3
BAITANG 5 | ARALING PANLIPUNAN
YUNIT 11
Pagbabago sa Pulitika at Ekonomiya
Sa panahon ng pananakop ng mga
Espanyol, nagkaroon ng mga
pagbabagong panlipunan sa Pilipinas,
kagaya ng pagbabago sa panahanan, sa
katayuan ng mga tao sa lipunan, at
maging sa gampanin ng kababaihan.
Nagkaroon din ng pagbabagong
kultural. Naimpluwensiyahan ng
kulturang Espanyol ang kulturang
Pilipino. Malaki ang naging epekto ng
Katolisismo sa kultura at tradisyon ng
mga katutubo.
Kaalinsabay nito, nagpatupad din ng
mga pagbabago ang kolonyal na
pamahalaan sa aspektong pampulitika
at pang-ekonomiya. Ilan sa malaking
pagbabago ay ang estruktura ng
pamahalaan at sistema ng kalakalan.
Kagaya ng inaasahan, malaki ang naging
epekto ng mga pagbabago sa
pamamahala ng mga Espanyol sa
pamumuhay ng mga Pilipino.
Sa pangkalahatang paglalahad ng
yunit na ito, susuriin natin ang mga
pagbabagong pampulitika at pang-ekonomiya na ipinatupad ng kolonyal na pamahalaan
ng Espanya sa Pilipinas. Hihimayin natin ang mga pagbabago sa estruktura ng pamahalang
kolonyal, sistema ng kalakalan, at ang epekto ng mga pagbabago sa pamamahala ng mga
Espanyol.
Pindutin ang Home button para
bumalik sa Talaan ng Nilalaman
Si Gobernador-Heneral Guido de Lavezares ang
ikalawang kinatawan ng Hari ng Espanya sa kolonyang
Pilipinas mula 1572-1575.
4
Aralin 1
Estruktura ng Pamahalaang Kolonyal
Totoong walang naipagmalaking nasyonalismo
o diwang makabayan ang mga sinaunang
Pilipino nang dumating sa Pilipinas ang mga
Espanyol noong ika-16 na siglo. Madaling
mauunawaan ang isang dahilan nito—ang
bansa ay isang kapuluan o arkipelago.
Gayunpaman, may sarili nang kabihasnan ang
mga sinaunang Pilipino bago pa man
dumating ang mga Espanyol. Maliban sa
sistemang panlipunan, kung saan may pag-
uuri ng mga tao, may sarili na rin silang
sistema ng pamahalaan na nakaakma sa
lokasyon nito.
Ano ang tawag sa mga sinaunang pamahalaan
ng mga Pilipino?
Ano ang balangkas nito?
Bakit at paano binago ng mga Espanyol ang
estruktura ng pamahalaang kolonyal?
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
•nasusuri ang mga pagbabagong pampulitika at pang-ekonomiya na
ipinatupad ng kolonyal na pamahalaan; at
•naihahambing ang balangkas o estruktura ng pamahalaang kolonyal sa uri
ng pamamahala ng mga sinaunang Pilipino.
Mga Uring Maharlika
5
Ganito ang balangkas ng sinaunang pamahalaan ng mga Pilipino bago dumating ang
mga Espanyol. Kaya mo ba itong ipaliwanag? Subukang ipaliwanag ang balangkas na
ito.
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
PAMAHALAANG BARANGAY
Datu
(Tagapagpatupad)
Datu
(Tagapagbatas)
Datu
(Tagapaghukom)
Subukan Natin
6
Kagaya nang nabanggit na, iniakma ng mga
katutubo ang sistema ng pamahalaan sa
lokasyon nito. Binuo nila ang Pamahalaang
Barangay at Pamahalaang Sultanato. Sa
panahon ng kolonyalismo, bilang pagsunod sa
layunin ng Espanya, binago ng mga Espanyol
ang uri ng pamamahala ng mga katutubo.
Ipinakilala at ipinatupad nila ang bagong
estruktura ng Pamahalaang Kolonyal.
Mga Uri ng Pamamahala ng mga
Sinaunang Pilipino
Pag-aralan natin ang mga uri ng pamamahala
ng mga sinaunang Pilipino upang madali natin itong maihahambing sa estruktura ng
Pamahalaang Kolonyal.
Pamahalaang Barangay
•Ang bawat panahanang lugar (puwedeng ihambing sa maliit na bayan o pueblo) ay
maaaring binubuo ng lima, sampu, o higit pang barangay.
•Ang barangay ay isang maliit, subalit malayang lipunan na binubuo ng 30 hanggang
100 pamilya. Ito rin ang tawag sa sistema ng pamahalaang umiral sa halos buong
kapuluan.
•Ang datu ang pinuno ng isang barangay. Bawat barangay ay may sariling pinuno.
•Ang kapangyariahan ng datu ay ganap o lubos (absolute). Sa katunayan, siya ang
tagapagpaganap, tagapagbatas, at tagapaghukom. Ang posisyon ng datu ay
namamana.
•Ang datu rin ang punong kumander ng mga mandirigma sa barangay.
•Ang datu ay tumatanggap ng kaukulang respeto at paglilingkod mula sa mga
nasasakupan, maging sa labas ng kaniyang barangay.
•Kapalit ng respeto at paglilingkod, tungkulin ng datu na alagaan at ipagtanggol ang
kaniyang mga kabarangay.
•Halos ganito ang larawan ng pamamahala sa buong kapuluan, maliban sa ilang
lugar sa Mindanao.
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na
salita:
•kapisanan – lupon; grupo
•usapin – suliranin; problema
•sentralisado – iisa ang
pinagmumulan ng
kapangyarihan
•estruktura – balangkas
7
Pag-aralan ang balangkas ng Pamahalaang Barangay.
Pamahalaang Sultanato
•Ang Islam, relihiyon ng mga Muslim, ay may kinalaman sa uri ng pamamahala ng
sultanato.
•Ang sultanato ay isang uri ng pamahalaan ng mga Muslim. Ang Maguindanao at
Sulu ay may matatag na pamahalaang sultanato.
•Ang sultan ang pinuno ng sultanato. Ang posisyong ito ay namamana. Nasa ilalim
ng kaniyang pamumuno ang kapisanan ng mga datu.
•Ang sultan ay makaharing datu, bagaman wala siyang ganap o lubos na
kapangyarihang mamahala katulad ng datu sa pamahalaang barangay.
•Ang sultanato ay nahahati sa ilang distrito na may pamamahala ng panglima.
•Ang panglima ay ang halal na pansariling kinatawan (elected personal representative)
ng sultan at direktang nakikipag-ugnayan sa mga datu sa bawat distrito.
