AP8 Q1 Week 5-1 Estrukturang Panlipunan - Kahulugan, Katangian at Kahalagahan.pptx

RayvenBoiserAbaiAbai 24 views 34 slides Sep 02, 2025
Slide 1
Slide 1 of 34
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34

About This Presentation

AP8 Q1 Week 5-1 Estrukturang Panlipunan - Kahulugan, Katangian at Kahalagahan


Slide Content

ESTRUKTURANG PANLIPUNAN: ARALING PANLIPUNAN 8 QUARTER 1 - WEEK 5 Kahulugan , Katangian at Kahalagahan Unang Araw

Ang kabihasnan ay tumutukoy sa isang yugto ng kalagayang kaunlaran na nalinang ng isang pangkat ng taong naninirahan sa isang lugar . Aral ng Nakaraan , Sandigan ng Kinabukasan Sa Asya, umusbong ang Mesopotamia, Indus at Shang. Sa Aprika , tanyag ang Egypt. Sa Europa, namayani ang Minoan at Mycenaean. Sa Amerika, nagsimula ang Olmec, sumunod ang Maya, Aztec, at Inca. Sa Oceania, kilala ang Polynesia, Melanesia at Micronesia.

Lupain sa pagitan ng dalawang ilog Rehiyon ng kabihasnang Maya Ito ay nangangahulugang maraming isla Sa KABIHASNAN ba’y Tukuyin ang tamang sagot. BIHASA ka na? MESOPOTAMIA YUCATAN PENINSULA Panahong bumagsak ang kabihasnang Mycenaean at bumaba ang antas ng pamumuhay sa Greece Sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Egyptian POLYNESIA GREEK DARK AGES HIEROGLYPHICS

Sa KABIHASNAN ba’y BIHASA ka na? MESOPOTAMIA YUCATAN PENINSULA POLYNESIA GREEK DARK AGES HIEROGLYPHICS E S T R U U K T R A P A N L I P U N N A N G E S T R U K T U R A N G P A U N I P N L A N

Bawat kabihasnan ay hindi lamang binubuo ng mga gusali, sining , at teknolohiya — ito ay umuunlad dahil sa mga taong may kani-kaniyang tungkulin . Tulad ng isang dula , bawat isa ay may papel , at dito nabubuo ang estrukturang panlipunan — isang sistemang naghahati at nag- uugnay sa tao batay sa gawain , kapangyarihan , at katayuan .

ESTRUKTURANG PANLIPUNAN Ito ay tumutugon sa organisadong kaayusan ng pag- uugnayan na humuhubog sa lipunan . Ito ang nagtatalaga ng mga batas, pamantayan , at mga inaasahang gabay sa pag- uugali ng isang indibidwal bilang kasapi ng isang pangkat o ng lipunan .

Mga katangian ng estrukturang panlipunan : May hierarchy o antas – tulad ng pinuno hanggang sa karaniwang kasapi . May tiyak na tungkulin at gampanin . May organisadong ugnayan ng mga tao . Tumutulong sa pagpapanatili ng kaayusan .

Sa kasaysayan , maraming kabihasnan ang gumamit ng malinaw na estruktura upang magtulungan at makamit ang mahahalagang adhikain . Isang kamangha-manghang halimbawa nito ay matatagpuan sa Egypt, kung saan ang malinaw na paghahati ng gawain at pagkakaisa ng mamamayan ay nagbunga ng isang obra-maestrang tulad ng Great Pyramid of Giza.

Ang Great Pyramid of Giza, na itinayo noong humigit-kumulang 2,560 BCE, ay patunay ng kahanga-hangang talino , disiplina , at pagkakaisa ng sinaunang kabihasnang Egyptian - hindi lamang bilang libingan ng mga paraon , kundi bilang simbolo ng kulturang may likas na tibay at kagandahan na umaabot sa maraming henerasyon .

IBA-IBA, Pero Lahat Mahalaga Sa paggawa ng mga dakilang gusali tulad ng pyramid sa sinaunang Egypt, bawat isa ay may gampanin — mula sa paraon na nag- uutos , hanggang sa mga manggagawa at tagapagdala ng bato . Bakit kaya may ganitong hati -hating gawain sa lipunan noon at ngayon ? Paano naaapektuhan ng posisyon sa Lipunan ang buhay ng isang tao ? Patas ba ang ganitong sistema noon? Paano naman sa kasalukuyan ? Iba-iba man ang tungkulin , lahat ay mahalaga upang matapos ang isang obra na tatagal sa daang libong taon . Tulad sa kasalukuyan , may kanya- kanyang papel ang bawat tao sa lipunan upang ito ay umunlad .

