Ano ang ipinahihiwatig ng mg larawan ? Paano mo paghahandaan ang mga kalamidad na ito ? Bakit madalas bumagyo sa Pilipinas ?
BAGYO Ayon sa UP Diksyonaryong Filipino, ang bagyo ay ligalig sa atmospera na karaniwang may palatandaang malkas na ulan , kulog , at kidat . Isa itong sistema ng klimang gumagalaw nang paikot sa paligid ng isang mababang lugar at kumikilos sa pamamagitan ng init na inilalabas kapag umaakyat at lumalapot ang basang hangin Sa ibang lugar ng Pilipinas , ang bagyo ay tinatawag ding unos o sigwa .
Iba-iba ang katawagan sa bagyo depende kung saan ito nabuo Typhoon - kung ito ay nabuo at nakita sa Northwest Pacific Cyclone - kung ito ay nabuo sa South Pacific at Indian Ocean Hurricane - kung ito ay nabuo sa Atlantic Ocean at Northeast Pacific
STORM SURGE - Ito ang hindi normal na pagtaas ng tubig sanhi ng bagyo TSUNAMI - Ito ang tawag sa malalaking alon bunga ng lindol o pagsabog ng bulkan sa ilalim ng dagat .
Mga Impormasyon tungkol sa Bagyo
Ang Kabuuan ng Isang Bagyo
MGA PAGHAHANDA SA BAGYO
BAHA FLASHFLOOD LANDSLIDE EPIDEMYA Nangyayari ang baha o floodings sa pagtaas ng tubig nang higit sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan na ang resulta ay pag-apaw nito sa kapatagan . Ito ang rumaragasang tubig na may kasamang burak, putik, bato, kahoy, at iba pa. Nagaganap ang landslide sa pagguho ng lupa , putik , o mga malalaking bato dahil sa pagiging malambot ng burol o bundok . Ang epidemya ay ang mabilis kaysa normal na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng nakahahawang sakit sa isang partikular na lugar .
Mga Ahensya ng Pamahalaan na Tumutugon sa Panahon ng Kalamidad 1. National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) - ito ang sangay ng pamahalaan sa ilalim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas na responsable sa pagtitiyak ng proteksyon at kapakanan ng mamamayan sa panahon ng sakuna , kalamidad , at krisis . Website: http://www.ndrrmc.gov.ph/ Trunklines : 911-5061 to 65 Operations Center : (02) 911-1406, (02) 912-2665, (02) 912-5668, (02) 911-1873
2. Philippine Atmospheric Geophysicl Astronomical Services Administration (PAGASA) - ito ay isang ahensya sa ilalim ng pamahalaan sa ilalim na Agham at Teknolohiya . Nagbibigay ito ng real-time sabay sa kasalukuyang update ng mga babala ukol sa panahon at bagyo . Website: www.pagasa.dost.gov.ph General Inquiries: Public Information Unit (632) 4342696 3. Philippine Coast Guard - ito ay isang ahensya sa ilalim ng DOTC na nagpapatupad ng kaligtasang pandagat , seguridad , at mga search and rescue operation na lubhang napakahalaga lalo na sa panahon ng mga sakuna at mga kalamidad . Website: coastguard.gov.ph Telepono : (02) 527-8480 loc. 6290/6292; direct line (02) 328-1098
5. Department of Education ( DepEd ) - ito ay nagbibigay rin ng update ukol sa mga anunsyong mula sa mga lokal na pamahalaan tungkol sa pagsususpinde ng klase sa iba’t ibang lugar sa bansa lalo na sa panahon ng trahedya o panganib . Website: deped.gov.ph Hotline: (632) 636-1663, (+63) 919-456-0027 4. Philippine Information Agency (PIA) - ito ay ahensya na naglalabas ng update ukol sa mga relief and rescue effort sa mga lugar na apektado ng natural na kalamidad Website: news.pia.gov.ph Telepono : (02) 929-4521, (02) 772-7660
Subukin Natin Ano ang bagyo ? Ibigay ang kaibahan ng typhoon sa cyclone at hurricane. Bakit madalas daanan ng bagyo ang Pilipinas ? Paano nalalaman kung may darating na bagyo sa ating bansa ? Paano maiiwasan ang paglaganap ng epidemya matapos ang bagyo ? Paano pinapangkat o inuuri ang mga bagyo sa Pilipinas ?
Pamprosesong Kasanayan Sumulat ng isang sanaysay na naglalarawan ng pangkapaligirang suliranin sa mundo . Lagyan ng sariling pamagat ang iyong gagawing sanaysay . Maaaring gumamit ng ibang papel sa pagsulat ng iyong sanaysay .