•Ang orangkayas ang kumakatawan kung ang usapin ay nauukol sa kapakanan ng
karaniwang tao.
•Ang qadi o kali ay hinirang ng sultan batay sa kaalaman niya sa Koran, ang banal na
aklat ng mga Muslim.
•Ang pandita o edukadong pinuno ay nakikipag-ugnayan sa qadi hinggil sa usaping
espirituwal.
•Ang ruma bichara ay ang pinakamataas na konseho ng tagapayo ng sultan.
Binubuo ito ng iba’t ibang konseho.
PAMAHALAANG BARANGAY
Datu
(Tagapagpatupad)
Datu
(Tagapagbatas)
Datu
(Tagapaghukom)
8
•Ang konseho ng ruma ang tumatalakay sa lahat ng bagay at usapin na may
kaugnayan sa sultanato, maliban sa kapakanan ng karaniwang tao.
•Ang pamahalaang sultanato ay higit na organisado kaysa sa pamahalaang barangay.
•Halos ganito ang larawan ng pamahalaan ng ibang lugar sa Mindanao.
Tunghayan ang balangkas ng Pamahalaang Sultanato.
Napatunayan na natin na ang sinaunang Pilipino ay may sarili at mataas na antas ng
kabihasnan bago pa man dumating ang mga Espanyol. Isa sa mga patunay nito ay ang
pagkakaroon ng pamahalaang barangay at sultanato. Subalit, kapansin-pansin ang
kahinaan ng sistema ng pamamahala ng pamahalaang barangay.
PAMAHALAANG SULTANATO
Qadi
Pandita
Sultan
Panglima
Datu
Orangkayas
Ruma Bichara
Konseho
9
Nasa ganitong kalagayan ang mga pamahalaan ng mga katutubong Pilipino nang
dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas noong 1521. Dahil ang tunay na layunin ng
Espanya ay pananakop, ang sariling kahinaan ng Pilipinas ang naging malakas nilang
kasangkapan upang tuluyang masakop ito. Mula sa pamahalaang barangay, pinalitan ito
ng isang sentralisadong pamahalaang kolonyal.
Balangkas o Estruktura ng Pamahalang Kolonyal
Nagkaroon ng maraming pagbabago sa estruktura ng pamamahala sa Pilipinas nang
sakupin ng mga Espanyol ang bansa. Narito ang balangkas ng pamahalaang kolonyal na
siyang gumabay sa mahabang panahon sa kolonyang Pilipinas. Pag-aralan natin ito sa
sumusunod na grapikong pantulong.
Pamahalaang Kolonyal
•Ang Espanya ay nagtatag ng isang
pamahalaang kolonyal sa Pilipinas.
•Pamahalaang kolonyal ang tawag
dahil kolonya ang Pilipinas ng
Espanya.
•Sa pamahalaang kolonyal, iisa ang
pinanggagalingan ng
kapangyarihang pulitikal na
ipinatutupad sa buong kolonya.
•Ang pamahalaang kolonyal ay
nahati sa dalawa—ang sentral na
pamahalaan at lokal na
pamahalaan.
10
Sentral na Pamahalaan Lokal na Pamahalaan
Binubuo ng dalawang sangay:
•Tagapagpaganap o Ehekutibo –
pinamumunuan ng gobernador-
heneral
•Tagapaghukom o Hudikatura –
pinamumunuan ng Real Audiencia
Ang Tagapagbatas o Lehislatura ay
nasa Espanya. Ibig sabihin, sa
Espanya nagmumula ang lahat ng
batas na ipinatutupad sa Pilipinas.
Binubuo ng sumusunod:
•Panlalawigan – pinamamahalaan ng
alcalde mayor
•Panlungsod – pinamamahalaan ng
alcalde
•Pambayan – pinamamahalaan ng
gobernadorcillo
•Pambarangay – pinamamahalaan ng
cabeza de barangay
Ang gobernadorcillo ang pinakamataas sa posisyon
sa pamahalaan na puwedeng hawakan ng isang Pilipino.
11
Sentral na Pamahalaan Lokal na Pamahalaan
Gobernador-Heneral
•Kinatawan ng Hari ng Espanya
•Pinakamataas na pinuno
•Punong tagapagpaganap ng mga
dekrito at batas mula sa Espanya
•Punong Komandante ng Hukbong
Sandatahan
•Tagahirang at taga-alis ng mga
opisyal sa kolonya, maliban sa
hinirang ng hari
•May kapangyarihang cumplase (hindi
ipatupad ang batas)
•Vice Real Patron, may kapangyarihang
makialam sa usaping pansimbahan
Ang gobernador-heneral ay maaaring
magsilbi bilang pangulo ng Real Audiencia
kung kinakailangan.
Real Audiencia
•Punong tagapaghukom
•Tagapayo ng gobernador-heneral
•Tagasuring panlahat ng gastos ng
pamahalaan
•Naghahanda ng ulat ng pamahalaan
•Nagtitimbang ng kapangyarihan ng
gobernador-heneral
•Nagsisiyasat ng mga gawain ng
gobernador-heneral
Ang Real Audiencia ay nilikha ng hari noong
1583 bilang Hukuman ng Kolonya. Subalit
Alcalde Mayor
•Pinuno ng alcaldia o lalawigan
•Nagpapatupad ng kautusan buhat
sa Maynila
•Dumidinig ng mga kaso sa
nasasakupan
Ang mga lalawigang hindi pa ganap na
nasasakop ay tinatawag na corregimiento,
pinamumunuan ng corregidor.
Alcalde
•Pinuno ng ayuntamiento o lungsod,
katulong ang mga regidor
(councilor), alguacil mayor (chief
peace officer), at escribano
(secretary)
•Ang Cebu, Naga, at Iloilo ay ilan
lamang sa ayuntamiento.
Gobernadorcillo
•Pinuno ng pueblo o bayan
Nagpapatupad ng kautusan buhat
sa alcaldia
•Dumidinig ng mga kaso sa
nasasakupan
•Ang gobernadorcillo ay ang
pinakamataas na posisyong
maaaring hawakan ng mga
Pilipino.
12
noong 1589, binuwag ito dahil sa alitan ng
gobernador-heneral at oidores (hukom),
Muli itong itinatag noong 1595.
Cabeza de barangay
•Pinuno ng barangay
•Tagakolekta ng buwis
•Gumagawa ng anumang bagay na
iniuutos ng mas mataas na pinuno
Katulad rin ng gobernadorcillo, ang cabeza
ay walang suweldo, subalit hindi sila
nagbabayad ng buwis at may prebilehiyo
o karapatang mapabilang sa pangkat
principalia.
