Aralin-1 Kahulugan, Katangian, Kalikasan ng Sulating-Teknikal.pptx

ticmanalondra745 0 views 20 slides Sep 11, 2025
Slide 1
Slide 1 of 20
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20

About This Presentation

none


Slide Content

Kahulugan, Kalikasan at Katangian ng Pagsulat ng Sulating Teknikal Inihanda ni Bb. Alondra C. Ticman, LPT

Layunin Nabibigyang-kahulugan ang teknikal at bokasyunal na sulatin Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa: Layunin Gamit Katangian Anyo Target na gagamit

Pag-usapan ang... 01 Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal

Kasintada na ng daigdig ang pangangailangan ng mga tao sa mabisang komunikasyon. Ang komunikasyong teknikal ay nagtataglay ng tiyak na anyo na nakapokus sa pagsulat at pasalitang diskurso . Ang sulating teknikal naman ay ay isa lamang sa maraming anyo ng komunikasyong teknikal na higit na nagtataglay ng mataas na antas ng kasanayan mula sa isang disiplina. (Martinez et al. 2011)

Sa kasalukuyan, sinasaklaw rin ng komunikasyong teknikal ang paggamit ng video, audio, slides at iba pang uri ng multimedia na kagamitan. Maituturing na susi ng tagumpay para isang tao kung siya ay nagtataglay ng kahusayan sa komunikasyon, ito man ay sa pasalita o pasulat na anyo.

Pag-usapan ang... 2 Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal

Isang espesyalisadong anyo ng komunikasyon. karaniwan na itong naihahalintulad sa iba pang uri ng mga sulatin bagaman ito ay may tiyak na awdiyens, layunin, estilo, pormat, sitwasyon, nilalaman, at gamit na siyang pangunahing elemento . Komunikasyong Teknikal ???

Ito ay maituturing na applied na uri ng komunikasyon na ang mensahe ay nakalaan lamang para sa inaasahang tagatanggap nito na nangangailangan ng agarang pagtugon o paglunas sa isang suliranin. Komunikasyong Teknikal ???

Mga halimbawa ng komunikasyong teknikal: blogs, kard katalog, handbook, dokumentasyong pampagasasanay, ginabayang reperensiya, grant at proposal, polyeto, user manual, ulat, siyentipikong sarbey, website, manual at ebalwasyon. Komunikasyong Teknikal ???

Pag-usapan ang... 3 Elemento ng Komunikasyong Teknikal

Awdiyens Nagsisilbing t agatanggap ng mensahe at maaaring siya ay isang t agapakinig, manonood, o mambabasa. Layunin Ito ang dahilan kung bakit kinakailangang maganap ang pagpapadala ng mensahe.

Estilo kinapapalooban ito ng tono, boses, pananaw, at iba pang paraan kung papaanong mahusay na maipadadala ang mensahe. Pormat tumutukoy ito sa ginagabayang estruktura ng mensaheng ipadadala.

Sitwasyon pagtukoy ito sa estado kaugnay sa layuning nais iparating ng mensahe. Nilalaman dito nakasaad ang daloy ng ideya sa kabuuang mensahe ng komunikasyon.

Gamit ito ang pagpapakita ng halaga kung bakit kinakailangang maipadala ang mensahe.

Pag-usapan ang... 4 Mga Katangian ng Komunikasyong Teknikal

1. Oryentasyong nakabatay sa awdiyens Ang pangunahing prinsipyo sa pagbuo ng komunikasyong teknikal ay ang pagsulat para sa awdiyens . Sa katangiang ito, ang mensahe ay kinakailangang mula sa pananaw ng awdiyens at hindi sa manunulat.

2. Nakapokus sa subject Sa pagsulat ng komunikasyong teknikal, higit na binibigyang-pansin ang pangunahing paksa ng usapan dahil dito ibinabatay ang lahat ng impormasyong sangkot sa pagtalakay. Layunin nitong puspusang matalakay at maisa-isa ang inaasahang proseso na tutulong sa awdiyens na maisagawa ang inaasahan sa kaniya.

3. Kumakatawan sa manunulat Ang k atangiang ito ang nagpapakilala kung ano at sino ang sumulat o ang kultura ng oranisasyong kaniyang kinabibilangan. Tumutukoy rin ito sa kung ano ang imahen ang nais ipakita ng manunulat na sumasalamin sa samahang kabahagi siya. Tinatawag din itong “ branding ” na nagsisilbing pagkakakilanlan o identipikasyon .

4. Kolaborasyon Maituturing itong proseso tungo sa mahusay na pagbuo ng anumang uri ng komunikasyong teknikal. Dito nagsasama-sama ang iba’t ibang indibiduwal na may magkaibang kasanayan sa pagbuo ng komunikasyong inaasahan.

Thank you! [email protected] 555-111-222 mydomain.com
Tags