na ang pagyanig , siguraduhing ligtas ang mga kasama at alamin . 2. Umiwas sa mga puno , poste, linya ng kuryente , at estruktura kung sakaling nasa open area. 3. Makilahok sa mga earthquake drill. 4. Laging may handang emergency kit na naglalaman ng mga kakailanganin tulad ng de- latang pagkain , at iba pa. A. 1 2 3 4 B. 4 3 2 1 C. 1 2 4 3 D . 4 3 1 2

20. Mga dapat tandaan sa panahon na may kalamidad na bagyo . 1. Makinig sa radyo o manood ng TV para sa regular na anunsyo o babala tungkol sa paparating na bagyo . 2. Laging maghanda ng mga gamit pang emergency . 3. Huwag lumabas ng bahay kung hindi kinakailangang lumikas . 4. Siguraduhing walang buhay na kable o outlet na nakababad sa tubig . A. 1 2 3 4 B. 4 3 2 1 C. 1 2 4 3 D . 4 3 1 2

A. Hazard B. Disaster C. Vulnerability D. Risk E. Resilience ______ 21 . Isang super typhoon ang tatama sa Pilipinas sa susunod na mga araw . ______22. Maraming bahay ang nasira matapos ang napakalakas na lindol . ______23. Nanalanta ang isang bagyo sa Davao Region na nagpalubog sa maraming kabahayan . ______24. Walang naitayong evacuation centers sa isang komunidad na palaging binabaha . ______25. Ang mga kabahayan sa tabing-ilog ay laging nasa panganib tuwing tag- ulan .

26 . Ano ang pangunahing pagkakaiba ng Top-down Approach sa Bottom-up Approach sa disaster management? A. Ang dalawang approach ay magkapareho , ngunit magkaiba ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang . B. Ang Bottom-up Approach ay nangangailangan ng mas maraming pondo mula sa pamahalaan kumpara sa Top-down Approach. C. Ang Top-down Approach ay nakatuon sa mga lokal na komunidad , habang ang Bottom-up Approach ay mula sa pambansang pamahalaan . D. Ang Top-down Approach ay inuuna ang direktiba mula sa pambansang pamahalaan , habang ang Bottom-up Approach ay nagsisimula sa mga lokal na komunidad .

27. Paano masisiguro ng isang Bottom-up Approach ang mas epektibong pagresponde sa mga lokal na kalamidad ? A. sa pamamagitan ng pagbibigay ng direktiba mula sa national government B. sa pamamagitan ng pagsunod sa mga global guidelines mula sa international organizations C. sa pamamagitan ng pag-asa lamang sa mga eksperto at national disaster management teams D. sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng mga komunidad sa pagtukoy ng kanilang mga pangangailangan at kakayahan

28. Ang mga sumusunod ay mga dapit gawin sa banta ng pagbaha at flash flood, MALIBAN sa ___________? A. kung pinalikas , gawin ito agad bago malubog sa tubig-baha . B. makinig sa radyo o manood sa TV para sa emergency instructions. C. maging handa sa posibilidad na pagbaha kung patuloy ang pag-ulan . D. dapat sundin ang babala ng PHILVOLCS, kung pinalikas , lumikas agad

2 8 . Ano ang layunin ng DRRM sa panahon ng sakuna tulad ng pagbaha ? A. magpatupad ng mga plano sa pagkontrol ng baha B. magbigay ng long-term solutions sa problema ng baha C. mag- organisa ng fundraising activities para sa mga nasalanta D. magbigay ng agarang responde upang makapagligtas ng buhay

29. Ano ang mungkahi ng Philippine National Red Cross para sa paghahanda sa panahon ng kalamidad tulad ng pagbaha ? A. pagbuo ng evacuation centers sa bawat bayan B.Pagpapagawa ng malalaking flood control structures C.pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa kalamidad D. pagkakaroon ng lifeline kit para sa bawat miyembro ng pamilya

30. Ano ang mungkahi ng Philippine National Red Cross para sa paghahanda sa panahon ng kalamidad tulad ng pagbaha ? A. pagbuo ng evacuation centers sa bawat bayan B.Pagpapagawa ng malalaking flood control structures C.pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa kalamidad D. pagkakaroon ng lifeline kit para sa bawat miyembro ng pamilya

31. Paano maaaring makatutulong ang pagbuo ng National Disaster Risk Reduction and Management Plan (NDRRMP) sa mga komunidad na apektado ng pagbaha ? A. sa pamamagitan ng pagpapabuti ng evacuation centers sa bawat lugar B. sa pamamagitan ng pagtaas ng buwis para sa mga pribadong kumpanya C. sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas mahusay na pamamahala ng kuryente D. sa pamamagitan ng pag-aalok ng long-term na mga plano para sa disaster mitigation

