AP 6 PPT Q4 - 1986 Edsa People Power Revolution.pptx
NecelynMontolo
0 views
30 slides
Sep 30, 2025
Slide 1 of 30
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
About This Presentation
Nakatutulong sa pagpapalawig ng mga kaalaman para sa kabataan
Size: 873.68 KB
Language: none
Added: Sep 30, 2025
Slides: 30 pages
Slide Content
Aralin 2 1986 EDSA People Power Revolution
Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan , na tinatawag ding Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas , mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon .
Nag- ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos , lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983.
Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan , militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin . Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos.
Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila .
Pebrero 22, 1986 Nagsagawa ng Press Conference sina Defense Minister Juan Ponce Enrile at Lt. Gen. Fidel Ramos upang ipahayag ang kanilang pagtalikod sa rehimeng Marcos
Nanawagan si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa taong bayan na magtungo sa Camp Aguinaldo at Camp Crame upang suportahan at protektahan sina Ramos at Enrile at maiwasan ang pagdanak ng dugo kung sakaling aarestuhin ng mga tauhan ni Marcos ang dalawa .
Isinagawa niya ang panawagan sa pamamagitan ng Radio Veritas . Nagsimulang mapuno ng tao ang kahabaan ng EDSA.
Pebrero 23, 1986 --- Ipinalabas sa telebisyon ang pahayag ni Marcos na may nagaganap nang negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng kampo nina Enrile at Ramos.
Sinira ng mga tauhan ni Marcos ang transmission ng Radio Veritas at inangkin ang istasyon .
Nagplano sina Gen. Ver at Ramos na lusubin ang Camp Crame . Lalo pang dumami ang mga tao na nagtungo sa EDSA upang ipahayag ang kanilang pagnanais na mapaalis si Marcos.
Pebrero 24, 1986 Inanunsiyo sa radio na umalis na ng bansa si Pangulong Marcos. Subalit ito ay isang panlilinlang lamang sa taong bayan .
Sinugod at inangkin ng taong bayan ang Channel 4, ang istasyon na pagmamay-ari ng gobyerno .
Idineklara ni Marcos ang curfew mula ika-6 ng gabi hanggang ika-6 ng umaga . Walang sumunod sa kaniyang kautusan . Nanindigan ang mga mamamayan sa EDSA sa kabila ng balita na paparating ang mga tangke at armadong helicopter upang sila ay puwersahang paalisin .
Pebrero 25,1986 Nanumpa si Corazon Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamumuno ni Supreme court Associate Justice Claudio Teehanke . Isinagawa ito sa harap ng kaniyang mga tagasuporta sa Club Filipino.
Nanumpa rin bilang Pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Marcos sa harap ng kaniyang mga loyalista sa Malakanyang .
Nilisan ni Pangulong Marcos ang Malakanyang kasama ang kaniyang pamilya at ilang tauhan . Nagtungo sila sa Clark Airbase sa Pampanga at mula dito ay nagtungo sa Hawaii, sa United States.
Nagdiwang ang mga Pilipino nang mabalitaan nila ang paglisan ni Marcos. nagtapos ang mahigit sa 20 taong pamumuno ni Marcos sa pamamagitan ng mapayapang pagkilos at puwersa ng nagkakaisang taong bayan .
Pamprosesong Tanong : 1. Ano ang EDSA?
2. Masasabi mo ba na ang 1986 EDSA People Power Revolution ay pagkilos para makamit ang kalayaan ? Bakit ?
3. Nakamit ba ang pagkakaisa ng iba’t ibang sector ng lipunan dahil sa nasabing pangyayari ? Patunayan .
4 . Sa iyong palagay , ano ang naging dahilan sa likod ng tagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution? Ipaliwanag .
Awit-tanong : Pakinggang mabuti ang kantang Handog ng Pilipino sa Mundo , suriin ang nilalaman nito at pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na katanungan .