Miguel Lopez de Legazpi,
kauna-unahang gobernador-
heneral sa kolonyang Pilipinas
13
A.Punan ang grapikong pantulong upang mabuo ng balangkas o estruktura ng
Pamahalaang Barangay.
PAMAHALAANG BARANGAY
Datu
(1) ___________
(2) __________
Tagapagbatas
Datu
(3) __________
Suriin Natin
14
B.Punan ang grapikong pantulong upang mabuo ng balangkas o estruktura ng
Pamahalaang Kolonyal.
PAMAHALAANG KOLONYAL
Gobernador-Heneral
(1) ______________
(3)_______________
(5)_______________
(6) _____________
(4) _____________
(2)______________
Tagapaghukom
15
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1.Ano ang pamahalaang barangay?
2.Bakit higit na organisado ang pamahalaang sultanato kaysa sa pamahalaang
barangay?
3.Paano nagkakaiba ang mga pamahalaang barangay, sultanato, at kolonyal?
Ang pangunahing tungkulin ng isang pamahalaan ay ang gabayan ang mga mamamayan
tungo sa kaunlaran. Kung mas mahusay ang isang sentralisadong pamahalaang kolonyal
kaysa sa pamahalaang barangay, bakit lalong naghirap ang mga Pilipino?
Mula sa naipong kaalaman at sa masasaliksik pa, punan ang tsart upang maipakita ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng pamahalaang kolonyal ng mga Espanyol sa uri ng
pamamahala ng mga sinaunang Pilipino. Subukan ding ihambing ang mga ito sa
kasalukuyang pamahalaan ng Pilipinas. Pagkatapos, malaya kang bumuo ng konklusyon o
paglalahat tungkol sa nilalaman ng nabuong tsart.
Barangay Sultanato Kolonyal Kasalukuyan
Pamunuan at
saklaw na
kapangyarihan
Pagpapatupad
ng mga batas at
mga patakaran
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
16
Paggawa at
pagpapabatid
ng batas
Sistema ng
paglilitis at
pagpataw ng
parusa
Konklusyon/Paglalahat:
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng
Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay
Marka
Nilalaman Halos walang
laman at
napakalabo
ng
talahanayan,
ito ay resulta
ng kawalan ng
kasanayan at
interes sa
pananaliksik
Kalahati
lamang sa
nilalaman ng
talahanayan
ang malinaw
at tama;
kailangan pa
ng ibayong
pananaliksik
upang
makumpleto
ang gawain
Malinaw at
tama ang
nilalaman ng
talahanayan;
may ilang
bilang na
hindi
naipaliwanag;
ang resulta
ng gawain ay
bunga ng
pananaliksik
Kumpleto,
napakalinaw,
at tama lahat
ang nilalaman
ng
talahanayan;
ang
makabuluhang
resulta ng
gawain ay
bunga ng
pananaliksik
17
Kaayusan at
Kalinisan
Walang
kaayusan at
napakadumi
ng output;
napakaraming
nakitang bura,
dumi o
pagkakamali
Kailangang
matutong
maging
maayos at
malinis sa
paggawa;
maraming
nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Maayos at
malinis ang
output; may
ilang
nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Napakaayos at
napakalinis ng
ipinasang
output; walang
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa
ng output sa
loob ng ilang
panahon
matapos ang
itinakdang
pasahan dahil
ipinaalala ng
guro
Nakapagpasa
ng output sa
loob ng ilang
panahon
matapos ang
itinakdang
pasahan
Nakapagpasa
ng output sa
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output bago
pa ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
KABUUAN
18
Aralin 2
Sistema ng Kalakalan
Ang mga katutubong
Pilipino, bago pa man
ang pananakop ng
Espanya, ay matagal nang
nakikipag-ugnayan at
nakikipagkalakalan sa
mga karatig-bansa sa Asya.
Pag-aralan natin ang
sistema ng sinaunang
pakikipagkalakalan ng ating
mga ninuno upang madali
nating maihambing ito sa
sistema ng kalakalan sa
panahon ng kolonyalismo.
Ano ang tawag sa sistema ng pakikipagkalakalan ng sinaunang Pilipino?
Paano ito isinagawa?
Paano nagkakaiba ang sistema ng kalakalan ng mga sinaunang Pilipino sa sistema noong
panahon ng kolonyalismo?
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naihahambing ang
sistema ng kalakalan ng mga sinaunang Pilipino sa sistema noong panahon ng
kolonyalismo.
Nakikipagpalitan ng kalakal
ang mga katutubong Pilipino sa mga karatig-bansa.
19
Lagyan ng diyalogo o usapan ang larawan.
Subukan Natin
20
Ang kaunlaran ng isang lugar ay may
kinalaman sa heograpiya nito. Maganda ang
lokasyon, katamtaman ang klima, at sagana sa
likas na yaman ang bawat barangay sa buong
kapuluan. Kaya, may maunlad na kabuhayan
ang sinaunang lipunang Pilipino.
Sistema ng Kalakalan ng mga
Sinaunang Pilipino
Kalakalang Panloob
Dahil sa maunlad na kabuhayan, nagkakaroon
ng puwang ang maunlad din na kalakalan. Ang
kalakalang ito ay sa pagitan ng mga barangay.
Kadalasan, ang kalakalan ay nangyayari sa mga
bukana at pampang ng malalaking ilog at sa mga tabing dagat. Pinatutunayan ito ng mga
Espanyol, na sa kanilang tala ay may ganitong mababasa:
Pakikipagkalakalan sa Ibang Bansa
Maliban sa kalakalan sa loob ng bansa, masigla ring nakikipagkalakalan ang Pilipinas sa
ibang bansa. Noon ay sikat ang Sulu bilang pamilihan ng perlas sa buong Silangan.
Napakayaman sa perlas ang Dagat ng Sulu, kaya nawiling mandayuhan dito ang mga
mangangalakal mula sa Borneo. Nagtayo sila ng pamilihan sa Sulu hanggang maging
sentro ito ng kalakalan. Nagkaroon ng masiglang kalakalan, hindi lamang ng mga perlas, sa
pagitan ng mga bansang Indonesia, Malaysia, at Arabia.
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na
salita:
•bukana – entrada; pasukan
•daungan – tigilan ng mga
sasakyang pandagat
•heograpiya – panlabas na anyo
ng lugar
•lumaon – nagtagal
•pakikitungo – pakikisama
•sangkot – gamit
Nang dumating sa Pilipinas ang mga Espanyol, nakakita sila ng
maraming sasakyang pandagat sa Cebu. Ang ilan dito ay
nagmula pa sa Maynila. Ang karamihan ay nagbuhat sa iba’t
ibang lugar sa Luzon.
