AP7-IMPERYALISMONG HAPON SA PILIPINAS.docx

gaddinganroda 6 views 7 slides Nov 01, 2025
Slide 1
Slide 1 of 7
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7

About This Presentation

Detalyadong banghay aralin


Slide Content

Republic of the
Philippines
D
EPARTMENT OF EDUCATION
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
AMBAGUIO HIGH SCHOOL
BANGHAY-ARALIN
Grade & Section7-Geography
ILAYUNIN
A
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN
Naipapamalas ang pah-unawa at pagpapahalaga sa nagging
tugon at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa
Pilipinas.
BPAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nakabubuo ng proyekto na nagbibigay impormasyon sa
mga nagging tugon sa kolonyalismo at imperyalismo sa
Pilipinas at sa Timog-Silangang Asya.
C
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Naipapaliwanag ang mga pamamaraan at patakaran ng
Imperyalismong Hapon sa Pilipinas noong ika 20-siglo
IIPAKSA
IMPERYALISMONG HAPON SA PILIPINAS NOONG IKA-20 SIGLO
IIIKAGAMITANG PANTURO
ASanggunian Araling Panlipunan 7 Book
BMateryales Laptop,PowerPointpresentation,Instructional Materials,
Cartolina, Marker, White board
IVPAMAMARAAN
A. Panimulang
Gawain
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating
aralin, tumayo muna tayong
lahat at tayo’y manalangin.
Pagbati
Magandang hapon Grade 7-
Geography
Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo umupo ay paki-ayos
muna ang inyong mga upuan,
tingnan kung may mga kalat sa
ilalim ng inyong mga upuan at
pulutin ito at itapon sa tamang
(Taimtim na nagdadasal ang mga mag-
aaral)
Magandang hapon po, ma’am.

B. Pagbabalik-
aral
C. Pagganyak
basurahan.
Pagtatala ng liban
Class secretary, paki check ang
attendancde
Alituntunin sa klase
Bago tayo tumungo sa ating gawain,
pakibasa nga ng sabay-sabay ang mga
alituntunin.
Sa pamamagitan ng isang gawain,
malalaman natin kung mayroon ng
aba kayong natutunan sa nakaraan
nating talakayan.
Gawain 1: AYUSIN MO AKO
Panuto: Ayusin ang mga nagulong
letra.
1.Ito ay ang patakaran o Sistema
kung saan ang isang
makapangyarihang bansa ay
lumalawak ng kapangyarihan
at control sa ibang mahihinang
bansa o teritoryo.
MRIEPOMAYSIL
2.Ito ay isang uri ng pananakop
kung saan ang isang
makapangyarihang bansa ay
tuwirang kumokontrol at
naninirahan sa ibang lupain o
bansa upang pagsamantalahan
ang kanilang likas na yaman,
kalakalan at tao.
OMSLINOYAKIO
Class may ipapagawa ako sa inyo at
ang activity na ito ay may kinalaman
sa ating lesson ngayong araw.
Gawain 2: HALO-AYOS-SALITA
( ichecheck ng class secretary ang
attendance)
1.Makinig nang mabuti sa
talakayan
2.Huwag mag-ingay kapag may
nagsasalita sa harapan
3.Magtaas ng kamay kung may
nais sabihin o kung may tanong
4.Makilahok sa mga gawain
1. IMPERYALISMO
3.KOLONYALISMO

D. Mga tiyak na
Layunin
E. Pagtatalakay
Panuto: Ayusin ang mga titik upang
mabuo ang tamang salita.
1.NOPAH
2.NAAMGID
3.ALLIREUG
4.LEUNAM L. NOZEUQ
5.NAATAB HTAED HCRAM
6.SALGUOD RUHTRACAM
7.RODIGERROC
8.YEKCIM ESUOM YENOM
Base sa mga salitang inyong binuo,
ano kaya sa tingin ninyo ang ating
tatalakayin ngayon?
Ok mahusay, ang tatalakayin natin
ngayon ay tungkol sa imperyalismong
Hapon dito sa Pilipinas
Bago tayo tumungo sa ating
talakayan, mangyaring pakibasa muna
ang ating layunin.
Gawain 3: Ayusin mo, Kasaysayan
ko
Panuto: Ayusin ang tamang
pagkakasunod ng mga pangyayari sa
panahon ng pananakop ng Hapon sa
Tamang sagot:
1.HAPON
2.DIGMAAN
3.GUERILLA
4.MANUEL L. QUEZON
5.BATAAN DEATH MARCH
6.DOUGLAS MACARTHUR
7.CORREGIDOR
8.MICKEY MOUSE MONEY
Maam sa tingin ko po ang tatalakayin
natin ngayon ay tungkol sa pagsakop
ng hapon sa Pilipinas
(ang mga mag-aaral ay sabay-sabay na
babasahin)
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
1.Natutukoy ang mahahalagang
pangyayari at epekto ng
Imperyalismong Hapon sa
Pilipinas.
2.Naipapakita ang pagpapahalaga
sa kalayaan at sakripisyo ng
mga Pilipino noong panahon
ng pananakop.
3.Nakakabuo ng malikhaing
slogan tungkol sa laban ng
mga Pilipino laban sa
pananakop ng mga Hapon.
Group 1. Pananakop ng mga Hapon