32. Ano ang maaaring maging epekto ng hindi maayos na paggamit ng kuryente sa panahon ng baha ayon sa mungkahi ng Department of Energy? A. magkakaroon ng pinsala sa mga appliances B. mas mataas na singil sa kuryente tuwing pagbaha C. pagkakaroon ng mataas na baha sa mga kabahayan D. pagkakaroon ng disgrasya tulad ng pagkakakuryente

33. Paano makatutulong ang Disaster Response sa agarang pangangailangan ng mga apektadong residente sa panahon ng pagbaha ? A. sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga flood control systems B. sa pamamagitan ng pagtatayo ng permanenteng evacuation centers C. sa pamamagitan ng paghahatid ng long-term na solusyon sa pagbaha D. sa pagbibigay ng mabilis na tulong at pansamantalang serbisyo sa mga apektadong pamilya

34. Ano ang kahalagahan ng Disaster Prevention and Mitigation bilang bahagi ng NDRRMP sa pagharap sa mga kalamidad tulad ng pagbaha ? A. tinututukan nito ang rehabilitasyon ng mga nasalantang komunidad B. tinututukan nito ang maikling panahong tulong pagkatapos ng kalamidad C. nakatuon ito sa pagbibigay ng pondo para sa mga nasalanta ng kalamidad D. nakatuon ito sa pag-iwas at pagbawas ng mga panganib bago pa dumating ang kalamidad

35. Sa iyong palagay , alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang aspeto ng lifeline kit na iminungkahi ng Philippine National Red Cross upang matiyak ang kaligtasan ng bawat miyembro ng pamilya ? A. dapat itong madaling dalhin kahit saan B. dapat kasama ang buong pamilya sa paggawa nito C. kailangang kayang isalba ang lahat ng mahahalagang gamit D. dapat ito’y praktikal at angkop para sa iba’t ibang sitwasyon

36. Paano mo masasabi na naging epektibo ang National Disaster Risk Reduction and Management Plan (NDRRMP) batay sa mga layunin nito ? A. kapag nasaklaw nito ang lahat ng uri ng kalamidad B. kapag nagkaroon ng pagbawas sa pinsala mula sa mga kalamidad C. kapag naging mas maayos ang komunikasyon sa panahon ng kalamidad D. kapag mabilis na narespondehan ang mga pangangailangan ng mga biktima

3 7 . Bilang bahagi ng paghahanda sa kalamidad , paano mo maisasagawa ang Disaster Preparedness sa iyong komunidad na madalas tamaan ng lindol ? A. pag-iimbak ng pagkain at tubig sa bahay B. pagsasagawa ng regular na earthquake drill C. pagtukoy sa mga lugar na mababa ang tsansa ng pagbaha D. pagtatayo ng mga evacuation centers malapit sa tabing-dagat

3 8 . Paano mo maaaring gamitin ang Vulnerability Assessment upang makapagplano ng epektibong disaster prevention program sa isang urban na komunidad ? A. pagbuo ng mga educational campaigns tungkol sa climate change B. pagsasagawa ng malakihang reforestation project sa kabundukan C. pagsuri sa kakayahan ng mga gusali na labanan ang mga malalakas na lindol D. pagtukoy sa mga sektor ng komunidad na may kakayahang magbigay ng tulong

39. Bilang bahagi ng paghahanda sa kalamidad, paano mo ilalapat ang Disaster Preparedness sa iyong komunidad na madalas tamaan ng lindol? A.pag-iimbak ng pagkain at tubig para sa tagtuyot B.pagtatayo ng mga gusali na may matibay na pundasyon C.pagsasaayos ng mga drainage system upang maiwasan ang pagbaha D.pagbuo ng earthquake emergency plans at pagsasagawa ng regular na earthquake drills

40. Paano mo magagamit ang Disaster Rehabilitation and Recovery upang muling makabangon ang isang komunidad na sinalanta ng malakas na bagyo ? A. pag-iimbak ng mga suplay para sa mga susunod na kalamidad B. pagtatayo ng mga pansamantalang tirahan sa mga lugar na malayo sa panganib C. pagpaplanong muli ng mga hazard zones upang maiwasan ang mga delikadong lugar D. pagkakaroon ng regular na disaster preparedness training para sa lahat ng residente    
Tags