Sa linggong ito, inaasahan na iyong matutunan ang mga sumusunod Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa. (F8PB-IIa-b-24) Nabubuo ang mga makabuluhang tanong batay sa napakinggang palitan ng katuwiran. (F8PN-IIc-d-24) Naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng balagtasan. (F8PB-IIc-d-25)
Aralin 2: Balagtasan
Ano nga ba ang balagtasan???
Balagtasan Sa aklat ni Zafra (1999) , tinalakay niya ang kasaysayan ng balagtasan. Ayon sa kanya, isinilang ang balagtasan sa isang pulong ng Kapulungang Balagtas, Isang “ Katipunan ng mga mananagalog at makatagalog ”, na idinaos sa gusali ng Instuto de Mujeres na noon ay nasa Tayuman, Tundo, Manila.
Balagtasan Naganap ito noong 28 ng Marso 1924 , Linggo ng hapon. Pinagtibay ng pulong na iyon ang isang “ marangal na pagbubunyi ” sa araw ni Balagtas. Ang tunay na araw ni Balagtas ay ika-2 ng Abril na nang taon na iyon ay pumatak ng Miyerkules, kung kaya, ipinagpaliban sa ika-6 ng Abril upang mataong Linggo at makadalo ang lahat.
Balagtasan Sa pulong, iminungkahi ni Lope K. Santos ang pagdaraos ng makabagong duplo upang gawing katangi-tangi at nakaugnay sa tulang Tagalog ang parangal sa Makata ng Panginay. Subalit pinansing di-angkop sa pagdiriwang ang duplo. Karaniwang idinaraos ito sa lamayan bukod sa magulo at walang paksang tinutungo.
Balagtasan Si Patricio A. Dionisio nang nagmungkahing hanguin sa pangalan ni Balagtas ang ipalit sa duplo, ngunit kay Jose N. Sevilla iniuutang ang tawag sa Balagtasan. Sinasabing si Patricio Dionisio ang sumulat ng kauna-unahang iskrip ng balagtasan ─ ang “ Balagtasan ” ─ upang maging huwaran ng magsisipamalas.
Balagtasan Itinanghal ang kauna-unahang balagtasan sa Instituto de Mujeres noong Abril 6, 1924 , sa sagupaan nina De Jesus, bilang Paruparo at Collantes, bilang Bubuyog. Lumahok sina Lope K. Santos, bilang Lakandiwa at sofia Enriques, bilang Kampupot. Umupo ring hurado kasama ni Santos sina Rosa Sevilla-Alvero, bilang Lakan-ilaw at Inigo Ed Regalado, bilang Gatpayo. Naging matagumpay ang unang sagupaan sa entablado nina De Jesus at Collantes kaya nasundan pa ito ng ibang balagtasan.
Ang Balagtasan ay isang uri ng pagtatalo sa paraang patula na binubuo ng tatlong tauhan. Ang sumusunod ay ang kanilang ginagampanang papel.
LAKANDIWA Lakambini Sinuman sa dalawang ito na napiling mangasiwa ng balagtasan ang siyang nagpapakilala ng paksang pagtatalunan. Karaniwan, ang Lakandiwa ang napipiling magpakilala ng paksa.
LAKANDIWA Lakambini Mananawagan ang Lakambini o Lakandiwa para sa mga mababalagtas.
May tutugon sa panawagan ng Lakandiwa/Lakambini Mambabalagtas A Mambabalagtas b Sang-ayon Di Sang-ayon Tatanggapin ng Lakandiwa/Lakambini ang dalawang mambabalagtas at dito na magsisimula ang pagtatala.
Unang Palitan ng Argumento Mambabalagtas A Mambabalagtas b Sang-ayon Di Sang-ayon Bibigkasin ni A ang kanyang argumento sa paraang patula. Sasagot si B sa argumento ni A sa paraang patula rin.
Ikalawang Palitan ng Argumento Mambabalagtas A Mambabalagtas b Sang-ayon Di Sang-ayon Sasagot si A sa argumento ni B sa paraang patula. Sasagot si B sa argumento ni A sa paraang patula.
Ikatlong Palitan ng Argumento Mambabalagtas A Mambabalagtas b Sang-ayon Di Sang-ayon Sasagot pa rin si A kay B. Sasagutin ni B si A.
LAKANDIWA Lakambini Tatapusin ni Lakandiwa/Lakambini ang sagutan at titingnan ang desisyon ng madla. Ang Lakandiwa/Lakambini rin ang magbibigay ng hatol sa balagtasan.
Mambabalagtas vs. Mambibigkas Ang mambabalagtas ay isang makata na lumilikha ng tula. Nakikipagtalo siya sa paraang patula. May sukat, tugma at talinghaga ang balagtasan. Ang mambibigkas ay sinumang bumibigkas ng tula pero hindi sila awtomatikong matatawag na makata.
Iskrip ng Balagtasan May sinusunod na iskrip ang balagtasan. Sina J. C. de Jesus at F. Collantes ay magkasamang binuo ang una nilang balagtasan na “ Bulaklak ng Kalinis-linisan ”. Isinasaulo ito ngunit nagkakaroon din ng biglang paghabi ng tula bilang argumento sa paksang pinagtatalunan na hindi minsan maiiwasan mangyari.
Tono ng Mambabalagtas Hindi lamang isang tono ang ginagamit sa pagbigkas bagkus, ito ay naaayon sa diwa ng tula.
Palawakin Natin!!!
Paksa: “ Alin ang Lalong Nagpapatino sa mga Anak: Pamalo o Pangaral? ” Lakandiwa: Fernando (Batubalani), ang makata ng Laguna Mambabalagtas: Emilio Mar Antonio, ang makata ng Bulakan para sa panig ng Pangaral Teo S. Baylen, ang makata ng Kabite para sa panig ng Pamalo