Pilipinas. Idikit ito sa cartolina.Bawat
grupo ay magtalaga ng dalawang
representative para iulat ang inyong
mga output sa harapan.
Group 1
Disyembre 8, 1941,
Enero 2, 1942
Abril 9, 1942
Mayo 6, 1942,
Group 2
Enero 23, 1942
Oktubre 14, 1943
sa Pilipinas (1941–1942)
Nagsimula ang pananakop ng mga
Hapon sa Pilipinas noong Disyembre
8, 1941, isang araw matapos ang pag-
atake nila sa Pearl Harbor sa Hawaii.
Inatake nila ang mga base militar ng
Amerika at Pilipinas tulad ng Clark
Air Base sa Pampanga at Cavite Naval
Base. Dahil dito, mabilis na humina
ang puwersa ng mga Amerikano at
Pilipino. Pagsapit ng Enero 2, 1942,
nasakop na ng mga Hapon ang
Maynila at idineklara itong Open City
upang maiwasan ang karagdagang
pinsala.
Sa kabila ng matapang na paglaban ng
mga sundalong Pilipino at Amerikano,
napilitang sumuko ang mga ito sa
Bataan noong Abril 9, 1942. Dito
naganap ang malagim na Death March
kung saan libu-libong sundalo ang
pinilit maglakad ng halos 100
kilometro patungong San Fernando,
Pampanga, na naging dahilan ng
pagkamatay ng marami sa gutom at
pagod. Pagsapit ng Mayo 6, 1942,
bumagsak din ang Corregidor—ang
huling tanggulan ng mga Pilipino. Ito
ang hudyat ng ganap na pagsakop ng
mga Hapon sa Pilipinas.
Group 2. Pamahalaang Puppet sa
Ilalim ng mga Hapon (1942–1944)
Matapos masakop ang bansa,
nagsimula ang mga Hapon sa
pagtatatag ng pansamantalang
pamahalaan upang mapadali ang
kanilang pamumuno. Noong Enero
23, 1942, itinatag nila ang Philippine
Executive Commission (PEC) na
pinamunuan ni Jorge B. Vargas.
Layunin nitong ipakita na may sariling
pamahalaan ang mga Pilipino, ngunit
sa katotohanan, kontrolado ito ng mga
Hapon.
Ipinahayag ng mga Hapon na malaya

Group 3
Marso 29, 1942
Oktubre 20, 1944,
Pebrero-Marso 1945,
PAMANTAYA
N
PUNTOS
Nilalaman 10
Kalinawan ng
presentasyon
10
Kooperasyon at
disiplina
5
Kabuuang
Puntos
25

