AP6 Q4 W2 D1 karanasan ng piling taumbayan sa m.law.pptx
dumpjmkramson
6 views
16 slides
Sep 08, 2025
Slide 1 of 16
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
About This Presentation
hhvh
Size: 328.47 KB
Language: none
Added: Sep 08, 2025
Slides: 16 pages
Slide Content
Mga Karanasan ng mga Piling Taumbayan sa Panahon ng Batas Militar
Pag-aralan ang mga sumusunod na salita upang higit na maunawaan ang aralin : Dekreto – mga nakasulat na kautusan o batas na nagmumula sa pinuno ng bansa Diktatoryal - uri ng pamahalang pinamumunuan ng iisang tao lamang Nepotismo – pagluklok sa posisyon ng mga kamag-anak o kaibigan ng namumuno Pamahalaang presidensiyal – pamahalaang demokratiko na pinamumunuan ng isang pangulo Ratipikasyon – pagsasagawa ng mga pagbabago sa batas Subersyon – paglaban ng grupong tumututol sa pamahalaan Susog – mga karagdagang batas
Xiao Time : Paggunita sa mga Biktima ng Martial Law
Nagbago ang takbo ng buhay ng mga mamamayan nang ipairal ni Marcos ang Batas Militar . Negatibo ang naging pagtanggap ng mga Pilipino sa bagong sistema ng pamahalaang binuo ni Marcos sapagkat sadyang nabawasan ang karapatan ng mga mamamayan .
Naghari ang takot sa puso ng mga tao , kasabay nito ang pag-usbong ng galit at pagkamuhi kay Pangulong Marcos. Isa si Benigno Aquino Jr. sa mga hindi sumang-ayon kay Marcos sa pagdeklara nito ng Batas Militar sapagkat naniniwala siya na ginawa ito ni Marcos upang mapatagal pa ang kanyang panunungkulan bilang pangulo ng bansa .
Isa sa mga pangyayaring hindi lubos maunawaan at matanggap ng mga Pilipino ay ang diumano’y ginawa ni Marcos na paghuli o pagpaslang sa mga politikong kalaban niya at mga komentarista sa radio at telebisyon na tumuligsa sa kanya .
Ilan sa kanila ay sina Senador Benigno S. Aquino Jr. , Jose Diokno ; ang mga mambabatas na sina Roque Ablan , Rafael Aquino , David Puzon , at ang mga delegado ng con-con na sina Napoleon Rama, Teofisto Guingona , Alejandro Lichauco , Ramon MItra at Jose Concepcion .Gayundin sina Joaquin “Chino” Roces , ang patnugot ng The Manila Times ; Teodoro M. Locsin , ang patnugot ng Philippines Free Press , Maximo Soliven at Amado Doronilla , mga mamamahayag sa dyaryo .
Hindi naging normal ang naging buhay ng mga Pilipino sapagkat ipinasara ni Marcos ang lahat ng pahayagan , radio at telebisyon.Pinangasiwaan din ng pamahalaan ang pagpapatakbo ng mga kakailanganin ng publiko katulad ng Philippine Long Distance Telephone , Co. (PLDT) Manila Electric Company ( Meralco ) at ang mga eroplano .
Isa sa mga hindi lubos na nagustuhan ng mga mamamayan sa mga ginawa ni Marcos ay ang kanyaang ginawang pagkontrol sa media. Anging ang mga istasyon ng radio at telebisyong pag-aari ng pamahalaan at ang mga mamamahayag na tapat kay Marcos ang siyang naririnig at napapanood.Maging ang mga pahayagan ay kinontrol din ng pamahalaan .
Sino- sino ang mga piling taong pinahuli o pina – aresto ni Marcos noong panahon ng Batas Militar ? Ano ang kanyang dahilan sa pagpapahuli sa mga ito . Pangkatang Gawain: Ano-anong karapatang pantao ang hindi nalasap ng mamamayan sa panahon ng Batas Militar ? Makatarungan ba ang ginawang ito ni Marcos?
Bakit sinasabing ang kapangyarihan ng pamahalaan noong panahon ng Batas Militar ay nasa iisang tao lamang ? Sang- ayon ka ba sa ganitong uri na pamamahala ? Ano ang naging buhay ng mga Pilipino sa ilalim ng Batas Militar ?
Suriin kung tama o mali ang sumusunod na pahayag : ___1. Nagbago ang takbo ng buhay ng mga mamamayan nang ipairal ni Marcos ang Batas Militar . ___2. Naging positibo ang pagtanggap ng mga tao sa bagong sistema ng pamahalaang binuo ni Marcos .
___3. Ipinakulong ni Marcos ang mga sumalungat sa kanyang pamamahala kasama ang ilang politikong sina Ninoy Aquino , Jovito Salonga at Jose Diokno . ___4. Higit na nasiyahan ang mga mamamayan ng kontrolin ni Marcos ang media at pangasiwaan ang mga negosyo sa Pilipinas .
___ 5. Dahil sa Batas Militar , naghari ang takot sa puso ng mga tao , kasabay ang pag-usbong ng galit at pagkamuhi kay Marcos.
Takda : Ilarawan ang nagging reaksiyon ng mga Pilipino hinggil sa paghahari ng Batas Militar sa bansa ?