21
Ang sinaunang Pilipinas ay may maunlad na
kabuhayan. Lubhang marami ang produktong
Pilipino, kaya nagawa nilang makipagkalakalan sa
ibang bansa. Noong ika-7 siglo, nagsimula ang
kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.
Namamayani nang mga panahong iyon ang
Dinastiyang Tang. Ang mga Tsino ay nagdadala
sa Pilipinas ng iba’t ibang k alakal at
kasangkapang gawa sa metal, gayundin ng seda,
porselana, palayok, salamin, jade ivory, at alak.
Gustong-gusto naman ng mga Tsino ang
matitigas na kahoy, mga telang magaganda ang
disenyo, pandikit at pagkit, dagta, nganga, perlas,
yantok banig, at mga rekado mula sa Pilipinas. Sa
panahon ng Dinastiyang Sung, naging mas
maunlad ang kalakalan sa pagitan ng dalawang
bansa. Maraming Tsino ang nanirahan sa
Pilipinas. Nang sumunod na panahon ay
nagtatag na sila ng mga pamayanan sa Luzon. Lalong umunlad ang kalakalan ng mga Tsino
at Pilipino sa panahon ng Dinastiyang Ming (1368-1650). Narito ang isang tala kung paano
nangyayari ang kalakalan:
Sa kalagitnaan ng ika-14 na siglo, nakipagkalakalan ang mga Pilipino sa Cambodia.
Nang lumaon ay nakipagkalakalan na rin ang mga Pilipino sa Thailand at ibang bahagi ng
dating Indochina.
Gamit ang sasakyang junk, naging paboritong puntahan ng mga
Tsino ang Pilipinas. Nagtatambol sila upang ipaalam sa mga
Pilipino ang kanilang pagdating. Ang mga Pilipino, sakay ng
maliliit na bangka ay pupunta sa junk. Doon mangyayari ang
kalakalan na tatagal ng apat na araw. Kung minsan, kapwa sila
nagpapautang sa isa’t isa at ang bayaran ay sa susunod na balik
ng mga Tsino. Marso ang paboritong buwan ng kalakalan dahil
tag-init.
Ang mangkok na ito ay isa sa mga
produktong nagmula sa Tsina
22
Sistemang Barter
Bagaman gumagamit na ng pera o salapi (tinatawag na piloncitos) ang ilang pamayanan,
ang karaniwang paraan ng kalakalan noon ay sa pamamagitan ng sistemang barter.
Ang barter ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kalakal sa kalakal.
Halimbawa, ang perlas ni Makisig ay ipagpapalit niya ng porselanang banga ni Qiyuan.
Kapag nagkasundo ang dalawang panig, magaganap ang barter, ang palitan ng produkto sa
produkto. Walang perang sangkot sa kalakalang ito. Narito ang isang pagbabahagi ng
karanasan ng isang mangangalakal na Tsino:
Sistema ng Kalakalan sa Panahon ng Pananakop
Napag-aralan na natin na bago pa man
dumating ang mga Espanyol, masigla nang
nakikipagkalakalan ang mga Pilipino sa mga
kalapit nitong mga bansa kagaya ng Arabia,
Tsina, Indonesia, Malaysia, Thailand, at
Cambodia. Naging sentro ng kalakalan ang
Maynila dahil sa napakagandang lokasyon nito.
Nang malaman ito ni Miguel Lopez de Legazpi,
ng unang gobernador-heneral sa kolonyang
Pilipinas, binuksan niya ang daungan sa
Maynila para sa kalakalang galyon.
Kalakalang Galyon
Kalakalang Galyon ang tawag sa kalakalang ito
dahil isang galyon (malaki at magarang bapor)
ang ginagamit ng Espanya sa kontroladong
kalakalan sa pagitan ng Mehiko at Pilipinas.
Ang Mehiko at Pilipinas ay parehong kolonya
“Humahanga kami sa katapatan at mabuting pakikitungo ng
mga Pilipino sa mga Tsino, maging sa ibang mangangalakal.
Kahit na iwanan namin ang mga kalakal sa mga bangka,
pinapalitan ang mga ito ng mga Pilipino ng mga produktong sa
palagay nila ay katumbas ng kinuha nila.”
Galyon sa Maynila mula sa Acapulco
23
ng Espanya. Kilala rin ito sa tawag na Kalakalang Maynila-Acapulco, dahil dumadaong
lamang ang galyon sa Maynila, Pilipinas at Acapulco, Mehiko. Ibig sabihin, ang kalakalang
ito ay isang monopolyo ng pamahalaan dahil tinatakdaan ng Espanya ang kalakalang ito.
Layunin ng Kalakalan
Pangunahing layunin ng kalakalang galyon ang
makalikom ng malaking salapi para sa
pangangailangan ng Espanya. Pingangasiwaan
ng pamahalaan ang operasyon o pagpapatakbo
ng kalakalang galyon. Karamihan sa mga kalahok
sa kalakalan ay iyong may kakayahang kumuha
ng ticket o boleta na tanging mayayaman
lamang ang may kakayahang bumili. Kabilang sa
mga kalahok ay ang gobernador-heneral, mga
prayle, matataas na pinuno, at mga kaibigan nila.
Sistema ng Kalakalan
Malaki ang halaga ng isang boleta na kailangang
bayaran ng mangangalakal upang makasali siya
sa kalakalang galyon. Ang bawat boleta, na
siyang katunayan o katibayan na nagmamay-ari
ka ng mga kalakal sa galyon, ay may
halagang 250 piso. Bawat boleta ay may
katumbas na isang pitak o espasyo sa galyon
na paglalagyan ng mga kalakal. Malaki rin ang
tubo ng mga namumuhunan sa kalakalan.
Sa bawat biyahe ay maaaring kumita o tumubo ng hanggang 300 porsiyento. Halimbawa,
ang 250 piso ay magiging 1,000 piso. Kaya, hindi nakamamangha kung bakit karamihan sa
mga kalahok ay mga Espanyol. Kung sakaling kapos sa pondo, maaari silang manghiram sa
Obras Pias na pinangangasiwaan naman ng mga prayle. Marami ring prayle ang kalahok sa
kalakalang galyon.
Tanging isang barko lamang ang naglalayag at dumarating sa Maynila bawat taon.
Ang galyong ito ang magkakarga ng mga kalakal mula sa Silangan patungo sa Kanluran,
na ibinabagsak sa Acapulco. Tinatayang mga 200 araw ang tagal ng paglalakbay ng isang
galyon sa buong pag-ikot nito. Mahaba at mapanganib ang paglalakbay ng galyon.