IBA-IBA, Pero Lahat Mahalaga Sa paggawa ng mga dakilang gusali tulad ng pyramid sa sinaunang Egypt, bawat isa ay may gampanin — mula sa paraon na nag- uutos , hanggang sa mga manggagawa at tagapagdala ng bato . Bakit kaya may ganitong hati -hating gawain sa lipunan noon at ngayon ? Paano naaapektuhan ng posisyon sa Lipunan ang buhay ng isang tao ? Patas ba ang ganitong sistema noon? Paano naman sa kasalukuyan ? Iba-iba man ang tungkulin , lahat ay mahalaga upang matapos ang isang obra na tatagal sa daang libong taon . Tulad sa kasalukuyan , may kanya- kanyang papel ang bawat tao sa lipunan upang ito ay umunlad .

IBA-IBA, Pero Lahat Mahalaga Sa paggawa ng mga dakilang gusali tulad ng pyramid sa sinaunang Egypt, bawat isa ay may gampanin — mula sa paraon na nag- uutos , hanggang sa mga manggagawa at tagapagdala ng bato . Bakit kaya may ganitong hati -hating gawain sa lipunan noon at ngayon ? Paano naaapektuhan ng posisyon sa lipunan ang buhay ng isang tao ? Patas ba ang ganitong sistema noon? Paano naman sa kasalukuyan ? Iba-iba man ang tungkulin , lahat ay mahalaga upang matapos ang isang obra na tatagal sa daang libong taon . Tulad sa kasalukuyan , may kanya- kanyang papel ang bawat tao sa lipunan upang ito ay umunlad .

Tukuyin kung ang bawat tao ay kabilang sa Mataas, Gitna, o Mababa ng antas ng estruktura. Sino sila sa Lipunan? Mataas Gitna Gitna Mababa Mataas

Tukuyin kung ang bawat tao ay kabilang sa Mataas, Gitna, o Mababa ng antas ng estruktura. Sino sila sa Lipunan? Gitna Mataas Gitna Mababa Mababa

Mapapansin na kadalasan nasa mataas na antas ang mga lider ng pamahalaan at relihiyon , at nasa ibaba naman ang mga manggagawa . Bakit kaya ganoon ang pagkakaayos ng mga tao sa lipunan ? Bakit may Antas ang Lipunan? Ang lipunan ay nahahati dahil sa: Yaman — Sino ang may mas maraming ari-arian ? Kapangyarihan — Sino ang may kontrol o impluwensiya ? Edukasyon — Sino ang may kaalaman at kasanayan ? Relihiyon — Sino ang itinuturing na may espiritwal na awtoridad ?

Ang antas ng estruktura ng lipunan ay ang paraan ng pag- oorganisa o pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan batay sa tungkulin , kapangyarihan , yaman , o paniniwala . Dito makikita kung sino ang nag- uutos , sino ang gumagawa , at bakit .

Kung Wala ang Isa Paano Na? Sa isang lipunan o kabihasnan , may iba't ibang grupo o antas na may kani-kaniyang gampanin . Ang bawat isa ay mahalaga para maging maayos ang buong sistema. Sa isang kabihasnan , biglang nawala ang pangkat ng mga: Pari Mandirigma Magsasaka

Ano ang magiging epekto nito sa lipunan ? Sino ang unang maaapektuhan at bakit ? Paano muling maibabalik ang kaayusan ng lipunan ? Kung Wala ang Isa Paano Na?

Ang bawat grupo o antas sa lipunan ay may mahalagang papel at responsibilidad . Walang grupo ang mas mahalaga kaysa sa iba dahil nagtutulungan silang lahat para sa kaayusan . Kapag nawala o naapektuhan ang isa, nararamdaman ito ng buong lipunan . Ang pagkakaisa at pagtutulungan ang susi para maibalik ang balanse. Kung Wala ang Isa Paano Na?

Ang estrukturang panlipunan ay kaayusan ng lipunan batay sa tungkulin , kapangyarihan , at yaman . Ito ay nagtatakda ng gampanin ng bawat kasapi . Nakatutulong ito sa pamamahala at kaligtasan ng kabihasnan . Ngunit, maaaring magdulot din ng hindi pagkakapantay -pantay.

Isa sa mahahalagang bahagi ng estrukturang panlipunan ang status, na tumutukoy sa posisyon o katayuan ng isang tao sa loob ng lipunan . Status sa Lipunan: Mula Noon Hanggang Ngayon May dalawang uri ng status: ascribed status at achieved status.

Ang ascribed status ay katayuan na ipinamamana o naituturing na likas , tulad ng pagiging anak ng isang pinuno . Status sa Lipunan: Mula Noon Hanggang Ngayon Sa sinaunang kabihasnan , madalas na ito ang batayan ng kapangyarihan at respeto , kaya ang mga anak ng mga pinuno o pari ay awtomatikong nagkakaroon ng mataas na posisyon sa lipunan .

