AP-Notes.docx hshdhdhdhdhdhshshhshsshshshh

zalentrysuello 18 views 2 slides Feb 07, 2025
Slide 1
Slide 1 of 2
Slide 1
1
Slide 2
2

About This Presentation

Ap 10 quarter 2 lesson 1 notes


Slide Content

Aralin 2 Dahilan at Epekto ng Globalisasyon
Mga Dahilan ng Globalisasyon
Sa kasalukuyang panahon, itinuturing ang globalisasyon bilang isang kontemporaryong isyu sapagkat tuwiran nitong
binago, patuloy na binabago, at hinahamon ang mga batayang institusyong panlipunan ng mundo. Lahat ng bansa,
anuman ang kalagayang heograpikal, pulitikal, ekonomikal at sosyal ay humaharap sa napakarami at sala-salabat na
isyung kaakibat ng pangyayaring ito.
PINAGMULAN PALIWANAG
Pangkasaysayan “No man is an Island”. Ito ay isang kasabihang malinaw na naglalarawan sa pangkasaysayang
pinagmulan. Matutunton sa kasaysayan ng tao na naganap ang globalisasyon dahil sa
paghahangad ng tao na makipag-ugnayan upang mapunan ang kanyang pangangailangan at
matamo ang hangaring mapabuti ang sarili at ang lipunang kinabibilangan.
Pampulitikal “Man by nature is a political animal”. Ang ksabihang ito ay mainam na paglalarawan ng
ikalawang pinagmulan. Naganap ang globalisasyon dahil sa paghahangad ng mga tao na
makabuo ng pandaigdigang pamunuan mula sa batayang mga institusyon panlipunan. Ang
ugnayan, pagsasama-sama at pagkakaisa ng mga bans ana bumuo ng mga Samahan o
organisasyong pandaigdigan ang katibayan ng hangaring ito. Ang mga Samahan at
organisasyong ito ay inaasahang magsisilbing daan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan
sa anumang pakikipag-ugnayan.
Pang-eknomikal“Scarcity is a reality in life”. Mahalagang bigyang diin na ang kakapusan ay isang katotohanan
sa buhay na hindi maaring balewalain. Nabubuhay ang tao sa limitadong yaman na taglay ng
kanyang kapaligiran na dapat niyang mapaghusay ang paggamit upang hindi lubhang
maaapektuhan ng mga suliraning dulot ng kakapusan. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit
ang ekonomikal na globalisasyon ang siyang nagging bunga ng pagsasama-sama ng iba’t-ibang
ekonomiya ng mga bansa sa mundo sa pamamagitan ng malayang daloy ng mga kalakal at
paglilingkod, gayundin ng kapital, kaalaman, teknolohiya at kasanayan upang harapin ang
suliranin ng kakapusan lalo higit sa likas na yaman.
Pangsosyo-Kultural“culture is a way of coping with the world by defining it in detail”.
Yan ang pahayag namula kay Malcolm Bradbury na isang manunulat. Sa hangarin ng tao na
mapalawak at mapalakas ang panlipunang relasyon o ugnayan, naganap at patuloy na
nagaganap ang paghahatid at pagpapalitan ng mga ideya, kultura at tradisyon. Gayundin, ang
mga nakalipas na panahon ay nagpapatunay ng pagiging bukas ng mga bansa sa pagkikilala at
pagtanggap ng mga pagpapahalaga ng ibang bansa.
Mga Institusyong nagsusulong ng Globalisasyon
Pamhalaan- pangunahing tungkulin ng institusyong ito na protektahan ang mga mamamayan at bansa sa anumang uri
ng pakikipag-ugnayan. Ito ang institusyong may kapangyarihan na gumawa at magpatupad ng mga patakarang tuwiran
o di tuwirag gagabay sa pakikipag-ugnayan ng mga tao, organisasyon, ibang pang institusyon at ng bansa misno sa
kabuuan sa isang bansa.
Paaralan – ang lawak ng saklaw ng paaralan bilang isang institusyon sa Lipunan ay hindi matatawaran. Pangunahing
gampanan ng paaralan na maipagkaloob sa mga Kabataan ang tamang kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga na
kinakailangan upang maging matagumpay sa pagharap sa hamong kaakibat ng globlisasyon.
Mass Media- ang institusyong ito ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng media, nakasulat man o hindi. Sakop nito ang
telebisyon, pahayagan, radio, at internet. Ito ang pnagunahing institusyong tagapamahagi ng impormasyon kaya
itinuturing na mahalagang tagapagsulong ng mga kaisipan at pananaw hinggil sa globalisasyon.
Multinational Corporation- ito ay dominanteng institusyong nakaiimpluwensya sa kalagayang pang-ekonomiya ng mga
bansa sa mundo. Ang mg MNCs ay mga kumpanya na nagmamay-ari ng assets o capital sa mga bansa maliban pa sa
bansang pinagmulan nito.
Non- governmental Organization- ito ay mga organisyon na non-profit o hindi naghahangad kumite at hindi rin bahagi
ng pamahalaan ngunit nagsusulong sa kabutihang palahat ng mga mamamayan ng mundo.
Mga Pndaigdigang Organisasyon- ito ay mga Samahan o organisasyon na binubuo ng mga estado sa mundo. Tinatawag
din itong IGO o Inter-Governmental Organization na pangunahing tungkulin ay lumikha ng mga polisiya o patakaran na
gagabay sa mga kasapi nito.
Epekto ng Globalisasyon
Positibo Negatibo
Napanatili ang kapayapaan at pagtutulungan sa pagitan
ng mga bansa.
Lumawak ang agwat sa pagitan ng mayayaman at
mahihirap na bansa.
Naisulong ang pang-ekonomiyang kalagayan ng mga
bansa sa daigdig.
Pagkasira ng kapaligiran dulot ng labis na paggamit at
polusyong hatid ng industriyalisismo.
Napalawak at napatatag ang panlipunang relasyon ng
mga bansa sa mundo
Pagkawala ng pagpapahalaga sa sariling pagkakakilanlan
dulot ng labis na pagyakap at kultura at tradisyon ng mga
banyaga.
Tags