Ang mga mayayaman at
makapangyarihan lamang ang nakakasali
sa kalakalang galyon
24
May mga namamatay o kaya naman ay nagkakasakit habang nasa biyahe.
Maaari ding masiraan, lumubog, at pagnakawan ng mga tulisang-dagat o pirata habang
naglalakbay. Kaya, kapag dumarating ang galyon sa Maynila, may ganitong pahayag ang
karaniwang Pilipino:
Halaga ng mga Kalakal
Sinasabing ang isang papaalis na galyon sa
Pilipinas ay larawan ng kayamanan. Lulan
nito ang mga natatanging produkto mula sa
Silangang kagaya ng sutla, porselana,
mahahalagang hiyas, mga panrekado, at
marami pang iba na sa Silangan lamang
matatagpuan. Ang mga nasabing
mahahalagang produkto ay maaaring mabili
ng mga Espanyol sa murang halaga lamang.
Ibinibenta ang mga ito sa Kanluran sa
napakataas na halaga. Sa pagbabalik ng
galyon mula sa Mehiko, dala naman nito ang
mga salaping pilak na napakataas ng
halaga at mga kalakal na sagana sa
Kanluran. Ipinagbibili ito sa Pilipinas sa
mataas na presyo.
“Isang malaki at natatanging pagdiriwang sa Pilipinas ang pag-
alis at pagdating ng galyon. Ginagayakan, gamit ang iba’t ibang
palamuti, ang Kamaynilaan, sa saliw ng masasayang tugtugin.
Nagdaraos ng misa ang simbahan bilang pasasalamat o tagubilin
para sa ligtas na paglalakbay ng galyon.”
Ang seda at perlas ay isa sa mga produktong
dinadala mula Pilipinas hanggang Mehico
25
Iba pang Silbi ng Kalakalan
Kung susuriin, ang kalakalang galyon ay hindi lamang nakatuon sa kalakalan. Ito ay
nagsilbing tagapag-ugnay ng Pilipinas sa mga bansa sa Kanluran, lalo na sa Timog Amerika.
Ito rin ang nagdadala ng kautusan at anumang kalatas mula sa Hari o ng pamahalaang
Espanya tungo sa kolonyang Pilipinas. Nagkaroon ng pagpapalitan ng mga halaman at
hayop ang Silangan at Kanluran dahil sa kalakalang galyon. Higit na nakilala ang Pilipinas
sa kabilang panig ng mundo at nagkaroon ng kamalayan ang mga Pilipino sa mga bagay-
bagay tungkol sa Kanluran.
Sa paglaganap sa Europa ng kaisipan tungkol sa malayang kalakalan, napilitang makiayon
dito ang Espanya. Kaya, napilitan ang hari na wakasan ang kalakalang galyon noong 1815.
26
A.Hanapin sa Hanay B ang hinihingi o inilalarawan ng Hanay A.
Hanay A Hanay B
1.Sasakyang pangkalakal ng mga Tsino A.barter
2.Palitan ng produkto sa produkto rin B.boleta
3.Malaki at magarang barko C.pilak
4.Katibayang may puwesto sa galyon D. galyon
5.Mahalagang kalakal mula sa Pilipinas E.kalakal
F.rekado
G.junk
B.Isa-isahin ang hinihinging sagot.
Tatlong bansang direktang sangkot sa Kalakalang Galyon:
1._____________________
2._____________________
3._____________________
Dalawang tao o grupo ng tao na labis na nakinabang sa Kalakalang Galyon:
4._____________________
5._____________________
Suriin Natin
27
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1.Ano ang sistemang barter?
2.Bakit naging sentro ng kalakalan ang Pilipinas sa Silangan bago ang panahon ng
pananakop ng Espanya?
3.Paano nabago ang sistema ng kalakalan ng mga katutubong Pilipino sa ilalim ng
pamahalaang kolonyal?
Ang sinaunang kalakalan ay nakabatay sa tiwala sa isa’t isa ng dalawang panig. Mayroong
mataas na pagtitiwala ang mga dayuhang mangangalakal sa mga Pilipino. Ibig sabihin, ang
mga sinaunang Pilipino ay katiwa-tiwala. Mayroong bang pagbabaago sa mabuting ugaling
ito ng mga Pilipino?
Punan ang talahanayan upang maipakita ang lakas at kahinaan ng sistema ng
kalakalan ng mga sinaunang Pilipino at sistema noong panahon ng kolonyalismo.
Pagkatapos mabuo ang tsart, pagsama-samahin ang kalakasan ng dalawang sistema
at mula rito ay malayang bumuo ng konklusyon o paglalahat.
Lakas Kahinaan
Sinaunang Kalakalan •(halimbawa) malaya
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
28
Kalakalang Galyon •(halimbawa)
kontrolado
Kalakasan
Konklusyon
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay
Marka
Nilalaman Halos walang
laman at
napakalabo ng
talahanayan
Kalahati
lamang sa
nilalaman ng
talahanayan
ang malinaw at
tama
Malinaw at
tama ang
nilalaman ng
talahanayan,
may ilang
bahagi na
hindi
naipaliwanag
Kumpleto,
napakalinaw,
at tama lahat
ang nilalaman
ng
talahanayan
Kaayusan at
Kalinisan
Walang
kaayusan at
napakadumi
ng output;
napakaraming
nakitang bura,
Kailangang
matutong
maging
maayos at
malinis sa
paggawa;
maraming
Maayos at
malinis ang
output; may
ilang nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Napakaayos
at napakalinis
ng ipinasang
output; walang
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
29
dumi o
pagkakamali
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa
ng output sa
loob ng ilang
panahon
matapos ang
itinakdang
pasahan dahil
ipinaalala ng
guro
Nakapagpasa
ng output sa
loob ng ilang
panahon
matapos ang
itinakdang
pasahan
Nakapagpasa
ng output sa
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output
bago pa ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
KABUUAN
30
Aralin 3
Epekto ng mga Pagbabago sa Pamamahala ng mga
Espanyol
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
•natatalakay ang epekto ng mga pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol sa
pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino; at
•nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto ng kolonyalismo
sa lipunan ng mga katutubong Pilipino.
31
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________
Subukan Natin Mula sa iyong imahinasyon, ano kayang pangaabuso ang naranasan ng mga
katutubong Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol? Gumuhit ng
isang larawang nagpapakita ng pangaalipin sa mga katutubo ng mga Espanyol.
Ilarawan ang iginuhit na larawan.