Samantala , ang achieved status naman ay nakukuha o naaabot sa pamamagitan ng sariling pagsisikap , edukasyon , o kasanayan , tulad ng pagiging isang mandirigma , artisano , mangangalakal , o tagapamahala . Status sa Lipunan: Mula Noon Hanggang Ngayon

Status sa Lipunan: Mula Noon Hanggang Ngayon Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng antas sa lipunan noon at ngayon? Magbigay ng isang sitwasyon ngayon na nagpapakita na may antas pa rin sa lipunan.

Ang estrukturang panlipunan ay tumutugon sa organisadong kaayusan ng ugnayan ng mga tao sa loob ng isang lipunan. Ito ang nagtatakda ng mga batas, pamantayan, at gabay sa pag-uugali ng bawat indibidwal bilang miyembro ng isang pangkat o komunidad. Ito ang nagsusulong sa diwa ng pagkakaisa ng isang pangkat sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa mga layunin nito. Ito ay natural na nalilinang bunsod ng higit na malaking sistema ng pangangailangan sa isang kabihasnan o pamayanan. Punan Mo ang Papel Mo sa Estruktura

PPT Link: Books / References:

Estruk Ayusin ang lipunan sa Tamang Sagot! Quiz:

Ano ang pangunahing kahulugan ng estrukturang panlipunan ? Piliin ang letra ng tamang sagot. Estruk Quiz : Pagkakaiba -iba ng kultura at tradisyon na makikita sa loob ng isang bansa Pagkakaayos ng mga tao sa lipunan batay sa kanilang mga tungkulin at relasyon Pag- unlad at pagbabago ng teknolohiya at agham na nakakaapekto sa buhay ng tao Pagsunod ng mga tao sa mga batas at regulasyon na ipinapatupad ng kanilang pamahalaan Pagkakaayos ng mga tao sa lipunan batay sa kanilang mga tungkulin at relasyon

Bakit mahalagang maintindihan ang estrukturang panlipunan ? Piliin ang letra ng tamang sagot. Estruk Quiz : Para malaman kung paano makaaangat sa buhay nang walang pagsusumikap Para malaman kung sino ang dapat masunod sa lahat ng oras at pagkakataon Para mas maintindihan ang papel sa lipunan at makiisa sa pag- unlad nito Para malaman kung paano maiiwasan ang mga tao sa ibang antas Para mas maintindihan ang papel sa lipunan at makiisa sa pag-unlad nito

Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na dahilan kung bakit hinahati sa antas ang lipunan sa sinaunang kabihasnan ? Piliin ang letra ng tamang sagot. Estruk Quiz : Para magkaroon ng malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng mayayaman at mahihirap sa lipunan Upang matiyak na maayos na nagagampanan ang tungkulin at responsibilidad ng bawat kasapi Dahil naniniwala silang mas matalino at may kakayahan ang mga nasa mataas na katungkulan Para mapanatili ang mga tradisyon na nagdudulot ng diskriminasyon at paghihiwalay ng tao Upang matiyak na maayos na nagagampanan ang tungkulin at responsibilidad ng bawat kasapi

Anong pagkakatulad ng estrukturang panlipunan noon at ngayon ? Piliin ang letra ng tamang sagot. Estruk Quiz : Pareho silang nakabatay sa yaman at kapangyarihan na nagdidikta ng posisyon ng tao . Magkaiba ang epekto nila sa ekonomiya at madalas nagdudulot ang mga ito ng hindi pagkakaunawaan . Parehong nagtatalaga ng tungkulin at responsibilidad sa bawat tao sa lipunan . Pareho silang pumipigil sa pag- unlad ng mahihirap at nagpapalawak ng diskriminasyon . Parehong nagtatalaga ng tungkulin at responsibilidad sa bawat tao sa lipunan.

Paano nakaaapekto ang estrukturang panlipunan sa buhay ng isang tao noon at ngayon ? Piliin ang letra ng tamang sagot. Estruk Quiz : Nagtutulungan ang bawat isa upang maging malinaw at maayos ang tungkulin at gampanin sa lipunan Nagbibigay ito ng pantay-pantay na pagkakataon para sa lahat na umasenso at magkaroon ng magandang buhay Nagiging sanhi ito ng paghihirap at kawalan ng pag- asa sa mga taong gustong umasenso sa buhay Pinapawi nito ang mga pagkakaiba -iba sa pagitan ng mga antas at uri ng tao sa lipunan Nagtutulungan ang bawat isa upang maging malinaw at maayos ang tungkulin at gampanin sa lipunan

Sa bawat antas ng lipunan , may papel kang dapat gampanan gawing makabuluhan ang bawat tungkulin .

Maraming salamat po! ~Ma’am Eve
Tags