na raw ang Pilipinas at itinatag ang
Ikalawang Republika ng Pilipinas at
itinalaga si Jose P. Laurel bilang
pangulo noong Oktubre 14, 1943.
Bagaman Pilipino ang namumuno,
wala siyang tunay na kapangyarihan
dahil lahat ng desisyon ay
pinanghimasukan ng mga Hapones.
Isinulong din ng mga Hapon ang
ideolohiya ng “Greater East Asia Co-
Prosperity Sphere,” na naglalayong
ipakita na ang mga bansang Asyano ay
dapat magkaisa laban sa mga
Kanluranin. Ngunit ito ay naging
dahilan lamang upang lalo nilang
kontrolin ang mga bansa sa Asya,
kabilang ang Pilipinas. Sa ilalim ng
kanilang pamahalaan, naramdaman ng
mga Pilipino ang matinding paghihirap
gaya ng kakulangan sa pagkain,
pagsasara ng mga pahayagan, at
kawalan ng kalayaan sa
pamamahayag.
Group 3. Pagtutol at Pakikibaka ng
mga Pilipino (1942–1945)
Kahit nasakop ng mga Hapon ang
bansa, hindi sumuko ang mga Pilipino.
Marami ang bumuo ng kilusang
gerilya upang ipagpatuloy ang
pakikipaglaban. Isa sa mga
pinakatanyag na grupo ay ang Hukbo
ng Bayan Laban sa Hapon
(HUKBALAHAP) na itinatag noong
Marso 29, 1942 sa Pampanga sa
pangunguna ni Luis Taruc. Layunin ng
grupong ito na labanan ang mga
Hapones at ipagtanggol ang mga
mamamayan sa kalupitan ng
pananakop.
Malaki rin ang ginampanang papel ng
mga sibilyan na tumulong sa mga
gerilya sa pamamagitan ng pagbibigay
ng pagkain, impormasyon, at
kanlungan. Habang nagpapatuloy ang
labanan, unti-unting lumakas muli ang

G.Pagpapahalag
a
H. Pagtataya
Buod
Ang pananakop ng mga Hapon ay
nagsimula sa biglaang pag-atake
noong 1941 at nagtapos sa paglaya ng
Pilipinas noong 1945. Sa panahong
ito, naranasan ng mga Pilipino ang
labis na hirap, gutom, at kawalan ng
kalayaan. Gayunman, ipinakita rin ng
mga Pilipino ang matinding tapang at
pagmamahal sa bayan sa
pamamagitan ng kanilang pagtutol at
pakikibaka. Ang mga karanasang ito
ay nagsilbing paalala sa kahalagahan
ng kalayaan at pagkakaisa ng
sambayanan.
Gawain 4: IBAHAGI MO
Kung ikaw ay nabuhay noong
panahon ng pananakop ng Hapon,
paano mo maipapakita ang
pagmamahal sa bayan at kalayaan?
Gawain 5.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang
sagot.
1. Anong taon sinalakay ng Hapon
ang Pilipinas?
a. 1935
b. 1939
c. 1941
d. 1945
2. Sino ang itinalagang pangulo ng
puwersa ng mga Pilipino at
Amerikano.
Noong Oktubre 20, 1944, tinupad ni
General Douglas MacArthur ang
kanyang pangako na “I shall return”
sa pamamagitan ng pagbabalik sa
Leyte upang simulan ang kampanya sa
pagpapalaya ng Pilipinas. Matinding
labanan ang naganap, lalo na sa
Maynila noong Pebrero-Marso 1945,
ngunit sa huli, natalo ang mga
Hapones at muling nakamit ng
Pilipinas ang kalayaan.
(malayang pagbabahagi)
- pakikipaglaban sa paaraang kaya ko
- pagpapanatili ng kulturang Pilipino
- pagpapakita ng katatagan at disiplina
1.A

V.
Takdang Aralin
pamahalaang puppet sa ilalim ng
Hapon?
a. Emilio Aguinaldo
b. Jose P. Laurel
c. Manuel L. Quezon
d. Sergio Osmeña
3. Ano ang tawag sa kilusang guerilla
na lumaban sa pananakop?
a. Katipunan
b. Hukbalahap
c. Makapili
d. Guardia Civil
4. Ano ang layunin ng Greater East
Asia Co-Prosperity Sphere?
a. Pagpapalawak ng Kristiyanismo
b. Pagkakaisa ng mga bansang
Asyano
c. Pagpapalawak ng Amerika
d. Pagpapayaman ng Espanya
5. Ano ang pinakamahalagang aral na
natutunan natin mula sa pananakop ng
Hapon?
a. Pagiging masunurin sa mananakop
b. Pagiging makasarili
c. Pagpapahalaga sa kalayaan at
kabayanihan
d. Pag-asa sa ibang bansa
Gawain 6
Panuto: Gumawa ng slogan na may
temang “Kabayanihan at Kalayaan ng
mga Pilipino sa Panahon ng Hapon”
2.B
3.B
4.B
5.C
Pamantayan
Nilalaman 8
Pagkamalikhain 7
Kalinisan at Kaayusan ng gawa5
Kabuuang Puntos 20
Tags