32
Maliban sa Maguindanao, Sulu, at ilan pang
bahagi sa Mindanao na ginagabayan ng
pamahalaang sultanato, walang sentralisadong
pamahalaan sa Pilipinas nang dumating ang
mga Espanyol. Ang uri ng pamahalaan noon ay
tinawag na barangay na binubuo ng humigit-
kumulang sa 30 hanggang 100 pamilya o
kabahayan. Ang pinuno ng barangay ay may
kapangyarihang gumawa at magpatupad ng
mga batas, magsilbing hukom, at maging pinuno
ng mga mandirigma sa kaniyang nasasakupan.
Nasa ganitong kalagayan ng pamamahala ang
mga katutubong Pilipino nang dumating ang
mga Espanyol noong 1521 hanggang 1565, nang tuluyan nang masakop ang Pilipinas.
Pagbabago sa Uri ng Pamamahala/Pulitika
Dahil pananakop talaga ang tunay na layunin, ang sariling
kahinaan ng mga Pilipino ang naging malakas na
kasangkapan ng pananakop. Mula sa pamahalaang
barangay, pinalitan ito ng isang sentralisadong
pamahalaang kolonyal. Ito ay nangangahulugang ang mga
kautusan ay nagmumula sa sentral na pamahalaan, at ito
ay ipinatutupad at sinusuportahan ng pamahalaang lokal.
Ang gobernador-heneral ang pinakamataas na opisyal na
tumatayong kinatawan ng hari ng Espanya sa Pilipinas.
Samantala, ang mga dating raha at datu ay humawak na
lamang ng pinakamababang posisyon sa pamahalaang
lokal, maaaring bilang gobernadorcillo o cabeza de
barangay.
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na
salita:
•rekado – pampalasa
•prayle – paring Espanyol
•naudlot – natigil; naantala
•inatupag – ginawa; inasikaso
•dumagsa – dumami
•pag-aalsa - rebelyon
Si Miguel Lopez de Legazpi ang
unang gobernador-heneral ng
Pilipinas.
33
Pagbabago sa Sistema ng Kalakalan/Ekonomiya
Malaon nang may kasanayan sa
pakikipagkalakalan ang mga Pilipino sa
pamamagitan ng panloob na ka lakalan sa
pagitan ng mga barangay. Masigla ring
nakikipagkalakalan ang Pilipinas sa ibang
bansa. Ang Sulu ay napakayaman sa mga
perlas, kaya naging sentro ito ng kalakalan sa
pagitan ng mga bansang Indonesia, Malaysia,
at Arabia. Noong ika-7 siglo, nagsimula ang
kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.
Ang mga Tsino ay nagdadala sa Pilipinas ng
iba’t ibang kalakal at kasangkapang gawa sa
metal, seda, porselana, palayok, salamin, at
alak kapalit ng matitigas na kahoy, mga
telang magaganda ang disenyo, pandikit,
dagta, nganga, perlas, yantok, banig, at mga
rekado mula sa Pilipinas.
Nagpatuloy ang ganitong
kalakalan hanggang ika-17 siglo.
Ang karaniwang paraan ng
kalakalan noon ay sa
pamamagitan ng sistemang
barter. Ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng pagpapalitan ng
kalakal sa kalakal. Ang malayang
pakikipagkalakalan ng mga
Pilipino sa mga karatig-bansa ay
napalitan ng ibang sistema sa
panahon ng pananakop ng mga
Espanyol. Bilang isa sa mga
paraan upang mapaunlad ang
ekonomiya ng Espanya,
ipinatupad nila ang kalakalang
galyon, isang uri ng kalakalang
Ang dagta o resin na makukuha sa kahoy ay
isa sa mga produktong kasama sa kalakalan
Galyon
34
kontrolado o monopolyo ng pamahalaan. Karamihan sa kalahok sa kalakalan ay
mayayaman. Kabilang sa mga kalahok ay ang gobernador-heneral, mga prayle,
at matataas na pinuno. Ang galyon ay larawan ng kayamanan, sapagkat lulan nito ang mga
natatanging produkto mula sa Silangan kagaya ng sutla, porselana, mahahalagang hiyas, at
mga panrekado na sa Silangan lamang matatagpuan. Sa pagbabalik ng galyon mula sa
Mehiko, dala naman nito ang mga salaping pilak na napakataas ng halaga at mga kalakal
na sagana sa Kanluran. Subalit, sa kabila nito, nagdulot ito ng masamang epekto sa
kalagayang pangkabuhayan ng mga Pilipino.
Epekto ng Kalakalang Galyon sa
Kabuhayan ng Mga Pilipino
•Naudlot ang pag-unlad ng
kabuhayan sa Pilipinas dahil
napabayaan ito ng pamahalaan, na
walang inatupag kung hindi ang
kalakalang galyon upang
makinabang nang malaki.
•Nalimitahan ang pakikipagkalakalan
ng Pilipinas sa Mehiko. Natigil ang
masiglang pakikipag-ugnayan sa
ibang karatig-bansa sa Asya.
Dumagsa ang mga Tsino sa
Pilipinas noong panahon ng
kolonyalismong Espanyol na naging kaagaw pa ng mga Pilipino sa kabuhayan.
•Nasira ang maraming gubat sa Pilipinas dahil sa labis na pangangailangan ng
maraming troso sa paggawa ng galyon.
•Maraming Pilipino ang naghirap sa mga pagawaan ng galyon dahil sa sapilitang
paggawa o polo y servicio. Naging dahilan ng ilang pag-aalsa ang paghihirap na
naranasan mula rito.
•Napabayaan ang lokal na pamamahala dahil ang mga pinuno ay pumunta sa
Maynila. Dahil napabayaan, lalong naghirap ang mga Pilipino. Mga Unang Bilanggo ng Rebolusyon
35
Pangkalahatang Pagbabago sa Pamamahala ng mga Espanyol at Epekto
nito sa mga Pilipino
Kung susuriin, mas nakalalamang ang negatibong epekto sa mga Pilipino ng mga
pagbabago sa pamamahala ng Espanya sa Pilipinas. Ang mga pagbabago ay ginawa, hindi
para sa kapakinabangan ng mga Pilipino, kung hindi para sa ikauunlad ng mga Espanyol.
Pag-aralan natin ang talahanayan.
Pagbabago Epekto
Sentralisadong
Pamahalaan
Nasakop ang Pilipinas sa loob ng mahigit 300 taon.
Pamunuan Pinamunuan ang mga dayuhang Espanyol ang Pilipinas.
Hukuman Hindi patas ang tingin o hatol ng mga hukuman sa pagitan ng mga
Espanyol at Pilipino ng nasasakdal.
Batas Hindi rin naging patas ang batas. Laging nasa panig ito ng mga
Espanyol.
Lokal na
Pamahalaan
Naging abusado at magnanakaw ang mga pinunong Espanyol.
Relihiyon Naging panatiko at sunud-sunuran ang mga Pilipino sa Katolisismo.
Naging kasangkapan ito sa pananakop.
Patakarang
Pangkabuhayan
Labis na nagipit at naghirap ang mga Pilipino.
Edukasyon Hindi gaanong natuto ang mga Pilipino ng mga bagong kaalaman,
dahil sinadya ito ng mga Espanyol para manatiling dahop sa
kaalaman.
Damdamin Mabagal bago maglapat at mabuo ang diwang makabayan ng mga
Pilipino.
Karapatan Walang karapatan ang mga Pilipino dahil mga alipin ang turing sa
kanila ng mga Espanyol.
36
A. Hanapin sa Hanay B ang hinihingi o inilalarawan ng Hanay A.
Hanay A Hanay B
1.Naging panatiko at sunud-sunuran ang mga Pilipino
sa Katolisismo. Naging kasangkapan ito sa pananakop.
A.damdamin
2.Hindi patas ang tingin o hatol ng mga hukuman sa
pagitan ng mga Espanyol at Pilipino ng nasasakdal.
B.relihiyon
3.Labis na nagipit at naghirap ang mga Pilipino. C.hukuman
4.Hindi gaanong natuto ang mga Pilipino ng mga
bagong kaalaman, dahil sinadya ito ng mga Espanyol
para manatiling dahop sa kaalaman.
D.kabuhayan
5.Mabagal bago maglapat at mabuo ang diwang
makabayan ng mga Pilipino.
E.edukasyon
F.karapatan
G.pamahalaan
B.Isa-isahin ang hinihinging sagot.
Limang epekto ng Kalakalang Galyon sa kabuhayan ng Mga Pilipino:
6._____________________
7._____________________
8._____________________
9._____________________
10. ____________________
Suriin Natin
37
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1.Ano ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaang kolonyal ang maaaring hawakan
ng isang dating raha o datu?
2.Ano ang isang epekto ng kalakalang galyon sa mga katutubo?
3.Paano binago ng pamahalaang kolonyal sa pamamagitan ng isang sentralisadong
pamahalaan ang kapalaran ng Pilipinas at mga mamamayan nito?
Mahigit 300 o siglong namalagi ang mga Espanyol sa Pilipinas. Sa napakahabang panahong
ito, ano ang pinakamakabuluhang pagbabago ang nangyari sa aspektong pampulitika at
pang-ekonomiya ng Pilipinas na hanggang ngayon ay pinakikinabangan pa ng mga
Pilipino?
Isulat ang sariling pananaw tungkol sa naging epekto ng kolonyalismo sa pamamahala at
ekonomiya ng mga katutubong Pilipino. Ipawasto ito sa guro. Ipaskil sa alinmang social
media.
Nais kong ipahayag na…….
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
38
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay
Marka
Nilalaman Halos walang
laman at
napakalabo ng
pananaw
Kalahati
lamang sa
pananaw ang
malinaw at
tama
Malinaw at
tama ang
pananaw, may
ilang bahagi na
hindi
naipaliwanag
Kumpleto,
napakalinaw,
at tama lahat
ang pananaw
Kaayusan at
Kalinisan
Walang
kaayusan at
napakadumi ng
output;
napakaraming
nakitang bura,
dumi o
pagkakamali
Kailangang
matutong
maging maayos
at malinis sa
paggawa;
maraming
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Maayos at
malinis ang
output; may
ilang nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Napakaayos at
napakalinis ng
ipinasang
output; walang
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa
ng output sa
loob ng ilang
panahon
matapos ang
itinakdang
pasahan dahil
ipinaalala ng
guro
Nakapagpasa
ng output sa
loob ng ilang
panahon
matapos ang
itinakdang
pasahan
Nakapagpasa
ng output sa
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output bago
pa ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
KABUUAN
39
Hindi mangmang ang mga Pilipino gaya ng paratang ng mga Espanyol. Nasa kanilang
plano ang sadyang gawing walang alam ang mga Pilipino. Nagpatayo ng mga paaralan ang
mga prayle, subalit sila rin ang may pangunahing kontrol dito. Ikinulong nila ang mga
Pilipino sa doktrina ng kanilang relihiyon. Hindi nila lubusang itinuro ang tungkol sa agham
at pagiging liberal. Hindi rin libre ang mga Pilipino sa panghahamak at pagpaparusa ng
mga prayle. Ang lahat ng ito ay sinadya, sa takot na umunlad ang kaalaman ng mga
Pilipino. Sa pangkalahatan, lubhang naging mahina at mababa ang aspektong mental ng
mga Pilipino sa ilalim ng edukasyong kolonyal.
Karagdagang Kaalaman
Hawak ng mga prayle ang edukasyong kolonyal.
40
Bumuo ng limang pangkat. Pumili ng isang paksa. Talakayin sa klase.
•Suriin ang mga pagbabagong pampulitika at ekonomiya na ipinatupad ng kolonyal
na pamahalaan.
•Ihambing ang balangkas o estruktura ng pamahalaang kolonyal sa uri ng
pamamahala ng mga sinaunang Pilipino.
•Ihambing ang sistema ng kalakalan ng mga sinaunang Pilipino sa sistema noong
panahon ng kolonyalismo.
•Talakayin ang epekto ng mga pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol sa
pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino.
•Ibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto ng kolonyalismo sa lipunan ng
mga katutubong Pilipino.
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng
Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay
Marka
Pagtalakay Napakagulo ng
ipinamalas na
pagtalakay;
nakaaantok
panoorin; kalat
ang konsepto
at walang
malinaw na
tunguhin at
hindi
napalutang
ang
pangunahing
layunin
Medyo magulo
ang ipinakitang
pagtalakay;
medyo walang
ganang
tutukan; may
kulang sa
konsepto at
hindi nakamit
ang
pangunahing
layunin
Nairaos nang
maayos ang
pagtalakay;
bahagyang
nakahihikayat
at medyo
nakagaganang
pakinggan;
buo ang
konsepto at
natamo ang
pangunahing
layunin
Napakaayos,
napakahusay,
at napakalinaw
ng pagtalakay;
tunay na
nakahihikayat
at nakawiwiling
pakinggan;
buong-buo ang
konsepto at
natamo ang
pangunahing
layunin
Pagyamanin Natin
41
Pagpapahalaga Nangailangan
ng paggabay
kahit sa
simpleng
gawain;
madaling
umayaw;
umaasa sa iba
Nakayang
gawin ang
madadaling
bahagi,
nangailangan
ng paggabay;
ginawa muna
ang mahihirap
na bahagi,
maaaring
umayaw kung
walang
paggabay
Nakayang
gawin ang
mahihirap na
bahagi,
nangailangan
ng paggabay;
ginawa muna
ang mahihirap
na bahagi,
kaya pa ring
magpatuloy
kahit walang
paggabay
Pinaghirapan at
pinaghandaang
mabuti ang
gawain, hindi
na
nangailangan
ng paggabay;
madaling
nakaugnay at
natapos sa oras
ang gawain
Pakikilahok ng
Bawat
Indibiduwal
Hindi
nakilahok at
walang interes
sa paghahanda
at
pagsasakatupa
ran ng gawain
May
naipakitang
kaunting
interes at
pakikilahok sa
paghahanda at
pagsasakatupa
ran ng gawain
Nagpakita ng
interes subalit
hindi gaanong
nakilahok sa
paghahanda at
pagsasakatupa
ran ng gawain
Nagpakita ng
masidhing
interes at
aktibong
pakikilahok sa
buong
paghahanda at
pagsasakatupa
ran ng gawain
KABUUAN
42
Pagbabago sa Pulitika at
Ekonomiya
Estruktura ng Pamahalaang
Kolonyal
Sistema ng Kalakalan
Epekto sa mga Pagbabago sa
Pamamahala ng mga Espanyol
Paglalagom
DAPAT TANDAAN
•May dalawang uri ng pamamahala ng mga sinaunang Pilipino, ang
pamahalaang barangay at pamahalaang sultanato. Nang sakupin ng
Espanya ang Pilipinas, nagtatag sila ng isang sentralisadong pamahalaang
kolonyal.
•Ang pamahalaang kolonyal ay nasa paggabay ng isang gobernador-heneral.
Ang dating mga raha o datu ay tumulong sa pangangasiwa sa lokal na
pamahalaan bilang gobernadorcillo o cabeza de barangay na lamang.
43
Ang sumusunod na link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas
malalim na pagtalakay:
•“Economic System in the Philippines (Pre-Colonial or Pre-Spanish Period)” ni Venice Ann
(https://www.youtube.com/watch?v=pzjuSwyQxPc)
•“Copy of Philippine Government during the Pre Spanish & Spanish Era” ni Smith Montaniel
(https://www.youtube.com/watch?v=E5Wxc_iLmow)
•“Xiao Time: Mabuting Naidulot ng Kalakalang Galyon” ng PTV
(https://www.youtube.com/watch?v=D13zsLJOaLE)
DAPAT TANDAAN
•Noong sinaunang panahon, malayang nagpapalitan ng mga kalakal ang
mga barangay. Malaya ring nakikipagkalakalan ang mga katutubong
Pilipino sa mga karatig-bansa sa Silangan sa pamamagitan ng sistemang
barter. Sa panahon ng pananakop ng Espanya, ipinatupad nila ang isang
kontroladong kalakalan, ang kalakalang galyon, sa pamamagitan ng
paggamit ng boleta na may katumbas sa 250 piso kada isa para sa isang
pitak sa galyon.
•Nasakop ang Pilipinas sa loob ng mahigit 300 taon. Pinamunuan ng mga
dayuhang Espanyol ang mga Pilipino sa sariling lupain. Hindi naging
makatarungan ang kabuuan ng pamumuno. Naging kahabag -habag ang
kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang kolonyal.
Dagdag Sanggunian
44
Aralin 1: Estruktura ng Pamahalaang Kolonyal
Subukan Natin
Malayang sagot
Halimbawa: Ang datu ang pinuno ng isang barangay. Bawat barangay ay may sariling
pinuno. Ang kapangyariahan ng datu ay ganap o lubos (absolute). Sa katunayan, siya ang
tagapagpaganap, tagapagbatas, at tagapaghukom. Ang posisyon ng datu ay namamana.
Suriin Natin
A.
1.Tagapagpatupad
2.Datu
3.Tagapaghukom
B.
1.Tagapagpaganap
2.Real Audiencia
3.Alcalde mayor
4.Alcalde
5.Gobernadorcillo
6.Cabeza de barangay
Aralin 2: Sistema ng Kalakalan
Subukan Natin
Malayang sagot
Gabay sa Pagwawasto
45
Suriin Natin
A.
1.G
2.A
3.D
4.B
5.F
B.Anuman ang pagkakasunod-sunod:
1.Mehiko
2.Espanya
3.Pilipinas
Para sa 4-5, alinman sa sumusunod:
•gobernador-heneral
•mga prayle
•matataas na pinuno
•mga kaibigan nila
Aralin 3: Epekto ng mga Pagbabago sa Pamamahala ng mga Espanyol
Subukan Natin
Malayang sagot
Suriin Natin
A.
1.B
2.C
3.D
4.E
5.A
B.Anuman ang pagkakasunod-sunod:
1.Naudlot ang pag-unlad ng kabuhayan sa Pilipinas dahil napabayaan ito ng
pamahalaan, na walang inatupag kung hindi ang kalakalang galyon upang
makinabang nang malaki.
46
2.Nalimitahan ang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa Mehiko. Natigil ang masiglang
pakikipag-ugnayan sa ibang karatig-bansa sa Asya. Dumagsa ang mga Tsino sa
Pilipinas noong panahon ng kolonyalismong Espanyol na naging kaagaw pa ng mga
Pilipino sa kabuhayan.
3.Nasira ang maraming gubat sa Pilipinas dahil sa labis na pangangailangan ng
maraming troso sa paggawa ng galyon.
4.Maraming Pilipino ang naghirap sa mga pagawaan ng galyon dahil sa sapilitang
paggawa o polo y servicio. Naging dahilan ng ilang pag-aalsa ang paghihirap na
naranasan mula rito.
5.Napabayaan ang lokal na pamamahala dahil ang mga pinuno ay pumunta sa
Maynila. Dahil napabayaan, lalong naghirap ang mga Pilipino.
Agoncillo, Teodoro A. Kasaysayan ng Bayang Pilipino. Quezon City: GAROTECH Publishing,
1984.
Basallo, Bertito R. IOTOPIA: Pilipinas. Las Pinas City: HPH Incorporated, 2010.
Camagay, Celestina P. Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas. Mandaluyong City: SIBS,
2005.
Lontoc, Nestor S. Lakbay ng Lahing Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2017.
Boncan, Celestina P. Kabihasnang Pilipino. Quezon City: Vibal Publishing House, 2010.
Sanggunian